Chapter Two

211 143 49
                                    

The meet up

Habang nasa  byahe patungo sa meeting place na napag-usapan namin kanina. Hindi ko mabilang kung  ilang beses akong humugot ng buntong-hininga para lang payapain ang sarili ko.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako at paulit-ulit kong tinatanong sa  sarili ko kung tama ba ang naging decision ko na makipag kita sa kanya.

Nabaling ang pansin ko ng tumunog ang phone ko.

Mr. Jay lee calling........

Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga at dalawang beses na lumunok dahil pakiramdam ko lalabas ang puso ko mula sa bibig ko kung hindi ko yun gagawin, bago ko napagpasyahan na sagutin ang tawag.

"H-Hello?"

[ I'm already here, where are you?" ]

Muli akong napabuntong-hininga matapos kong marinig ang boses niya.
Ang  ganda at ang sarap talaga  pakinggan ng boses niya. Hindi lang ang mukha niya sa I.D ang nakaka-adik kundi pati na din ang kanyang boses.

"I'm on my way"

Nasabi ko na lang, then en-end ko na kahit gusto ko pa sanang pakinggan ang boses niya.
Mahirap na kasi baka mapasabak pa ako sa pag-e-english limited edition lang kaya to.

Tae, Mas lalo tuloy akong  kinakabahan.
Pero hindi naman ako natatakot.. kinakabahan lang talaga ako.
Siguro dahil first time ko makipag meet sa isang taong tanging i.d lang ang nagpa-kilala sa akin.


Nang makarating ako sa mall kung saan kami magkikita agad akong nagtungo sa pwesto na naitext niya sa akin kanina at agad siyang hinanap base sa kulay at suot na damit na ipinaalam niya kanina para mas mabilis ko siyang makita at makilala.

"Sabi ko na nga ba mas gwapo ka talaga sa personal.."

Nasabi ko nalang  sa sarili ko habang pinag-mamasdan ang isang lalaki na naka-upo sa may sulok. Naka simpleng Black T-shirt lang siya, maong pants at white  sneaker pero ang lakas ng datingan niya. Mukha siyang model ng isang clothing branch. Habang seryosong nakaupo at nakatuon ang paningin sa laptop niya.

May mga palihim pa akong nakitang kumukuha ng pictures sa kanya. Well, hindi ko naman sila masisisi bukod kasi sa gwapo siya ang macho pa niya. Kitang kita ang ganda ng katawan niya sa suot niya.

Bumuntong hininga muna ako ng ilang beses bago ko siya nilapitan.

"Hi!"

Medyo nahihiya ko pang sabi.
Napatingin naman siya sa akin at saglit akong tinitigan na para bang inaalala niya kung kilala niya ako.

Tae! wag ganyan nakakatunaw!

"I'm..  you and I meet, yeah we talk  early than the bird "  Agad kong pagpapakilala. Hindi ko alam kong tama  ba ang sinabi ko bahala  na siyang umintindi.

"Oh, yeah Hi" Anya na tumayo pa para ipaghila ako ng upuan.


"Amh, sorry I'm late!" Medyo pabebe kong sabi.

"It's okay" Agad kong naramdaman ang init ng mga palad niya sa siko ko ng igiya niya ako palapit sa upuan.

Bahagya kong kinagat ang loob ng pisngi ko upang pigilan ang  sarili ko na tumili.

Kyaaahhh! Ang gentleman niya kinikilig ako

"T-Thank you,"

Utal at kinikilig kong sabi. Tae kanina lang kinakabahan ako tapos ngayon, daig ko pang teenager sa kilig na nararamdaman ko.
Seriously normal pa ba ako?

DREAM ( COMPLETED )Where stories live. Discover now