Fifteen

135 5 0
                                    

EMPRESS MAIXA

"Ba't ganyan ag hitsura mo babae? Hindi ka ba masayang makita kami?" tanong ng nasa harap kong si Alice.

Pero ang mga mata ko ay na kay Sinclaire na kasalukuyang papalabas ng bahay niya. Mukhang may pupuntahan siya.

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang malaman ng lahat ang totoo kong pagkatao at status sa buhay.

Hindi nagbago ang pakikitungo sa kin nina Damulag at ng mga Pula at Itim.

Pero ang isang to...

Feeling ko para akong ex-con sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin sa school at dito sa min.

I ended my undercover mission at ako na ang pumalit sa lalaking hinire ni Dada maging School Director. Which is trabaho ko naman talaga. Tatapusin ko lang sana ang school year at babalik din ako sa BOSS dahil andun ag totoo kong trabaho.

Pero heto ang tatlong pasaway na to sa harapan ko. Still alive and kicking at plano atang maghasik ng lagim dito sa Pinas especifically sa buhay ko.

Napabuntong-hininga na lang ako nang tiningnan lang ako ni Sinclaire saka sumakay sa sasakyan niya.

"Ano yang buntong hininga na yan ha?" sabi ni Alice.

Siniko siya ni Bricks at pinadilatan.

"Ahmmm, pwede po bang pumasok babaeng may-ari nitong bahay na mukhang haunted house?" sabi ni Ate Mitch kaya umatras ako para makadaan sila papasok.

"Narinig namin yung nangyari." sabi ni Bricks pagkaupong-pagkaupo namin sa couch. "Okay ka lang?"

Ngumiti ako ng mapakla.

"Ang sakit palang mabasted no?" sabi ko na ikinatingin nilang tatlo sa kin. "Maiinlove ka na lang, kailangan masasaktan ka pa." sabi ko pa.

"Uh-oh..." sabi ni Alice at nagtakip ng bibig.

"Sino bayang gagong nambasted sa yo at nang masapak namin?!" amasonang amasonang tanong ni Bricks.

"Bubwit? Andyan ka ba?"

"Sino yun?" tanong ni Ate Mitch kaya napatayo kaming apat at nagpuntang pinto.

"Uyyy, Damulag and friends! Anong hangin at napadpad kayo dito?" nakangiti kong tanong.

"Sino ang mga yan?" tanong ni Alice.

"Mga kaibigan ko." sagot ko.

"Sino sa mga gagong yan ang bumasted sa yo?" tanong ni Bricks at pinatunog yung mga kamao niya.

"Chill ganda. Wala samin ang nanakit sa damdamin ng maliit na taong to." sabi ni Damulag na ikinasingkit ng mga singkit nang mga mata ni Bricks.

"Put*ngna. Ulitin mo pa ang salitang yun at masasapak kita." kalmadong sabi ni Bricks.

Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag na maganda dahil insecured siya sa sarili niya. May malaki kasing peklat si Bricks sa likod na ang sabi niya ay pangit daw.

But for me, it's kind of cool.

"Anong sabi mo ganda?"

Hindi na ako nagtaka when the next second ay hawak hawak na ni Damulag ang panga niya.

Well, meet Brianna Dominick Davids, aka Bricks. Ang amasona kong BFF.

"YAN BAGAY LANG YAN SA YO BOSS!" rinig kong sigaw ni MikMik na ikinatawa ko.

"Ano ngang meron at napunta kayo rito?" tanong ko ulit.

"Birthday ng asawa ni Mavrick. Invited ka daw." sagot ni Damulag hawak hawak ang panga niya.

12 Gangsters and a CrackpotWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu