Chapter 33: Intimate Affair

2.7K 15 3
                                    


"Please... Don't leave... Don't leave, babe... D-Don't leave..."

Biglang nagising si Rosie Lyn sa higpit ng pagyakap sa kanya ni Kyle.

Napansin nitong pinagpapawisan ang binata at panay ang pagsasalita nito habang nakapikit at halatang tulog pa. "Babe, don't go..."

Anong napapanaginipan niya? Mabilis siyang napaupo at inalog ang magkabilang balikat ng binata. "Kyle, wake up! What are you talking about? I'm here, okay?! I'm here!"

Oh, God! Ang lamig ng pawis niya. Di mapigilang mangamba ni Rosie sa nangyayari sa kasintahan.

Napatigil rin siya nang natahimik na ito at unti-unti na nitong binubuksan ang mga mata.

"I'm here, Kyle. I'm here." ulit niyang tugon. Nakatingin lang ito sa kanya na wari'y sinusuri ang mukha ng kaharap.

"B-Babe?..."

"Hush, I'm here. Calm down."

"S-Sorry... I thought you left me..." napapikit bigla ito na tela may inaalala bago nagpatuloy sa pagsasalita. Itinaas nito ang mga kamay at hinawakan ang dalaga sa mukha. "P-Please don't leave? Whatever happens, whatever I'll say... Promise me, believe me babe...please, don't let me go, okay?"

Tiningnan ng dalaga ang itsura ng lalaking kaharap niya.

Sinong mag-aakalang ang isang hamak na empleyado lang ng isang malaking kompanya ay magkakaroon ng isang napaka-maunawain, iyakin, protective at sobrang gwapong boss pa niya ay iikot ang mundo sa kanya.

Naguguluhan man, napatango na lang si Rosie. "I won't leave you. I promise. Whatever you say, I'll assure you. I'll believe you."-- because I love you ...& this unexpected concession. But the words were left hanging.

She assured him sa pagyakap nito at paghaplos sa magkabilang mukha. "What have you dreamt of?" gusto nitong makatulong kahit man lang malaman ang bumabagabag sa binata.

Pero halatang ayaw nitong magkwento sa kung ano mang napanaginipan at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Random things. It's nothing."

***

Nagising si Rosie na walang Kyle na katabi. Naalala pa niya ang nangyari kaninang umaga.

Agad siyang napabangon at nilibot ang tingin sa buong kwarto. Tahimik at halos walang taong gumagawa ng ingay sa loob.

"Kyle?" sigaw niya. Ngunit walang sumasagot sa kanya.

Kaya minabuti niyang magbihis at lumabas ng kwarto.

"Where are you going?"

Napahinga siya nang pagbukas niya ng pinto bumungad sa kanya ang isang lalaking pawisan at hinahabol ang hininga.

Bakas dito ang pagtataka nang mapansin ang bihis ng dalaga. Nakasuot lang kasi ito ng loose tops at shorts saka naka-rubbershoes. Dala pa nito ang nabiling cap at isang backpack.

Inikot ni Rosie ang sarili sa harap ng binata na tela gusto nitong may kumilatis sa itsura niya.

"What do you think?" nakangiting sabi ni Rosie.

Halata ang pagkabighani ni Kyle sa itsura ng dalaga. Bahagyang nakabukas pa ang bibig nito habang patuloy ang pagbagsak ng mga pawis sa mukha at katawan niya.

"You have to change." biglang sabi niya.

"What?" confused na napatingin si Rosie sa kanya.

"You heard me."

Intimate ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon