Chapter Six

173 122 58
                                    

Dream Chapter 6


"Friend okay ka lang?" Napalingon ako kay Me-anne at hindi ko naiwasan ang mapangiti ng malungkot


"Nag away ba kayo ng hottie boyfriend mo?" Dagdag tanong pa niya, nasa tinig ang lungkot at pag-aalala. Umiling lang ako at napabuntong-hininga.



Ang totoo niyan okay naman kami ni Jay masaya nga kami eh. Sobrang caring niya at damang dama ko ang pagmamahal niya sa tuwing magkasama kami at sa tuwing  ginagawa namin ang bagay na iyon. Alam niyo na kung anu yun.


Oo, halos kasama na yun sa daily routine namin.
Sa tuwing magsasama kami pagtapos ng trabaho namin at wala akong reklamo d'un, hindi rin ako natatakot sa tuwing ginagawa namin yun ng walang proteksiyon. So what kung mabuntis ako? mas gusto ko pa nga yun, Sobrang mahal ko siya at alam ko ganun din siya sa akin dahil nararamdaman ko yun. Kung may gusto man akong maging ama ng magiging anak ko, siya lang ang gusto ko.


Pero may posibilidad nga bang magbuntis ako sa kalagayan ngayon ni Jay? Possible ba yun?


"Eh bakit tulala ka? " Napabuntong hininga akong muli.
Ang totoo niyan kahit masaya kami ngayon ni Jay at ilang buwan na din ang lumipas mula ng huling nakita ko siyang parang signal na nawawala hindi ko pa din maiwasan ang matakot at kabahan na baka isang araw magising nalang ako ng wala na siya.


"May iniisip lang ako." Tanging nasabi ko. Umupo siya sa tabi ko.
Andito kami ngayon sa balkonahe  ng inu-upahan namin.


"Ano namang iniisip mo?" Kunot-noo niyang tanong. Napabuntong-hininga uli ako.


"Wala mga bagay-bagay lang"


"Like?"



"Like, kaya ko kaya?" Tiningnan niya ako ng nagtataka


"Kaya ang ano?"


Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na hindi kabilang si Jay sa totoong mundo namin.
Kung pwede ko lang sabihin kung ano si Jay.


Pero ano nga ba siya?


Maliban sa alam kong posible siyang mawala isang araw sa akin, sa amin na kinakatakot kong mangyari hindi ko na alam kung ano pa siya.


Bakit ba kasi kailangan pa siyang mawala?


Bakit kailangan niyang maging iba sa amin?


"Wala, never mind me nalang " Pinilit ko nalang  na ngumiti para itago ang totoong nararamdaman.
Tumitig siya sa akin na para bang binabasa kung nagsasabi ako ng totoo. Tinaasan ko siya ng isang kilay kaya ngumiti din siya at bahagyang napailing.


"Ikaw talaga, mabuti pa matulog nalang tayo. Tara na sa loob" Tumayo siya.


"Sige" Sang-ayon ko tsaka ako tumayo na din at magkasabay na kami pumasok  sa loob.



Kailan kaya ako matutulog ng hindi natatakot na baka pag gising ko  wala na siya?


Naitanong ko sa sarili ko bago ako nakatulog.


--
--


Nagising ako ng alanganing oras dahil sa tunog ng nagwawala kong cellphone  ko. Agad na binalot ng kakaibang kaba ang puso ko ng makita kung sino ang tumatawag. Binalingan ko ng tingin ang orasang nakasabit sa dingding, 2:35am.
Ngayon lang siya tumawag ng ganitong oras.


DREAM ( COMPLETED )Where stories live. Discover now