Chapter 20: His Silent Tears

12.5K 150 30
                                    

ROSIE'S POV

Nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko ang lahat ng paraan na di kami magkausap o magkasalubong man lang sa opisina.

Kung may posibilidad man na magkaroon ng pagkakataong magkausap kami, sisiguraduhin kong it should be business matters at wala ng iba.

Kahit gawin ko pa ulit ang pagliban sa trabaho para matakasan siya.

Pero sa kabila nun, sa loob ng kaibuturan ng puso ko nakatago ang lungkot at pagsusumamo na sana ako ang piliin niya kaysa yung iba.

Mahirap bang humiling na sana mahalin niya ako ng buo? Na totohanin niya ang lahat ng sinabi niya sakin noon? At hindi lang ako 'kabit' sa paningin ng ibang tao?

Dahil kahit kailan tinuring kong tama ang pagmamahal na binigay ko sa kanya. Ang ibigay ang kaluluwa ko sa taong alam kong mamahalin din ako ng buo.

Ngunit kamatayan lang pala ang isinukli niya sakin. Pero ayokong magsisi. Dahil para sakin, ito lang ang tamang ginawa ko sa buong buhay ko. Ang matutong umibig at ibigin (sa tingin ko) kahit saglit lang ay sapat na para maging masaya ako.

Pagkapasok ko ng opisina, dumiretso agad ako ng upuan at inayos ang table ko.

"Ang tamlay mo, girl. Ok ka lang ba?" bungad ni Che.

"Ganun agad? Di ba pwedeng mag-Good morning ka muna? Kalerkey ka!" asar kong sabi.

"Hmp! Sorry na, worried lang ako sayo ngayon. Simula nung bumalik ka sobrang tamlay muna tsaka tumataba ka na rin." paliwanag niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay tas tiningnan din ang katawan niya.

Kahit papano, pangalawa lang siya sa kagandahan at kaseksihan ko. Chuzz! XD

Kidding aside... Well, Che has a stunning body. We have almost the same waistline and weight. Pareho rin kami ng gusto except sa boys. Daming naging boyfriend niya pero yung huli ata ang minahal ng sobra. But ginago naman siya.

Hay buhay parang life. That's called karma. Dami kasing pinaglalaruan kaya ayan tuloy nangyari sa kanya.

Anyways, 2 years na rin kaming magkakilala simula nung nagtrabaho ako.

"Ay! I almost forgot girl. Pinapatawag ka pala ni fafa Steven." sabi niya na may halong kalandian sa boses niya.

"Bakit daw?" baling ko.

"May sasabihin daw sayo. Maaga ka kasing umuwi kaya di mo naabutan. Parang importante yata kasi naghintay pa yun sa labas. Kung di lang siguro niya ako tinanong baka matagalan pa yun doon." bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Neknek niya! Kahit maghintay pa siya hanggang 2013 hinding-hindi ako magpapakita sa kanya.

"Bakit?" tanong ko nang mapansing nakatingin siya sakin.

"May di ba ako nalalaman, Rosie?" seryoso niyang tanong.

Napalunok ako bigla. Hindi ko inaasahan ang tanong niya.

"What do you mean?"

Seryosong-seryoso siya habang pinagmamasdan ang hubog ng katawan ko.

"Sabihin mo yung totoo, Rosie... Are you pregnant?"

Nasamid ako bigla sa pagkagulat. Wala akong balak sabihin kahit sa kanya ang pagbubuntis ko.

"A-Ako? Buntis? Pano nangyari yun eh NBSB nga ako! At wala akong balak!" pangungumbinsi ko.

"Kailangan talagang detailed? Defensive mo ata." 

"Malay ko! Parang ang daming nagbago sayo. Ang sungit mo na tsaka palagi kang nanahimik. Ano naman ang iisipin ko sayo aber?"

Intimate ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon