[23] Relationship Status

198K 4.1K 239
                                    

[23] RELATIONSHIP STATUS


LYZA'S POV

Jim Vance Perillo...

Siya ang dahilan kung bakit kinumpiska ni Derrick ang phone ko. Yeah, he really took a big deal out of his friend request. I could have just ignored it, pero mukhang wala yatang tiwala sa akin si Derrick at talagang tinago pa ang phone at iPad ko. Grr... Kasalanan ko bang i-add ako ng Jim na yun?

Kasalukuyan kaming nasa gitna ng byahe papuntang clinic. Ngayon kasi ang schedule ng check-up ko. Kanina ko pa sinusulyapan si Derrick sa kaliwa ko dito sa backseat. Simula pa kagabi ay hindi niya ako kinikibo and it's starting to annoy me.

"Hey, are you mad at me?" I asked him.

Nakita ko ang bahagyang pag-iling ng ulo niya habang nakatingin pa rin sa bintana sa side niya. Yung tipong iling na 'are you seriously asking me that?'. Geez, nag-iinarte na naman 'to.

"Alam mo, Derrick, kung ako sa'yo ay itigil mo na yang pag-iinarte mo. Hindi bagay sayo," I mocked. Napansin ko naman na natawa ng mahina ang driver sa harapan kaya tinaasan ko siya ng kilay. Chismoso!

"Hindi ako nag-iinarte."

Sa wakas, kinausap din ako. Tumingin ako sa kanya, pero hindi pa rin niya ako hinaharap. "If it's about that Jim, then spare him. Masama bang i-add ako sa facebook ng batchmate ko? Natin?"

Napa-'tsk' siya at may kung ano'ng inabot mula sa loob ng bulsa ng trousers niya. Yung phone ko pala yun, at agad niyang inabot ito sa akin. He pursed his lips and said, "I put him on your block list already. Makita ko lang na nasa friends mo yan, ipapahack ko ang account niya."

Medyo napasimangot ako sa sinabi niya, pero isinawalang bahala ko nalang yun. Did I ever give a damn when I notice that 90% of his facebook friends are girls? Geez.

"... Naka-married ka na pala sa akin dyan sa relationship status mo. Yung mga nagco-comment sa change of relationship mo ng kung ano-ano ay iblock mo nalang agad."

"Huh?" Dali-dali kong chineck ang facebook account ko, and to my surprise, my relationship status has been changed from single to married to Derrick Monteverde. "Bakit mo iniba?!"

He shrugged his shoulders coolly. "Nakalimutan ko mag-iba eh. Ayos yan, para wala nang manggugulo sa akin."

Sa akin? Ha! Yan na nga ba ang sinasabi ko. Hanggang sa facebook ay may nanghaharot na naman sa kanya. Chineck ko pa ang account ko, at medyo kumulo ang dugo ko nang makita ang mga harsh comments about sa akin. YES! Sa akin. Na kesyo ang pangit ko raw, payatot, ginayuma ko lang si Derrick, unbelievable raw na patulan niya ako and what's worse is... Ang desperada ko raw dahil hinack ko pa ang account ni Derrick para lang maging married kami sa facebook.

"Shit," I muttered under my breath. Nanginginig ang mga kamay ko sa pagtype ng reply sa kanila. Ugh!! Ano'ng akala nila sa akin? Hindi lalaban sa pambabash nila? Ha! Mali sila ng kinalaban.

"Lyza, anong problema?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot. "'Wag mo na sabing patulan ang mga yan."

Tinignan ko siya ng masama. "Puro insults ang binabato nila sa akin. Mas pangit naman sila!"

Natawa siya, kaya mas lalo akong nabwsit! "Hayaan mo yan. Pagtatawanan ka lang nila kapag pinatulan mo pa siya. Kung ako sayo—" Umusog siya namg kaunti sa tabi ko at inakbayan ako. "Let's take a picture and upload it on your facebook afterwards. Put a sweet caption as well. Way of pissing them off, isn't it?"

I like the idea of pissing the hell out of them, really, but I don't like the idea of flirting with him online. That isn't my thing! Ang korny!! Napansin niya yata ang pagsimangot ko kaya mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. Naramdaman ko tuloy na nag-init ang buong mukha ko sa ginawa niyang yun. Shit. I'm no longer a highschool student to be able to feel this way. Awkward.

My Psycho Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now