ROSIE'S POV

Tatlong linggo din akong nawala sa trabaho. Hindi lang dun pero pati na rin sa mga mahal ko sa buhay. I don't know kung tatanggapin pa ba ako ng kompanya dahil di naman ako nagpaalam.

Lumayo muna ako para isipin ng mabuti lahat ng nangyari sakin.

Ang makilala ang isang taong pumukaw ng damdamin ko, ang mawala sakin ang pinakaiingatan ko, ang maging kasintahan siya, at ang malamang nagbunga ang isang kasalanang ginawa namin.

Sa loob ng maikling panahon nangyari lahat ng yun. At sa loob ng isang linggong pagkahiwalay ko sa realidad, napagdesisyunan kong gawin ang ikabubuti ng lahat.

Maaga akong nag-ayos at pumasok ng trabaho. Pagdating ko, sumalubong agad ang napakaraming tanong mula sa ka-officemate ko.

"Rosie, san ka nanggaling at ngayon ka lang pumasok?" -Trisha

"Akala namin kinidnap ka na kasi di ka namin makontak!" -Kemmie

O_o

"Oo nga. Ba't di ka tumawag o nagtext kung san ka?" -Emma

"May nangyari bang masama sayo? May namatay ulit?" -Grace

#PAK!#

"Namatay ka dyan! Kung ikaw kaya ilibing ko ng buhay... Pero seriously, Rosie ba't isang linggo kang nawala at... teka ba't namumutla ka may sakit ka ba?" pag-aalala ni Che.

Lumapit silang lahat sakin at chineck ang buong katawan ko.

"Girl, tumataba ka ata ngayon? Akala ko ba on diet ka?" -Katie

"Gosh! Are you out of your mind? Pano na ang figure mo? You can't come with us if ganyan ka!" -Danielle

"Wait lang ha? Try nyo kayang pagsalitain si Rosie! Dakdak kayo nang dakdak!" inis na tugon ni Che.

Natahimik silang lahat at napatungo.

Intimate ObsessionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!