At habang nanunuod ako ng tv ay nag-iisip ako kung ano naman ba ang pwede kong gawin dito sa loob ng bahay ni Harvey. Pwede na kaya akong lumabas rito? Kahit diyan lang sa bakuran niya? Kung ganito lang palagi na umaalis siya at nababawasan na ang tauhan niya rito sa kanyang bahay ay mas madali na para sa akin ang makatakas.

Halos kalahating oras din siya sa kwarto bago ko siya nakitang pababa ng hagdan. At katulad ng palagi niyang sinusuot ay naka-itim siya na damit at itim din na slacks pati ang sapatos niya ay itim din. Napapaisip tuloy ako kung mangkukulam ba siya?

"Kung may gusto kang ipabili ay sabihin mo lang sa tauhan ko. I'll be back, love." Sabi niya at hinalikan ako sa noo at sa labi.

"Nagsabi ba ako na pwede mo akong halikan?" Masungit kong sabi na ikinangiti niya. Kainis bakit ang gwapo niya!

"I'm sorry, love, pero desisyon ako." Sagot niya at agad na umalis. Madapa ka sana!

Ipinagpatuloy ko naman ang panunuod ng tv ngunit hindi ko naman gusto ang palabas. Wala rin akong selpon na gawin kong libangan. Talagang mababaliw ako rito kapag nagtagal. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin dito?

Napatingin naman ako sa mga cctv na ngayon ko lang nalaman kung hindi pa sinabi ni Harvey. Wala akong pakialam kung makikita pa ako sa camera na 'yan. Kumuha ako ng basahan at sinimulang punasan ang mga gamit na nakapatong sa mga lamesa. Wala naman akong nakuhang alikabok o dumi roon pero tuloy pa rin ako sa pagpupunas.

Napahinto lang ako sa ginagawa ko nang may kumatok sa pintuan. Sa ilang araw ko rito ay ngayon ko lang narinig na kay kumatok sa pintuan ng bahay na 'to. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba? Wala naman kasing tauhan dito si Harvey sa loob. Pero hindi naman siya makakapasok nang basta lang kung may bantay sa labas.

Ipinatong ko ang pamunas sa lamesa at inayos ang sarili ko. Pagkaraan ay naglakad na ako papunta sa pinto at agad na binuksan iyon at bumungan sa akin ang mukha ni Aira. 

"Wala rito si Harvey, mamaya ka na lang bumalik." Walang gana kong sabi sa kanya.

"Good afternoon, Abigael. It's okay, dahil ikaw naman talaga ang ipinunta ko rito." Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko. Ano naman ang kailangan niya sa akin? Hindi nga kami magkaibigan nito.

"Bakit? Anong kailangan mo sa 'kin?" Tanong ko.

"Hindi mo ba muna ako papasukin?" Tanong niya. Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at pinapasok siya. Ang kapal din ng mukha niya dahil dire-diretso siyang umupo sa may sofa na para bang kanya ang bahay na 'to. Hindi ko rin naman ito bahay.

"Gusto mo ba ng juice orr coffee?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman ako ganoon kabastos para hindi siya painumin ng kahit na ano.

"No, thanks." Sagot niya. Umupo na lang ako sa kaharap niyang upuan.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin mahanap ng pamilya mo?" Tanong niya. Napaisip din ako sa tanong niya. Pero paano ako mahahanap ni Tita Rose kung hindi ako hinahayaan na lumabas ni Harvey rito sa bahay niya. Pero 'yong mga cctv sa daan kung saan ako nadukot. Siguradong may kopya sila ng pagdukot sa akin. Pero bakit hindi pa rin nila ako nahahanap? Maraming paraan.

"Mukhang hindi mo pa rin ako maintindihan." Sabi pa niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Diretsuhin na kita Abigael," kumunot ang noo ko. 

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now