Chapter 37

38.4K 673 54
                                    



Enjoy reading!

Kinabukasan, dahil nasa bahay na lang ako at wala ng trabaho ay lahit late na ako gumising ay okay lang. Habang nag-iisip ng pwede kong gawin ngayong araw na 'to ay bumangon na ako at pumunta sa banyo upang maligo. Bigla kong naisip sina tita at Jarenze. Simula nang ikasal kami ni Harvey ay hindi ko pa sila nakakausap. At dahil wala naman akong trabaho ay bibisitahin ko na lang sioa ngayong araw.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Ngunit nagulat ako nang makita ko si Kyle sa sala na nakaupo. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.

"Good morning po, Ma'am Abigael." Pagbati niya.

"Good morning din." Sagot ko.

"Ma'am, pinabibigay po ni Sir Harvey." Sabi niya at may iniabot na isang itim na card sa akin.

"Para saan 'yan?" Tanong ko.

"Para daw po sa inyo. Gamitin niyo raw po kapag may bibilhin kayo." Sagot niya. Talagang sinusubukan ako ng lalaking 'yon. Agad kong kinuha iyon kay Kyle.

"Sige, salamat." Ani ko. Tumango naman siya. Naglakad na ako palabas ng pinto habang nakasunod sa akin si Kyle. Pagdating ko sa gate ay hinarangan ako ng security guard.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Magalang niyang tanong.

"Pupunta lang po ako sa tita ko." Sagot ko.

"Pero, ma'am, pinapasabi po ni Sir Harvey na bawal po kayong lumabas ng walang kasama." Wika niya. Pati ba naman sa pag-alis ko ay kailangan may kasama pa. Kaya ko naman umalis mag-isa.

"Manong, kaya ko naman po mag-isa. Huwag po kayong mag-alala." Sagot ko.

"Ma'am, sorry po pero mahigpit po na ipinagbilin sa 'kin ni sir 'yon." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sino po ba ang pwede kong isama?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Ako." Napalingon ako sa likod ko nang magsalita si Kyle.

"Tara na." Walang gana kong sabi. Nauna siyang pumunta sa kotse at sumunod naman ako at pinagbuksan ako ng pinto sa back seat.

Bago kami pumunta sa apartment ay dumaan muna kami sa isang mall. Tutal ay binigay ni Harvey ang card niya ay ubusin ko na lang ang laman nito. At baka sakali na maisipan niyang payagan na lang akong magtrabaho dahil ang gastos ko.

Isinama ko sa loob ng mall si Kyle at siya na rin ang nagdala ng mga ipinamili ko. Lahat ng 'yon ay para kay tita at kay Jarenze.

"Ma'am, wala na po ba kayong bibilhin?" Nahihirapang tanong ni Kyle habang bitbit ang mga pinamili ko.

"Wala na. Tara na." Sagot ko at lumabas na ng mall habang nakasunod siya. Sa dami ng mga pinamili ko ay mukhang hindi pa rin nauubos ang laman ng card ni Harvey.

Pagdating namin sa harap ng apartment kung saan nakatira sina tita at Jarenze ay agad na akong bumaba ng sasakyan. Sa labas pa lang ay lihim na akong napangiti dahil sobrang na-miss ko silang dalawa. Lumabas naman si Kyle at muling dinala ang mga pasalubong ko kay tita at Jarenze.

Agad akong kumatok sa pinto at bumukas iyon at nakita ko ang mukha ni Jarenze na halatang kagigising lang.

"O my God, Abby!" Sigaw niya at niyakap ako. Pagkaraan ay humiwalay rin siya sa pagkakayakap sa akin at napatingin sa likuran ko.

"Pasok ka pero hindi na kasama 'yang nasa likod mo." Seryoso niyang sabi at hinigit ako sa tabi niya. Napatingin naman ako kay Kyle na ngayon ay nakangiti ng nakakaloko at halos matabunan na ng mga pinamili ko. May something ba sa dalawang ito?

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now