Chapter 50 : Uncivilized - Problem

Start from the beginning
                                    

"No, Dad! Ayokong magpakasal sa babaeng 'to. Besides, ang bata ko pa para makasal. Pa-experience niyo man lang sana sa akin yung pagtatrabaho para sa sarili ko. Hindi yung kakayod ako para bumuhay ng isa pang tao." pagrarason ko sa kanya kahit na alam kong walang kwenta yung sinabi ko.

Ang gusto ko lang naman ay mahinto yung kahibangan ng magaling kong ama na makasal ako sa anak ng business partner niya. May mahal na ako at siya ang gusto kong pakasalan!

"I have no time for your petty reasons, Karl. Ikakasal kayo. Period." matigas na sabi ni Daddy tapos ay tinungo niya ang direksyon papuntang study room.

Nung mawala siya sa paningin ko ay nagulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.

Bakit ba napakatigas ng ulo ni Daddy? Bakit ba hindi niya makuhang ayoko sa binabalak niya? Bakit ayaw niya man lang akong pakinggan? Nasaan ang hustis--

"Damn this freaking engagement! Ayoko nito!" biglang sabi ng tao sa tabi ko.

"Hey! Ibaba mo nga yang mga paa mo! Nadudumihan sofa namin eh!" utos ko sa kanya. Kainis kasi eh. Ituntong ba naman ang mga paa? Malay ko ba kung saan niya inilakad ang mga sapatos niya diba?

Bigla niyang ibinaba yung paa niya tapos ay hinampas niya ang sofa.

"Bakit ba kasi hanggang ngayon ay wala kang girlfriend? Pati tuloy ako nape-perwisyo." paninisi niya pa na nagpa-init lalo ng ulo ko!

At kasalanan ko pa talagang wala akong GF ha? Ano bang paki niya dun? Eh sa loko-loko yung ex ko eh, anong magagawa ko? Besides, may boyfriend naman na akong nagngangalang Allen. ANo pang hahanapin ko diba? Yieh! Kinikilig tuloy ko! Puntahan ko kaya si Allen ngayon?

Aayain ko siyang mag-date tapos pupunta kami sa mall tapos ay pupunta kami sa pa--

"I'm outta here. Mukhang wala na rin naman akong magagawa kahit na ipaglaban ko pa ang karapatan ko eh." sabi ni Claire habang inaayos niya ang kanyang sarili nung makatayo siya.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng bahay. Ayos! Wala nang sagabal! Pupuntahan ko na si Allen!

Pero dapat ba akong mag-ayos? Gwapo naman ako kahit na nakapambahay lang eh. Wag na lang kaya? Baka kasi makakuha pa ako ng atensyon pag pumorma ako eh. Mamaya magselos ang princess ko. Hihihi. Ang corny ko 'no? Nung una 'baby' ang tawag ko sa kanya tapos ngayon 'princess'. Hahaha. Hayaan na nga, mahal ko naman yung sinasabihan ko nun eh.

"Karl Vincent! Nasaan ang fiancee mo!?" biglang dagundong ng boses ni Daddy kaya naalerto ako.

"Hindi ko po alam. Ang sabi niya, aalis na daw po siya eh. At saka, hindi ko pa po siya fiancee, hindi pa kami engaged." pagrarason ko sa kanya.

"Tch! Hanapin mo siya! Take her out for a stroll! Be a gentleman naman! Kanino ka ba nagmana ng pagiging uncivilized?" pag-angil niya agad sa akin kaya natahimik ako.

Uncivilized? na ba ang hindi pagiging hospitable sa babaeng hindi ko kilala ng lubos? Tch! Eh para ngang mas uncivilized pa yung pag-aayos nila ng kasal namin kahit na ayaw namin eh. Bahala na sila sa buhay nila! Basta ako, si Allen lang ang gusto kong pakasalan. Period!

"Kayo nagdala sa kanya dito diba? Bakit hindi kayo ang maghanap? Saka, alam niyo namang ayaw ko dyan sa plano niyo eh, and yet, pinilit niyo pa din? If you want her to go out on a stroll, why don't you do it? Anak niyo ako Dad, hindi ako puppet na kokontrolin niyo at susunod sa lahat ng gusto niyo!" sabi ko naman sa kanya, neverminding the fact na sa kanya ako nagmula at sila ni Mommy ang bumuhay sa akin.

Pero wala na akong paki dun kung talagang ipipilit niya ang gusto niya. Saka siya naman ang may kasalanan eh. Kung nandito siya nung lumalaki ako, baka mataas ang chance na sundin ko siya. Pero hindi eh. Bukod sa wala siya nung mga panahon na yun, sobrang mahal ko din si Allen!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now