Chapter 15

45K 806 20
                                    



Enjoy reading!

Alas-singko y medya pa lang nang umaga ay gumising na ako at nagsaing. Hinihintay ko lang na magbukas ang tindahan malapit sa amin para makautang ako ng uulamim ni tita bago ako umalis.

Habang naghihintay ay naglinis muna ako ng bahay. Tulog pa si tita at wala na rin siyang lagnat. Pero ayaw ko munang magtrabaho siya ngayong araw. Baka bumalik pa ang trangkaso niya. Nang matapos na akong maglinis ng bahay ay lumabas ako upang pumunta sa tindahan. Sakto naman na kabubukas lang.

"Aling Ason, pwede po bang umutang muna ng tuyo?" Tanong ko sa nagtitinda.

"Grabe ka naman, Abigael. Kabubukas lang ng tindahan ko tapos uutang ka na agad?" Sagot niya.

"Pasensya na po talaga. Wala po kasi kaming uulamin ngayong umaga ni tita. Babayaran ko na lang po bukas." Sagot ko.

"Sige na nga. Mabuti na lang at mabait ang tita mo at saka naaawa rin ano sa kanya. Ilan bang tuyo ang uutangin mo?" Tanong niya.

"Dalawang balot lang po." Sagot ko. Agad naman siyang kumuha ng dalawang balot ng tuyo at binigay sa akin.

"Sampong piso ang isang balot. Kaya bente lahat 'yan." Sabi niya.

"Sige po. Maraming salamat po, Aling Ason." Sagot ko at umalis na.

Nang makarating ako sa bahay ay gising na si tita at nagtitimpla na ng kape niya. Napatingin siya sa akin nang pumasok ako sa kusina at dala-dala ang inutang kong tuyo kila Aling Ason.

"Good morning sa pinaka maganda kong tita!" Pagbati ko na ikinangiti niya.

"Nako, Abigael, huwag mo na akong bolahin." Nakangiti niyang sabi.

"O dl' ba napangiti po kita. Upo ka na po, tita. Lulutuin ko lang itong tuyo." Sabi ko.

"Mabuti na lang talaga at iniwanan ako ng kapatid ko ng maganda at mabait na pamangkin." Napangiti naman ako sa sinabi ni tita.

"Syempre po nagmana sa inyo." Sagot ko na ikinatawa niya.

Nang matapos na kaming kumain ni tita ay pinainom ko na rin siya ng kanyang gamot. Mamayang gabi ay wala ng gamot na iinumin si tita kaya kailangan ko ng makahanap ng trabaho ngayong araw.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ay nakita ko si tita sa may sala na nakaupo. Nang makita niya ako ay halata sa mukha niya na nagtatanong kung saan ako pupunta dahil nakabihis ako nang pang-alis.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Maghahanap lang po ako ng trabaho, tita. Huwag po kayong mag-aalala pagbalik ko po ay may trabaho na ako." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Payagan mo na kasi ako na maglaba. Nagiging pabigat na ako sa 'yo." Sabi niya.

"Tita, hndi po ba ang sabi ko sa 'yo na magpagaling ka lang? Ako na po ang bahala sa atin, okay?" Sagot ko at niyakap siya.

"Mag-iingat ka." Sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Opo, tita. Alis na po ako. Uminom po kayo ng gamot niyo." Sabi ko bago lumabas ng bahay.

Sana ay may mahanap akong trabaho ngayong araw na 'to. Dahil hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pangbili ng pagkain namin ni tita sa araw-araw kapag wala pa akong mahanap na trabaho ngayon.

Ang una kong pinuntahan ay ang dating restaurant na pinagtrabahuhan ko. Magtatanong ako roon kung maaari pa ba akong magtrabaho ulit sa kanila. Pagpasok ko pa lang sa loob ay nakita ko na agad si Shela na abala sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga customers. Nang makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa akin at ngumiti.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now