[35] Dude

145K 3.9K 762
                                    

[35] DUDE


DERRICK'S POV

4 years later...

"Derrick!"

Boses pa lang niya, alam ko na kung sino ang tumawag sa akin kaya hindi na ako nag-abalang mag-angat ng tingin. Mang-iistorbo lang naman 'tong sira-ulong 'to.

"Oy, dude." Bigla nalang nawala sa paningin ko ang papeles na binabasa ko kaya tinignan ko na siya. Bumungad sa akin ang nakangising aso na si Toffer.

"Ano na naman?" may halong inis na tanong ko. Panigurado, magpapalibre lang siya ng lunch sa akin. Lagi naman e.

"Sungit mo naman," umupo siya sa silya sa harap ko at tinignan ako ng nakasimangot. "Tara, kain tayo sa labas?"

Tss. Sabi na nga.

"Mag-isa ka. Tamong may ginagawa ako dito," saka ako tumayo para kunin sa kamay niya ang papeles na kanina ko pa binabasa.

Toffer works as an HR while I as the COO of the mall my parents own. Kakapromote ko lang last month dahil naging maganda naman ang performance ko at sige na nga, sabihin na nating parents ko naman ang nagmamay-ari nito. Well, thanks to them though for trusting me despite of my shitty attitude.

"Lunchbreak naman ah? Grabe, magpapagutom ka talaga dyan?" reklamo niya.

Napailing nalang ako at bumalik nalang sa binabasa ko. Kung alam ko lang na ganito itong si Toffer na katrabaho, hindi ko na sana siya ipinasok dito. Araw-araw nalang nang-iistorbo eh.

"Why don't you file a resignation letter and work in your own company?" mahinang sabi ko.

"Tss, 'yan na naman tayo."

Napangisi nalang ako nung ibaba ko ang papel sa desk. Toffer doesn't want to work in his parents' company for some weird reason. Ayaw niya raw kasi ng special treatment lalong-lalo na't Mama niya ang presidente ng beverage company nila. Prior to that, baka ituring na naman daw siyang baby habang nasa office sila at nakakahiya nga naman yun sa parte niya.

"Ayaw mo ba talaga? Libre ko pa naman," tumayo na siya at sinimulang ayusin ang suot niyang necktie.

"Pass muna ako. Ikaw muna. May inaayos pa ako," sagot ko.

"Huminga ka naman kahit saglit. Masyado kang nagpapakaworkaholic dyan. Nagpapayaman. Parehas kayo ni Kurt."

Napatingin lang ako sa kanya at nagpakawala ng buntong-hininga. He's maybe right but I don't give a fuck. Ito ang pinili kong buhay kaya wala akong dapat ipangamba.

"Dami mong sinasabi. Gutom lang yan. Get your ass out of here already, dude."

Napahilot ako sa sentido ko nang makalabas si Toffer sa office ko. It's been 4 years since I decided to live like this. I've been working like hell since they went away. Si Lyza? Alam ko na kung nasaan siya ngayon namamalagi. Wala man kaming komunikasyon pero gumawa ako ng paraan para alamin kung kamusta na sila ng anak ko.

They're staying in Prague...

Kahit isang beses ay hindi ako pumunta dun para i-check sila. Sapat na yung impormasyon na binibigay sa akin ng investigator ko na maayos ang buhay nila dun. Oo, masasabi ng iba na wala na akong pakielam sa kanila. Maybe yes, I've tried not to think of them but I failed. Kahit naman anong gawin ko ay alam kong lalayo sila kapag lumapit ako. That's the reason why I cut my connection off them. Despite of that, I am absolutely sure that they'll come back here. Naniniwala akong hindi sila habang buhay tatakas sa akin. We're still married after all.

My Psycho Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now