XXXVII. FEELINGS

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tama nga nandoon nga ako, pero bakit nung nakita mo si Reigna parang gustong-gusto mo ring makita si Sele?" Deretsong saad ni Stella.

Nabigla si Joshua sa kanyang narinig.

"It wasn't like that Stella" saad ni Joshua.

"It wasn't like that? Joshua, sinasakal na ako ni Lucas sa club pero ano ginawa mo, you went straight to Reigna ignoring me. Tinawag ko pangalan mo pero wala kang narinig, and it hurts like hell. Kahit walang organ dito nararamdaman ko parin  ang sakit dito Joshua" saad ni Stella habang tinuturo ang kanyang puso.

Nagulat si Joshua sa sinabi ni Stella, ito na siguro ang oras upang kumpirmahin niya angnararamdaman nito para sa kaniya.

"Bakit Stella, ano ba ako diyan?" saad ni Joshua habang tinuturo ang puso ni Stella.

Natigilan si Stella sa sinabi ni Joshua, hindi siya makapag salita.

"Stella, wala kang sinagot sakin sa Midtopia and you were there when Sele and I broke up that night at alam kong kahit hindi ko sabihin ay naramdaman mo yun, eh kayo ba ni Max, did you two broke up?" Tanong ni Joshua kay Stella.

Napatingin si Stella sa sahig at naalala niya ang ginawa niya kay Max.

"Tinanggalan ko siya ng memorya, he do not deserve me. I did it the same day you and Sele broke up" saad ni Stella.

Hinawakan ni Joshua ang kamay ni Stella "Ano ba ako sayo Stella? Mahal mo ba ako?"

Tinitigan ni Stella si Joshua sa mga mata, at hinawakan niya ang magkabilang pisnge nito, at tumango siya.

Hinawakan din Joshua ang magkabilang pisnge ni Stella at tinitigan sa mga mata "I'm sorry sa nagawa ko, hindi ko alam na yun 
ang naramdaman mo nung gabing yun, nabigla ako ng makita ko si Reigna but it has nothing to do with me and Sele. Reigna is like a little sister to me. It's like the big brother in me went out and I just need to help her, it's the least I can do for them"

Magkadikit ang kanilang mga noo, nakapikit ang mga mata ni Stella na ninanamnam ang bawat salitang sinasambit ni Joshua.

Hinalikan ni Joshua ang noo ni Stella "Stella Clementin Luna, mahal na mahal kita, mapa ibang klasseng nilalang man tayo o hindi"

Natawa si Stella sa sinabi ni Joshua at tinitigan ito sa mga mata "Mahal din kita Joshua, mapadpad man tayo sa kahit saang planeta"

Kasabay ng mga katagang kanilang binitawan ay ang paglapat ng kanilang mga labi. For once, Stella and Joshua felt human again, nararamdaman nila ngayon ang simoy ng hangin habang naglalapat ang kanilang mga labi, naririnig nila ang mga sasakyan na nag sisiliparan sa palagid.

It was like a normal earth they thought.

***

Sa kabilang dako naman ay lumabas si Dart sa kanyang kwarto upang magpahangin sana sa balconahe, ngunit nakita niya sina Stella at Joshua kaya hindi nalang siya nagpatuloy at bumalik nalang siya sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang kanyang maliit na bintana at doon nalang siya nagpahangin.

Pagkapikit niya ng kaniyang mata ay isang ala-ala ang bumalik kay Dart.

Sa Transitopia, kasalukuyang gumagawa si Dart ng isang AI (Artificial Intelligence) robot na pwede niyang makausap nang biglang bumukas ang main door ng kanilang capsule at may ipinasok ang mga guards na isang babaeng nakahiga sa movable bed.

Binitawan ni Dart ang hawak niyang tools at dahan-dahan niyang sinundan ang mga ito. Nakita niyang ipinasok ang babae sa isa sa mga rooms sa capsule nila at nag si alisan na ang mga ito at nang makita niyang wala na ang mga guards ay kaagad siyang lumapit sa babae and he was mesmerized by the girl's pale skin and long brown hair that has little waves that slightly covers her face.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon