Chapter Seven

180 122 54
                                    

Dream Chapter 7


Time scape....



"Best hurry up, baka mahuli na tayo sa kasal"


Narinig kung sigaw ni Me-anne sa baba. Muli akong napatingin sa reflection ko sa salamin.


" This is it Sherlaine you waited for this day." Napabuntong-hininga ako at ilang sandali pang pinagmasdan ang repleksiyon ko sa salamin bago bumaba.


"How do I look?" Nakangiting umikot-ikot ako sa harap niya para makita niya ang kabuuan ko.
Ngumiti naman siya tsaka ako niyakap ng mahigpit.


"Ang ganda ganda mo best! sigurado akong magniningning ka talaga mamaya"


Bahagya akong lumayo.


"Magniningning? haha, what do you think of me, a star?" Natatawa kong tanong.


Masaya akong may bestfriend akong katulad niya, na kahit na ano pang nangyari nanatili sa tabi ko at never akong iniwan.


"Star ka naman talaga. Falling star nga lang" Natatawa niyang sabi. Napailing nalang ako.


"Tara na nga, baka malate pa tayo sa kasal. Ayaw ko pang mamatay dahil sigurado akong papatayin talaga ako ni Joseph " 


Nangingiting tinaasan ko siya ng kilay.


" I don't think so na magagawa yun ni Joseph saiyo, kahit na siguro hindi pa ako sumipot sa simbahan hindi ka niya makakayang patayin.
Joseph is one of the gentle and kind man I have ever met and I'm sure he'll never lay his hand to hurt someone or anyone. Especially you. Alam niya kung gaano ka ka-importante sa akin."


" ah, basta bilisan nalang naten. Baka umiyak pa ako dito. " anya na hinila na ako papunta sa sasakyang naghihintay sa amin.


Nang makarating kami agad akong napangiti ng makita ang napakadaming bisita, kasama na ang mga kaibigan ko. Mas lalo akong napangiti ng makita ko 'siyang' naghihintay sa pagdating namin.



"Laine" Nakangiti niyang sabi ng makita akong naglalakad papalapit sa kanya. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Natatawang niyakap ko siya pabalik dahil para siyang maiiyak.


"Bakit nasa labas ka? dapat sa loob mo hinihintay ang bri--"


"I almost thought your not coming! "
Anya habang yakap-yakap ako ng mahigpit. Napangiti ako at marahang tinapik ang likod niya.


"What made you think that? of course pupunta ako, this day is so special for us.."


"Sherlaine" Napalingon ako sa tumawag at nginitian ito.


"Ang ganda-ganda mo talaga ngayon" Anito ng makalapit.


I'm really thankful for having a friend like them.. they never leave me kahit na noong mga panahon pa na nakakainis na ang mga kinikilos ko. Nanatili sila sa tabi ko. They never question me.. they just understand me.


"Dapat lang special ngayon eh at ikaw din ang ganda mo ngayon Gel"


Ngumiti naman siya at niyakap ako. Nakilala ko si Angel sa bagong kompanyang pinagta-trabahuan ko, dalawang taon na ang nakalipas.


Nang tuluyan kasing mawala sa akin si Jay, hindi ko na nagawa pang bumalik sa trabaho ko lalo na at napakadami naming alaala doon ni Jay.


"By the way congratulations Joseph. Ingatan mo ang kaibigan namin kundi patay ka sa amin." Baling niya kay Joseph. Tumango naman ang huli.


DREAM ( COMPLETED )Where stories live. Discover now