Three

117 5 0
                                    

EMPRESS MAIXA

"HELLOOO WOOORLD!😄" nag-iinat na sigaw ko sa balkonahe ng bahay ko.

Pagkatapos kong mag-inat sandali ay bumaba na ako to cook my breakfast.

I lived on my own since I became a CIA agent at the age of 18. Dun ko nakilala si Bricks. She is an ex-CIA agent like me.

And this house is the house I bought two years ago. Katulad na katulad kasi siya ng dream house ko.

Ang kaso lang, may isang bahay sa tapat niya na mukhang mayaman ang may-ari because of the meticulous designs and furnitures of the house.

May nakatira daw na lalaki diyan sabi nung kapitbahay ko 200 meters away from us. Pero ni isang beses ay hindi ko pa nakikita ang may-ari ng bahay na yan eh. Maski anino man lang niya.

Busy person siguro.

Oh well, today will be a great day! Dahil nasa step three na ako ng mission ko.

I did the basics and then dressed myself 'comfortably'.

"Let them see who's the real boss." nakangisi kong sabi looking contented and confident sa reflection ko sa salamin.

Mayroong uniform ang school. Pero mukhang hindi sumusunod sa school codes ang 3-G dahil hindi sila totally naka-uniform.

At dahil hindi naman ako fanatic ng school uniforms kaya yung itim na skirt na isa't kalahating ruler lang ata ang haba lang yung sinuot ko.

Nagsuot ako ng isang black short tights, black na knee socks at isang white na T-shirt na medyo maluwag lang sa kin. Then I paired it with my military boots. And I tied my hair into a pony, a messy pony to be exact.

Alam ko... Wala akong sense of fashion.

Di bale na! Basta maganda!

Kung kahapon ay para akong probinsiyanang pumasok sa school, ngayon ay ang 'normal' self ko na ang ipripresenta ko sa kanila.

Kinuha ko ang leather jacket na nakasabit sa isang sulok ng kwarto ko at bumaba na.

I opened my garage's door and I smirked when I saw my motorbike.

"Empress, hinay hinay lang ha? Wag masyadong pahirapan ang mga batang yun." pagkokonsola ko sa sarili.

Pero nang hindi ko na mapigilan ay napatawa ako.

"Syet, eh matatanda pa sa akin ang mga yun eh! Pero kung umasta, kala mo mga teenagers pa sila. Pwe!" singhal ko saka sinuot ang itim kong helmet at sumakay na sa motorbike ko.

•••

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa school ay pinagtinginan agad ako ng mga estudayante. Nakakarinig pa nga ako ng pagsipol galing sa ilan na ikinaiinis ko.

Pero oh well, sino bang hindi mapapasipol sa makinis at maputi kong legs. Mwahahaha.

Ipinarada ko sa parking lot yung motorbike ko at may pinindot sa ilalim nun.

It's a device na magnonotify sa kin once may mangialam sa motor ko. Gawa ko yan wag ka!

Tinanggal ko ang helmet ko and fixed my hair. Lalong lalo na ang bangs ko na nagulo.

"Look who showed up for the second time around." 

Napahinto ako sa pag-aayos ng bangs ko nang may narinig akong nagsalita sa likod ko.

I turned my head around and devilishly smirked when I saw Sinclaire and his gang. Namataan ko naman sa di kalayuan ang grupo nina Crisostomo.

Good.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon