Twelve

123 5 0
                                    

EMPRESS MAIXA

"Tulad mo na may pusong batooooo! Come on everybody!"

Napatakip na lang ako ng tenga sa sobrang ingay ng mga eskandalosong to.

Pagkatapos kasi naming makipagbasag-ulo ay ako naman ang pinagkatuwaang asarin ng mga gagong to.

Basta talaga ako ang pinag-uusapan nagiging magkasundo ang mga magkakaaway na to.

"Hindi pa ba kayo titigil sa kantang yan?" komento ni Sinclaire dahilan para siya naman ang ulanin ng tukso.

"Heartbeat heartbeat is beating fast ba yung naririnig mo kanina Em nung nagkadikit kayo ni--- Aray! Aray! P*ta! Aray!"

Hindi na nagawang tapusin ni Damulag yung sentence niya dahil pinagpapalo ko na siya ng dalawa kong tsinelas.

Nasa labas kami ngayon ng bahay namin ni Sinclaire. Nakahilata kaming lahat sa may kalsada especifically.

"Isang beses pa at yung suot kong heels kagabi naman ang ipapamalo ko sa yo!" sigaw ko.

Umaktong zinizipper niya yung bibig niya saka naupo na parang batang pinagagalitan ng nanay niya.

Aayos na sana ako ng upo nang nagsimula na naman si Damulag sa kalokohan niya.

"Melbourne and Empress sitting on a tree. K-I-S-S-I-N-G!"

Sa pagkakataong iyon ay hindi lang sapak ko ang natanggap niya. Dahil nainis na rin ata si Sinclaire kaya binato siya nung hawak hawak niyang bottled water.

"Tsss. Ikaw bubwit ha. Nakahanap ka lang ng lovelife inaaway mo na akong Kuya mo." pagdadrama niya.

Dun ko naalala si CM.

"Teka, may pupuntahan pa nga pala ako." sabi ko saka tumayo at sandaling pinagpag yung maong ko.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Lopez.
Nginitian ko lang sila.

"Sa lovelife ko." sagot ko saka sumakay sa motor ko.

•••

Pagkauwi ko sa bahay kinagabihan ay agad akong umakyat para matulog. Malapit na ako sa dreamland ko nang biglang tumunog yung cellphone ko.

[Ikaw ha. Lumalovelife ka nang babae ka ha.]

"Tigilan mo ko Allison." sagot ko sa kanya.

[Eh naman eh.]

"Anong 'eh naman eh' ka dyan?" tanong ko.

[Eh magbibente tres ka na next month tapos NBSB ka pa rin.]

"Wow ha. Paki ko kung magbibente tres na ko next month at NBSB pa rin ako. Ikaw lang naman yung atat na magka-boyfriend ako. Wait, let me rephrase that. Si Sinclaire lang ata ang walang pakialam sa lovelife ko."

[Anong kinalaman ni Sinclaire sa usapan natin. Eh kung pumapayag ka kasi sanang makipagblind date eh di sana may jowa ka na.]

I heaved out a sigh.

"Ewan ko sa inyo. Basta ako, wala pa akong planong magboyfriend. Saka na pagkinasal na ang Kuya Ren ko. Baka sa mga oras na yun mahipa  ako ng hangin at magdesisyon na akong maghanap. Okay? Tulog na ko. Matulog ka na rin. Yung ganda mo baka malusaw." sabi ko saka inend yung tawag.

Pero yung napeste kong utak ay ayaw nang dalawin nung pabebeng antok kaya tumayo na lang ako nagpuntang balkonahe ko.

Naupo ako sa sahig saka pumikit at nagmeditate.

Pero hindi rin ako makapagfocus dahil feeling ko may mga matang nakatingin sa kin.

"Naman nagfifeeling maganda ka na naman Maevitch." bulong ko sa sarili ko.

12 Gangsters and a CrackpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon