Nine

119 6 0
                                    

EMPRESS MAIXA

Nasa likod ako ng room namin malapit sa mga shelves habang nasa harapan naman yung mga lalaki.

Masama ang pagkakatingin ni Sinclaire sa mga lalaking nasa harap niya lalong lalo na kina Damulag.

Pano ba naman kasi, pinagtulungan ng dalawang grupo si Sinclaire at siya ang ginawang representative ng klase namin.

"Wala ka nang magagawa Black. Ipinasa na namin ang pangalan mo. And I'm sure na sa mga oras na to ay nakadikit na sa bulletin ang pangalan mo. Kasama ng iba pang 33 na pangalan." ngingiti-ngiting sabi ni Damulag.

Inambangan siya ng suntok ni Sinclaire pero hindi natuloy iyon dahil may biglang pumasok na lalaki. Mukhang ito yung baklang event organizer ng school namin.

Dahan dahan akong nagpadausdos at gumapang papunta sa isang sulok.

"Ms Leveticus? Where is she?" tanong nung bakla.

Gais, wag nyo kong ilaglag please?😫

Nagsumiksik ako sa sulok hanggang sa mapansin ko ang isang pares ng itim na rubber shoes.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang madilim na anyo ni Sinclaire.

Dahan dahan akong tumayo at kagatlabing nagkamot ng ulo.

"Kailangan ko ba talagang sumama?" alanganin kong tanong dun sa bakla.

"Yes dear. Kailangan mong sukatan for your gowns then ipa-practice natin ang lakad mo then--"

Napangiwi ako sa mga naririnig ko.

"Put*ng*na namang contest na yan oh. Allergic kaya ako sa gown at heels. Tengene leng." bulong ko.

Lukot na lukot na for sure ang mukha ko sa disgusto.

"Hindi ba ito yung gusto niyong mga babae. Mapansin ng marami. Lalo na ng mga lalaki." pasaring nung nasa harapan ko.

Tumaas ang isang kilay ko at hindi ko mapigilang matawa ng mapakla.

Hindi talaga mauubusan ng pasaring sa kin ang kulugong to eh.

Kahit walang connection ay ginagawan niya ng connection. At lagi niya pa talaga akong kinokompara sa ex nila.

"Hindi ako ganun. Pero mukhang ganun yung 'I-dont-know-where-the-hell-she-is' mong ex na hanggang ngayon ay hindi mo pa ata makalimutan. Uso magmove-on Sinclaire." sabi ko sa kanya saka siya iniwan roon at sumama dun sa baklang organizer.

"LQ kayo nung fafa mo?" tanong niya nang nasa hallway na kami.

"Hindi kami nagi-LQ. At lalong hindi ko yun fafa. Mortal enemy ko ang galunggong na yun at may gyera sa pagitan naming dalawa." sagot ko sa kanya.

Tsss.

•••

"Chin up lady!" sigaw nung baklang si Froi at iniangat ang baba ko.

Grrr... Kagatin ko yung daliri mo eh!

Nasa court kami ng gym at tinitrain niya ako sa tamang paglakad.

Sa may stage naman ay nandoon yung mga representatives ng mga klase. Kasama na ang nesfrutang Sinclaire na yun na bantay sarado ng mga kagrupo niya at nina Damulag.

"Focus Empress!" sigaw ni Froi.

I just made faces.

After how many minutes ay yung ethnic dance naman ang ipinagawa sa kin. Gusto ko na talagang paghahampasin nitong pamaypay na hawak ko tong nakakainis na baklang to.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon