Chapter Seven: CASTLE ♛

787 51 18

 CHAPTER 7

“Sand castles are the saddest among all castles. You feel royalty for once and ended up a nobody when it’s taken by the sea”

Days have passed. Two weeks na rin pala ako dito at two weeks na rin akong nagtitiis sa isang asungot (* ̄m ̄) Hindi ko rin naman mapaalis kasi nakakaawa. Napapakinabangan din naman kasi siya ang gumagawa sa lahat ng gawaing bahay. Dapat lang ah, libre nga pagpapatira ko sa kanya. Hmp! Ngayon, kausap ko si Chantel sa phone.

“Daddy Prince, I super miss you na. Balik ka na dito”

“Malapit na baby. Are you doing well there?”

“Yes naman daddy. Uncle Sean is helping me with my assignments”

“Good girl talaga baby ko”

“Of course dad. Dapat may pasalubong ako ha because I have good grades”

“Sure baby. Oh sige na. May gagawin pa ako baby”

“Okay dad. I love you. Please take care”

“I love you too baby. Ingat ka lagi”

Pagkatapos ko kausapin si Chantel, pumunta ako sa balcony. Nakita ko na naman siya sa ganung pwesto. Nakapatong sa balcony ang kanyang paa habang pinapadpad ng hangin ang kanyang mataas na buhok. Nakasandal siya sa upuan. Nakapikit ang mga mata niya at nakangiti pa siya. Hindi ko rin naman maiwasan ang hindi mapatitig sa kanya. Nakatayo lang ako habang tinititigan siya. Napapangiti nga rin ako. Ewan ba, madalas ako mapangiti at mapatawa ng asungot na ‘to. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya..

 “Oh My Prince!” Napalingon siya sa kinatatayuan ko. Nabigla tuloy ako pero buti nalang may palusot ako. HAHAHA! “Dried mangoes oh” Lumapit ako sa kanya at iniabot ito. Buti na lang di niya napansin na kanina ko pa siya tinitingnan. Salamat sa dried mangoes na hawak ko at may naidahilan ako! 

“Wow! Alam mo na paborito ko ito?” Tapos binuksan niya ito gamit bibig niya. Kadiri talaga ‘tong nilalang na ‘to. Lalawayan pa. Tsss.  

“Bopols! Sinabi mo kaya sa akin” Nakalimutan niya bang pinapagpilitan niya na ibili ko siya niyan nung nag-grocery kami?! Psh! “Ay tama nga pala!”Tumawa na lang siya at kinain ang dried mangoes. Tapos umalis ako sandali at kinuha ang camera ko. Umiral na naman ang pagiging photographer ko eh. Can’t miss this shot kaya…

*CLICK*

*CLICK*

*CLICK*

Cute:)

“Hoy My Prince, kinunan mo ako ng picture ‘no?” Patay! Mahuhuli na ata ako nito. Nasa may likuran niya kasi ako habang kinukunan ko siya. Nakatayo lang ako sa may pintuan ng balcony at may nakaharang na kurtina kaya akala ko di ako mahahalata. Tsss. Ang cute niya kasi tingnan habang kumakain kaya di ko mapigilan na di siya kunan ng litrato.

“Ambisyosa ka! Ung dagat kinuhanan ko!” Magpalusot ka na lang Prince! (* ̄m ̄) “Ayy. Akala ko ako” Tangengot, ikaw nga kinukunan ko. Psh! Buti naman at naniwala sa palusot ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi na upuan.

Sarap na sarap siya sa kinakain niya at di na naisip na bigyan ako! Kung makakain ‘to…“Tama, diba naghahanap ka ng subject sa portfolio mo?” Bigla niya ako tinanong habang puno ‘yung bibig niya. Nakaharap siya sa akin habang tinatanong ako. Pakiramdam ko may naiisip na naman ‘to.

Those Days in VeniceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!