Through the years

Start from the beginning
                                    

Mhp! Bolera talaga ang apo naming 'to. Bente singko na pero asal bata pa rin.

''Tumigil ka Anastasia! Hihingi ka lang ng pera eh. Magtrabaho ka nga para naman makatulong ka sa tatay mo!''

Inirapan ko siya. Ang kambal ang sadya namin at ang daddy nila hindi siya. Bakit ba ayaw umuwi nang batang ito?

''Uy, si lola - drama hindi naman artista —''

Ngumiting malandi si Ana.

''Paluin kaya kita niyang tungkod ng lolo mo?''

Tumawa siyang tumakbo papunta sa likod. Nang bumalik naman siya ay kasama niya na si Gabriel at Raffy. Parang nagkukumpuni ang dalawa. Marumi pa sila at may mask pang sout sa mukha.

Ngumiti sila at nagmano sa amin ni Iba babes.

''Nadalaw kayo ma, pa? Ana, igawa mo sila nang meryenda —''

''Of course, hindi ko gagawin yan tito! Bisita kaya ako dito!''

Napapikit ako sa hiya. Apo ko ba ito? Ang sexy, ang ganda, matalino pero maarte, punyeta — gusto ko siyang paluin sa pwet!

Tumawa lang si Gab habang tinatanggal ang gloves na hawak.

''Eh, kung umuwi ka na kaya sa inyo? Papaluin ka nang mama mo —''

''Okay! Okay! Tuna sandwich and strawberry juice are coming!''

Mabilis siyang pumanhik sa kusina kaya tawang tawang ang mag ama sa inasal niya.

Hindi naman ako natuwa, nakaka stress.

''Buti naman po at nadalaw kayo ma, pa —''

''Can we talk at your office? Raffy stay here, may pag uusapan lang kami nang ama mo.''

Tumango naman si Raffy pero bago ako sumunod sa kanila ay nilapitan ko muna si Raffy at hinalikan sa noo.

''Be a good son always, apo.''

''Lola naman — ano 'to, huling habilin?''

Aniyang nagkamot nang batok.

______

Malalim na nag isip si Gabriel sa sinabi ni Iba. Kahit naman ako ay napapaisip na rin. Pero isang kaduwagan ang pagtago sa katotohanan.

''They might get hurt, but I'll tell you Gab it would be the great decision that you will make in you life. Have them the freedom, son.''

Humugot nang malalim nang hininga ang lalaki saka tumango.

Si Gabriel Shino Garth ang butihin asawa nang aking si Breezy Godeza. Hindi na siya nag asawa ulit. Mas binigyan niya nang pansin ang mga anak niya .kaya lumaking mahal na mahal siya nang mga ito.

It will be their heart break kapag nalaman nila ang totoo.

''I'll tell them the true story, pa — soon. Thank you.''

___

Nang lumabas kami nang kwarto ay nadatnan naming nasa salas na si Raffa at Raffy kasama si Ana. Puro junkfoods ang nasa lamesa.

Lumilipas na ang panahon namin nang asawa ko. May mga magaganda at nagga gwapuhang anak at apo. Lumipas ang panahong hindi naman kami nagkulang sa kanila.

Kung tutuusin ay wala naman akong dugo na nanalaytay sa anak ni Bree pero hindi naman ako nagkulang sa pagpaparamdam nang pagmamahal sa kanila. Sobrang mahal ko sila.

Tapos na silang mag aral, abogada si Raffa at inhenyero naman si Raffy habang tapos nang HRM si Ana pero wala naman trabaho.

Kung titingnan ko sila ay ang saya nilang pagmasdan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nang bawat isa kapag nalaman nilang ampon ang isa sa kambal.

Siguradong mawawasak na naman ang puso ko.

———

''Lola! Lolo!!''

Mabilis akong lumabas nang kwarto nang may marinig akong sigaw nang sigaw.

''Raffa! Stop it! What happened to you —'' si Briella iyon na pinipigilan siyang sumigaw.

''R-Raffa —''

''Lola! Is it true? Is it true na hindi ako Garth o kadugo ninyo?! Is it true na ampon lang ako!? Totoo ba ang lahat nang sinabi ni daddy?! Pinagsinungalingan ninyo ako?! — How could you, lola!? How dare you all do that to me!? Where is lolo?!''

''Raffa, a-apo —''

''No! You don't call me that! You deceived me all!  Stay away tita Ella!! Fuck! Lolo!!''

Nasindak ako sa lakas ng boses ni Raffa. Nagulat ako sa inasal niyang dinuro duro ako na ni minsan ay hindi niya pa nagawa sa akin. Biglang nanlamig ang katawan ko. Uminit ang ulo ko at tila nanigas ang aking katawan.

Dios ko.

Masakit ang dibdib ko kaya agad kong hinawakan ito. Hindi ako halos makahinga. Ang sikip ng pakiramdam at nandidilim ang aking paningin. Parang nakuryente ang lahat ng sulok ng aking katawan.

Mamamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko? Sana panaginip lang ang lahat nang ito, dios ko.

Hindi ba ako sapat para maging isang magulang o maging lola ng mga apo ko?

''M-Mom!—Elizia! Elizia! Call an ambulance! — mom! Oh my god!''

——

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now