Ten

115 5 0
                                    

EMPRESS MAXIA

"You look gorgeous!" bulalas ni Froi.

Napaharap ako sa kanila.

"And I feel hideous." malamig kong sabi.

"Cheer up darling. You're the Queen of the night. Smile." sabi naman ni Jean, ang alalay ni Froi.

Nginitian ko sila ng pilit.

"Kaya mo yan Em. Ikaw pa."

Napalingon ako kina Damulag.

"Ichicheer ka namin ng bongga doncha worry!" maarteng sabi naman ni Lopez na ikinangiti ko.

Napatingin ako sa direksyon ni Sinclaire na inaayos yung tuxedo niya. Mukhang napansin niya ata akong nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko.

Masyadong obvious na kung ililihis ko pa yung paningin ko kaya kunwari ay nakatingin ako dun sa baklang nasa tabi niya.

"Okay, everyone! Its showtime!" sigaw ni Froi.

I heaved a deep sigh and closed my eyes.

"Okay. You can do this. You have to do this. Kung hindi ay malaki kang kahihiyan sa angkan niyo. Just remember the basics. Chin up, don't crouch, confidence, elegance, poise."

When I opened my eyes, Froi's smiling face greeted me.

"You'll be fine out there Empress. I know you will."

Nginitian ko siya at bago ako maglakad papunta sa hagdan ng stage ay itinatak ko sa isip ko ang mission ko ngayong gabi.

And that is to enjoy the night.

Masigabong palakpakan at hiyawan ang sumalubong sa kin nang lumabas ako galing sa backstage.

•••

Malapit na ring matapos ang paghihirap ko ngayong gabi.

Kasalukuyang nakaupo ako ngayon sa gitna ng stage suot ang itim na gown.

Q&A portion na at konting kembot na lang ay makakauwi na rin ako.

Pero itong echoserang baklang host ay mukhang gusto pang pahabain ang pagdurusa ko at isinama pa ako sa Q&A portion.😒

"Miss Leveticus, anong genre ng music ang gusto mo?" tanong niya.

"Kpop.😒" mabilis kong sagot.

"Anong banda ang---?"
"Blackpink.😒"

"Ah eh, about your love life---"
"Wala ako nun, sorry.😒"

"Ah eh, crush?"
"Ibang Crush ang kilala ko. Korean singer siya.😒"

Mukhang anong oras ay magpapop na yung ugat niya sa may sentido niya.

"Sa mga contestants natin, may type ka ba sa kanila?"

Tiningnan ko siya.

"Wala.😒" sagot ko.

"Okay ladies and gentlemen, mukhang andito na ang result!"

Buti naman at natapos na ang pang-iintriga sa kin ng baklang yun.

Naisip ko tuloy, ano nga pala ang silbi ng paghihirap ko kahapon? Eh ako lang rin naman yung magiging Ms. SMA? Mukhang naloko ako ah.😓

"And it's Mr. Melbourne Jacques Sinclaire of Class 3-G!"

Okay, uwian na!😘

Tumayo ako at akmang aalis na nang biglang sumulpot sa tabi ko si Sinclaire. May hawak-hawak siyang boquet.

12 Gangsters and a CrackpotМесто, где живут истории. Откройте их для себя