[10] Marriage Agreement

211K 4.6K 163
                                    

[10] MARRIAGE AGREEMENT


LYZA'S POV


On the way back to the hotel, neither of us spilled a word. Tahimik lang kami. Nagpapakiramdaman. But seriously, nawiwindang lang ako sa mga nangyari kani-kanina lang. Parang kanina, nagising akong single at ngayon, bago matapos ang gabing ito, may suot-suot na akong wedding ring. Life is full of impossibilities!

D-A-M-N.

"We're here."

I snapped back from my reverie when I heard his voice on my left. Nakalabas na pala ng limo si Derrick, hindi ko man lang napansin.

"Lyza, nasarapan ka na dyan?"

"Tsk!"

Derrick assisted me to step out of the limo and what surprised me is when he encircled my arms onto his. Like what the hell is this gesture for? Tinignan ko siya ng masama, siya naman itong seryoso lang na nakatingin sa akin.

He showed me his innocent eyes. "What?"

Hinila ko yung braso ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Gusto kong mapag-isa," yan nalang ang nasabi ko since yun naman talaga ang gusto kong mangyari.

"Bakit?"

"Basta..."

"Fine," he said coolly and then put his hand inside his trousers' pocket. "Ihahatid muna kita sa suite natin. At pupunta naman ako sa bar. Mag-oobserve lang ako ng ambiance nila," sabay turo niya sa rightmost corner ng lobby.

Oohh... May bar pala dito. Tsk! If only I was not pregnant. 

"'Wag na. Kaya ko namang pumunta sa suite natin nang mag-isa."

"Sure?"

Tumango lang ako sa kanya at dumiretso na dun sa lift nang hindi na siya nililingon pa. Gusto ko na talagang mapag-isa. I feel like I'm having a nightmare. Is this all for real?


***


"I wonder how much you cost? Are you cheap or perhaps expensive?"

Kanina ko pa tinititigan ang wedding ring na nakasuot sa ring finger ko. Okay, I'd lie if I wouldn't say this ring really impresses me. Nah, I mean, naimpressed talaga ako kay Derrick dahil sa singsing na ito. It's actually a diamond ring at halata talagang napakamahal ng presyo nito. Pero malay natin diba? Malay ko bang baka sa second-hand jewelry shop niya lang ito nabili. Hindi mo ako maloloko, Derrick.

For the nth time, I raised my hand in mid-air and stared at my ring. Wala eh. Maganda talaga itong titigan.

"Sige, I'll give you a chance," sabi ko sa singsing na parang si Derrick ang kinakausap ko. "Magpakabait ka lang at magpapakabait din ako."

To be honest, I want Derrick to be under my spell. If so, we would really get close to each other. Magiging maayos ang pagsasama namin.

Binalingan ko na naman ang tinatype kong document sa iPad ko. It has been an hour since Derrick and I parted ways. Wala naman akong magawa dito sa suite ko kaya napag-isipan kong magtype ng marriage agreement namin. This isn't a formal one though. I just wanted the both of us to have an agreement towards the duration of our marriage. Yes, I am mean but you can't blame me for doing so. Hindi ko naman talaga siya gustong pakasalan, at ganun din siya. Quits lang.

"I shall present this to him tomorrow."

Pinatay ko na yung iPad ko at humiga na sa kama. I don't know why but I'm really fond of staring at this shiny thing on my finger. What happened earlier automatically flashed back on my mind.

My Psycho Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now