Chapter Ten: COMPLICATED ♛

740 47 29

CHAPTER 10

“The feeling is mutual but we’re not official, it’s complicated”

GIRL’s Point of View:

Nasa labas ako ng bahay. Hindi ako umuwi kahapon. Kahit saan lang ako nagpalipas ng oras. Lakad-lakad sa kalye. Nagpunta nga ulit ako dun sa riverside. Nakatulog na rin ako doon. Kinaumagahan, napagpasayahan kong umuwi na lang. Hindi pa rin ako pumapasok. Nakaupo lang ako sa may pintuan ng bahay niya. Nakatiklop mga tuhod ko habang yakap ito. Nakapatong ulo ko sa tuhod ko habang naghihintay na magising siya.

“Tagal niya naman magising” (╥﹏╥)

Bulong ko sa sarili ko habang umaasa na bubuksan niya na ang pinto at makita ako. Pagod na rin kasi ako. Nagpalipas lang naman ako ng galit at tampo ko sa kanya ah. Di man lang talaga ako hinanap. U___U

Nagulat ako nang may biglang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay kaya napatingin din ako dito. Noong una, hindi pa ako sigurado sa nakita ko. Kaya lang...

PRINCE DELA ROSA’s POV:

Ang sakit ng ulo ko. Nakakaramdam din ako ng pagkahilo. Hindi naman marami nainom ko ha. When I tried to move..

“***t!” Napamura ako ng wala sa oras! Hindi ko kasi maigalaw ang kanang braso ko. Teka...

“Oh, good morning Sweety” Nagulat naman ako ng biglang nagsalita sa Jackie. Pero ang mas ikinagulat ko eh nakahiga siya sa mga braso ko! ***t! Teka, may nangyari na sa amin??! FVCK!! ARGH! Wala ako matandaan! P*tek! 

“Why am I here?!” Nasigawan ko tuloy si Jackie sa inis. Bakit naman kasi nandito ako! Inalis ko agad ang pagkakahiga ni Jackie sa braso ko. Kainis! Nangangawit na ako! “Don’t you remember?” Tapos hinahawakan niya mukha ko ng nakangiti. 

“Huh?” Naguguluhan na ako. Ano dapat maalala ko? Iniayos niya ulit sarili niya para humiga sa braso ko “Uh-oh Sweety, do not worry. We had fun last night. Your’e great” Humiga siya sa may chest ko tapos niyakpap ako na parang linta. Takte!!

“Cut the crap Jack! Nothing happened!” Saka bukmangon na ako. Nakita ko din na wala rin akong suot na damit! P*tek! Baka may nangyari nga! Langya!

“How would you know? You don’t remember anything right?” Bumangon na rin si Jackie at itinakip sa katawan niya ang kumot na kulay puti. Grabeee! Hindi ako makapaniwala na may nangyari nga sa amin! Teka, meron nga ba??!!!

Hindi ko na masyado pinag-iintindi ang sinasabi ni Jackie. Nagbihis na agad ako para makalayas na! Shit! ARGGGH! “Whatever. I’ll leave” Tapos lumabas na agad ako ng kwarto niya.

“I’ll give you a ride” Sigaw niya pa mula sa kwarto niya.

Ride mo mukha mo! Naasar ako sa kanya! “No thanks” Lalabas na sana ako ng bahay niya. Nasa may pintunan na ako eh kaso bigla niyang hinila kamay ko “I insist Prince. Let me take you home” Grabe na talaga! She’s unbelievable! Para lang mahabol ako hindi na siya nakapagbihis at ‘yung kumot lang ang nakatakip sa buong katawan niya! ***t!

Kaya wala na rin ako nagawa sa kakapilit ni Jackie. Nagbihis lang siya sandali at umalis na agad kami. Hindi ko siya kinausap nung pauwi na ako. Bwiseet. Pakiramdam ko tuloy na-rape ako! ARGH! Hindi ko talaga maalala ang nangyari pagkatapos niya ako halikan sa labas ng CR. Kahit anong pilit ko, wala talaga pumapasok sa utak ko. Sa kakaisip ko, hindi ko agad namalayan nasa Villa na pala kami.

Those Days in VeniceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!