[25] True Feelings

170K 4K 418
                                    

[25] TRUE FEELINGS


DERRICK'S POV

Hinga. Buga.

Panay ganun lang ang ginagawa ko habang nagdadrive pauwi sa condo. Shet naman oh! Para akong highschool student sa inaasta ko ngayon. Ngayon lang ako kinain ng kaba ko. Idagdag pa ang pananahimik ni Lyza. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya sa rear-view mirror samantalang siya naman itong nakatulala lang sa bintana... Pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. Ano bang pwedeng sabihin para maalis na 'tong pagkailang sa aming dalawa? Hindi na astig eh. Parang timang na ako. 

Hinga. Buga. "Lyza..." Hindi siya kumibo, pero saglit niya akong tinignan sabay balik na naman ng paningin niya sa bintana. Nagfocus nalang ako sa pagdadrive. "Ano'ng ginawa sa'yo dun sa bar? Sinong nagpahiya sayo? Gago yun ah."

Tama yan, Derrick. Umaktong normal para hindi nagmumukhang timang.

"Some slut of yours," madiin na sabi niya.

Nagpanting ang dalawang tenga ko sa narinig ko. Sino naman yun? Wala naman na akong babae ngayon. Nah, matagal na akong walang girlfriends. Simula yun nung pinakasalan ko si Lyza. Nahihirapan na nga akong i-handle siya, magdadagdag pa ba ako?

"Sino? Wala na—"

Humarap siya sa akin at pinutol ang sinasabi ko. "Bilisan mo. Nandun ang parents ko sa unit mo. Tumakas lang ako," sabi niya at saka siya bumalik na ulit sa pagmamasid sa bintana. May problema na naman ba kami? Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Minsan ko na nga lang yun sabihin, nadiskaril pa.

Pag-uwi sa condo, hindi pa rin ako iniimik ni Lyza. Ni hindi nga niya ako pinahawak sa kamay niya. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng unit, hindi niya pa rin ako tinitignan.

"Lyza, galit ka pa rin ba? Wala naman akong ginawang masama ah?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin yan. Ayoko talaga ng cold treatment galing sa kanya. Para akong masisiraan ng ulo.

Dumiretso lang siya papunta sa hagdanan. Huminto siya nang makahakbang siya sa pang-apat na step. "Let's talk tomorrow. I'm not in the mood."

Napataas ang dalawang kilay ko sa litanya niya. Aba! Siya na nga ang sinabihan ng 'I love you', pero siya pa itong nawala sa mood? Swerte na nga niya. Madalas akong magsabi ng ganun sa babae pero sa kanya at ngayon lang ang totoo.

"Lyza, 'wag ka namang ganyan."

Sinundan ko siya paakyat hanggang sa makarating kami sa hallway ng second floor. Pinigilan ko siya sa braso nung mapansin kong nilagpasan niya ang kwarto namin.

"Saan ka pupunta?"

Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at 'di man lang ako tinignan. "Dun muna ako matutulog kina Mama."

"Lyza naman... Hindi ka na bata para tumabi sa parents mo sa kama. May bata ka na nga sa tiyan eh."

Napatigil ako nung humarap siya sa akin nang nakasimangot. "Hindi ako nagbibiro. Ayaw kitang makatabi ngayon."

Wala na akong nagawa nung pumasok siya sa guestroom. Pakamot-kamot ako sa ulo na bumaba sa living room. Na-letse na... Lagi nalang kaming ganito. Wala naman akong ginagawang masama, pero nagagalit pa rin siya sa akin.

"Timpi pa, Derrick. Magtimpi pa," bulong ko sa sarili ko at sinandal ang ulo ko sa headrest ng sofa. Napadako ang tingin ko sa wallclock. 11:30PM na pala. Ni hindi pa ako nagdidinner. Naging busy ako sa pag-aasikaso ng party ni Alyanna kanina, at 'di man lang ako nakakain.

Alyanna Alegre...

Her name resounded in my head. She'd been one of my flings back then. Freshest fling siguro? Ewan. Kung hindi ako nagkakamali, bago ako magpakasal ay siya ang huli kong naging girlfriend. We lasted for a month like any other girls that passed my bed. Noon yun, nagbago na ako. Wala man maniwala, pero alam ko sa sarili ko na nagbago ako. The thing between me and Alyanna is pure business. Sino bang tatanggi sa client na bigtime? For all I know, what happened between us was just purely a game. Nothing serious, though.

My Psycho Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now