Chapter 3: New Boss Part 1

17.3K 182 33
                                    

ROSIE'S POV

Simula nung mawala si papa, bumalik na ulit kami sa dati. Pero naging mas tahimik lang at paminsan-minsan kung magkibuan.

Hindi ako sanay ng ganito kasi parang nawalan kami ng pag-asa dahil sa nangyari.

Habang kumakain kami ng hapunan, naglakas-loob akong magsalita.

"Ang tahimik natin ah. Anong meron?" panimula ko.

Tumingin lang sila sakin pero walang nagsalita.

Deadma ang speech ko. T_T

Pero hindi ako titigil hangga't di bumabalik ang sigla dito sa bahay.

"Bunso, kamusta na ang grade mo? Baka pinapabayaan mo na pag-aaral mo ha." sabi ko.

"Hindi ate. Mas lumaki nga yung grado ko ngayon kaysa nung last." sagot niya matapos kumain.

"Ikaw naman Riezl, kamusta ang study mo? Baka di ka nag-aaral ng mabuti."

Hindi siya sumagot at tumayo na papunta sa kanyang kwarto matapos kumain.

Hayy. Alam kong di pa rin niya matanggap ang nangyari. Kahit ako naman pero wala naman kaming magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Life must go on sabi nga.

"Ma, tapos niyo na po bang sulatan yung lesson plan niyo?"

"Oo, anak. Pasensya na kayo ha kung hindi ko na kayo naaalagaan ng mabuti. Pagod lang talaga ako sa trabaho." sabi ni mama.

"Ok lang po yun ma. Kaya naman namin yung mga sarili namin." sabay hawak ko kamay niya.

Hinug niya lang kaming dalawa ni bunso.

"Salamat mga anak. Hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo." mangiyak niyang sabi.

"Basta ma wag kang magpabaya sa kalusugan mo. Wag kang palaging subsob sa trabaho. Baka magkasakit ka." sabi ni bunso.

"Opo, anak. Haha! Ang lalaki niyo na talaga at ang babait pa."

Tumawa lang kaming dalawa ni bunso. Nagkwentuhan lang kami sandali hanggang naisipan naming magligpit na at matulog.

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil may trabaho pa ako.

Kahit 6 pa lang ng umaga traffic na sa highway.

Waaah! Baka ma-late ako nito.

Pagdating ko, 5 minutes bago magsimula kaya tumakbo ako papuntang elevator. Haay!

"Ang init naman." mahina kong sabi. Hinanap ko yung panyo ko sa bag pero nakalimutan ko kung san ko nilagay.

"Miss, you can have my handkerchief. Here." sabay abot ng panyo niya.

O.o

Sino ba 'to? Feeling close kasi. Nagdadalawang-isip akong tanggapin ang panyo niya.

"It's okay. Just take it." inabot niya sakin kaya kinuha ko.

"Thanks."

Nahihiya akong gamitin kasi baka madumi yung mukha ko. LOL

Tiningnan ko siya. Bagong empleyado ba 'to? Parang ang formal niyang manamit.

Ang gwapo niya. Makikita mo ang hubog ng katawan niya. Ang sarap pagnasaan. Echos!

Kaming dalawa lang pala sa loob kaya pala mainit. Ang hot niya kasi. LOL

Napatingin ako sa mukha niya. Deep eyes, pointed nose, cute dimples and tempted lips. Isama mo pa ang kanyang makalaglag panty na ngiti. Ohlala~

#TING!#

Napatigil ako sa pagnanasa nang makarating ako sa aking floor.

Tumingin ako sa kanya at nagpasalamat ulit.

He just smiled before the door closed.

Uwaaah! I'm hyperventilating.

Pagdating ko ng office, napakaingay nila.

Anong meron dito? May World War III na ba? End of our Mother Earth?

Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"What's with the commotion here?" biglang tanong ng supervisor namin.

Natahimik silang lahat.

"Nothing, Miss." sagot nung team leader namin.

"Okay. I just wanna inform you that starting from this day, we'll have a new boss."

Nagbulungan ang mga kasamahan ko.

Hanudaw? Paano na si Sir Gerry? Ang bait kaya nun sakin. Talk about favoritism!

Oh well, sino naman tong bagong boss na to? Kailangang papasa siya sa standards ko noh. LOL

"He's the son of Mr. Cullens so I'm expecting you to treat him very well. That's all." then she left.

Bigla ulit naging Divisoria ang office namin.

"Anak ni Sir Paul?"

"Yung gwapong bf ni Amanda?"

"FYI, EX na noh!"

"Bakit?"

"She's dead already. Kasama siya sa nabaril dun sa bangko na hinoldap."

O_O

Bangko? Holdap? Bigla kong naalala ang nangyari sa papa ko.

Pinahid ko na lang ang namumuong luha sa mata ko.

"Girl, ang gwapo niya!" biglang sabi ni Yeng, officemate ko.

Ek?

"Sino? Yung bagong janitor?" sabi ko.

"Tange. Yung bagong boss natin. Ang hot niya! Ang sarap sigurong hawakan ng abs niya. AAAAH!" Grabe kung makatili parang sasali ng Singing Bee. LOL

"Ganun ba?" matamlay kong sabi.

I'm not into boys kaya. Like, hello? Mas iintindihin ko muna ang family ko bago ang lovelife ko noh.

Pero―AAAAAH! Ang gwapo nung lalaki kanina. I'm sure magkikita ulit kami. Landi ko!

Buong umaga nakaupo lang ako habang gumagawa ng assignments.

Di ko namalayang hapon na pala at di pa ako naglu-lunch.

Tumayo na ako at pumunta ng canteen. Pagdating ko, wala ng mga tao bukod sa cashier at isang lalaking nakatalikod sakin.

Bumili lang ako ng lasagna at mechado. Sarap kaya nitong dalawa.

Tapos umupo ako malapit sa kay 'back man', kasi nakatalikod eh, at nagsimulang kumain.

Nung matapos na ako, sabay kaming napatayo at tumalikod.

Nagkatinginan kami.

O.O

Nagulat ako ng makita siya... Si Mr. Hot Guy pala. Ohlala~

"Uhm, miss... You have something on your face." bigla siyang kumuha ng tissue at pinahiran ang labi ko.

Namula ako sa ginawa niya. Nakakahiya naman. Siya pa talaga ang nakapansin.

Anyways, ba't ba ang bait niya? Kanina binigyan niya ako ng panyo, ngayon naman ito.

Ang swerte ng mapapangasawa niya. Gwapo na, mabait pa!

"Thanks." Ngumiti lang ako at sabay kaming lumabas.

Nakatingin ng masama samin yung ibang tao lalo na yung mga babae. Seriously?

Tahimik lang kami habang naglalakad. Pagdating sa floor ko, naghiwalay na rin kami at dumiretso na ako ng office.

Hayy. Tambak na naman ang gagawin ko.

*to be continued*

Intimate ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon