She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50

Start from the beginning
                                    

Napakunot ang noo ko. Boss? Tama ba ang narinig ko? Boss ni Myleen ang lalaking kausap ko? Myleen Zerna has a boss? That's a game changer, I guess. The infamous Myleen Zerna is working her ass off for someone. What about their multi-billion companies around the world?

"I don't care! Give me my phone at h'wag mo akong ini-Ingles dahil nanggaling ka lang sa putik!" sigaw na naman ni Myleen sa kabilang linya na naging dahilan para ilayo ko sa tainga ang phone ko.

Hindi pa man ang bibig niya ang nakatapat sa kabilang linya, napakalakas na ng boses niya! Kawawa naman ang Harry na ito dahil nasa harap niya ngayon ang babae. And I take back that the game has changed. She's still the mighty Myleen Zerna.

Maybe they're just... hmm... role playing?

Fuck! Stop thinking about it, Mark! Whatever they're doing, it's not your business and you need Myleen's help right now kaya huwag kung anu-ano ang pinag-iisip mo sa kanya!

Napailing na lang ako at humiling na matapos agad ang pag-aaway nila nang makausap ko na si Myleen. Hindi naman iyon nagtagal. Sadyang mabait sa akin ang langit ngayon.

"Hello, papa Mark?"

Hindi ko talaga alam kung kailan ako naging tatay at 'papa' ang tawag ng mga kaibigan ni Lianne sa akin. Sa pagkakatanda ko, wala pa naman kaming anak. Ni hindi pa nga kami nakakagawa. Pero hindi iyon ang importante ngayon.

"My, I need a favor again," walang ligoy na sabi ko.

"Sure, what is it, papa Mark?" tanong naman agad niya sa tonong ayaw ko na sabihin kung ano... baka kasi masabi kong malandi. Oopss! Nadulas pa!

Kung hindi ako nagkakamali, masama na ang tingin ng 'boss' niya sa kanya ngayon.

"Can we just meet at Flat Iron right now?" Marami akong gustong ipagawa sa kanya na mahirap ipaliwanag over the phone and I want to make everything clear.

I'm supposed to be there tomorrow habang ginagawa nila ang mga kailangan gawin, pero dahil nabago ang schedule and we only have few hours, I think kailangan ko na lang sabihin kay Myleen ang lahat in details at siya na ang bahala.

"Oh, is it a date? Sure, papa Mark! See you in a while!" tuwang-tuwa pang sabi niya.

"Alright, see you..."

Hindi ko alam kung sinasadya niya bang sabihin na date iyon kahit hindi naman. Pero sigurado akong galit na galit na ang lalaking kasama niya ngayon. Dapat na yata akong kabahan sa ginagawa ni Myleen kahit pa hindi naman totoo ang ipinapahiwatig niya.

"You're not going there alone, Eliz!"

Iyon ang narinig ko bago pa man maputol ang tawag at napamura na lang ako dahil naalala ko ang banta ng lalaking iyon kanina. Pero bahala na!

Umalis ako at wala pang twenty minutes, nakarating ako sa Flat Iron. This is an expensive steakhouse pero wala akong pakialam. Kailangan ko ng tulong ni Myleen at baka hindi niya ako siputin kung makikipag-meet ako sa pipitsuging kainan.

Hindi ko man gustong isipin pero nakakaintriga ang boyfriend niya ngayon. Sa lahat ng naging boyfriend niya, ito lang ang narinig kong gumamit ng ganoong tono sa kanya. Although hindi siya sinisigawan, alam kong dapat siyang matakot. Kung dati, pinagbibigyan siya ng mga naging boyfriends niya sa lahat ng gusto niya, ang isang iyon ay duda ako.

He even called her Eliz! I don't know why Myleen gets angry when she's called with her second name, but this time, hindi siya nag-freak out katulad ng madalas na nangyayari. That must be something...

Napalingon ako at ang ibang customers sa entrance nang may narinig akong babaeng sumisigaw. And there I saw the furious Myleen.

"Naku, ka talagang Harry ka! Harry ka talaga ng mga epal sa mundo! Kapag hindi lang talaga naging maganda ang date namin ni papa Mark, humanda ka sa'kin! Ililibing kita sa putik na ginagawa mong paso!" Kulang na lang ay umusok ang ilong niya.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now