“Ayun, ayos lang naman..”

“Weh??” pati si Sahchi nakikisali na? Wew.

“Guys! Oo nga pala, apply tayo sa McDo oh? Part time lang. Kelangan ko na ng pera e.” Eunice? Ikaw ba yan? Maghahanap ng trabaho? Parang hindi naman?

“Tara tara!” pagsang-ayon ko.

“Salamat Ces. J nga pala, tinatanong ka sakin ni Evo. Ayeeeeee! Kinikilig ako senyo teh!” -Eunice

-_______________________-

“Oh, bat parang walang reaction?” –Sahchi

“Oo nga, may problema ba kayo?” –Eunice

Hay, anu pa nga ba. Edi kinwento ko sa kanila ung nangyari dun sa McDo. Pipilitin lang din naman nila ko kung hindi ko sasabihin.

“Ay grabe teh! Who’s this Karl??” –Hyacinth

“Di ka ba nakikinig??! Okay ka lang ba? Classmate niyo ng high school di mo kilala??” --Sahchi

“Grabe ka Hyacinth! Puro Manesca kasi nasa isip e!” –Eunice

“Sorry naman ah!” –Hyacinth

“So anong plano mo Ces??” –Eunice

“Ewan. Hindi ko alam e. hindi niya naman ako kinakausap e.” :((

“Hay nako teh, kausapin mo na. Wag pairalin ang PRIDE!!” tama nga si Sahchi. Expert talaga yun.

“Eh kasi naman e. Siya din naman ah. May pa-akbay-akbay pa siyang nalalaman kay Bridge.”

“Sus. E kayo nga e, may pa-holdinghands pa kayong nalalaman ni Karl.”

O____________________________________O

“EVO??!!”

At bigla na lang siyang umalis. Waaaaaaaaaaaa! Nagseselos nga siyaaaaa.. :”)) ang hilig niya sumulpot ha? Hay Ces, wag ka nga munang kiligin. Galit pa sayo yun dba? Kailangan ko na siyang kausapin. It’s been 2 weeks na walang pansinan at all. Namimiss ko na siya. :((

Saglit lang natapos ung mga klase ko kaya maaga akong naka-uwi. Aja Ces!! Sana kausapin niya na ko. ^.^

Teka, may naaaninag akong lalaki sa gate. Hmm.. si Karl? Anung ginagawa niya dito?? Nako, patay pag nalaman ni Evo! Tsk!

“Uy Karl!! Anung ginagawa mo dito??”

“Eh kasi hindi na kita nakita sa room niyo e. lagi naman tayong magkasama pag uwian. Iniiwan mo na ko wa?” then nagpout siya. Aw.

“Ah ganun ba. Eh kasi nagmamadali ako. Kailangan Kong makausap si Evo e.”

“Teka lang Ces..” hinawakan nya ko sa braso.

“Bakit Karl?”

At hindi ko ineexpect yung sumunod na nangyari.

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceWhere stories live. Discover now