Chapter Six: SOFTDRINKS ♛

834 56 44

CHAPTER 6

“It’s stupid if softdrinks are mistaken to be beers. Your’e drunk by that time”

Nung napagod na rin ako sa kakatitig sa kisame. Lumabas na lang ako ng kwarto pa ra sana uminom ng tubig. Nakakauhaw rin pala ang mag-isip. Kung anu-ano na rin kasi ang inaabot ng utak ko sa sinabi ng babaeng ‘yon. Na-distract talaga ako. Pero parang wala lang naman sa kanya ‘yung sinagot niya. Ang gulo diba? Tsss! Pagbukas ko ng pinto…

๏____๏

 "My Prince! Halika dito, inom tayo” (▰^◡^▰) Mukhang masaya talaga siya dahil sa laki ng ngiti niya. Pero, namumula na talaga siya.

Aba! Umiinom?? Ng beer??

Umupo ako sa tabi niya. Nasa floor lang kaming dalawa ngayon tapos may mga beers at dried mangoes pa siyang pulutan. “Lasinggera ka pala?” Natanong ko na lang kasi ang lakas makainom! Ginawang tubig ang beer? õ.O

“Huh? Ano ibig mong sabihin?” Saka uminom ulit siya ng beer ng tuloy-tuloy pa ha! Isipin niyo na lang na parang uhaw na uhaw siya kaya parang tubig lang talaga ang beer para sa kanya o di kaya sanay lang ito umiinom. Pshh!

*AHHHHHHHHHHHHH*

*BURPPPPP*

“Excuse me My Prince” < (^^,) >

 Tinitigan ko siya na nakakunot ang noo. Hindi ba uso ang manners sa mundo ng babaeng ‘to. Tss! “Lakas makainom ng beer oh” Tapos ininom ko na ang beer na hawak ko.

Napakamot siya sa ulo niya na parang nagtataka talaga siya sa sinabi ko. “Beer? Hindi ba ito softdrinks? Kaya pala medyo iba lasa. Akala ko ganito lang talaga lasa ng softdrinks dito sa Venice” ٩◔‿◔۶

๏____๏

*BUGA SA BEER SOUND EFFECTS*

*UWAAAH*

“Pweeh! Pweeh! BWAHAHAHAHAHAHA” Naibuga ko na lang ang nainom ko dahil sa kawalangyaan niya! HAHAHAAH! Softdrinks daw?! Patawarin! Taga-Earth ba talaga ang taong ‘to? Baka long lost sister ito ni Kokey! Ay grabe! Kung anu-ano na tuloy pumapasok sa utak ko. Nagiging kengkoy ka na Prince! “HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” (〃^∇^)

“Che! Kung makatawa ‘to..Tama na nga! Sorry sa pagka-ignorante. Ammp!” Binatukan pa ako ng mokong! Aba! HAHA! Pero laughtrip talaga siya. Iyan tuloy, nakanguso na naman mukha niya. Pahiya kasi. HAHAHA.

Tapos, uminom na naman siya ng tuloy-tuloy para bang hindi alam na beer  na iyang iniinom niya. Sinubukan kong agawin ang can ng beer pero iniwas niya lang ito. “Huy, tama na iyan. Baka sumuka ka pa sa kalasingan niyan eh”

“Masarap pala ‘pag tumatagal My Prince. Inom pa tayo!” Aba! Nag-cheers pa! Tss! Mukhang nakikita ko na ang ending ng gabing ito.

HEP! Hindi iyang iniisip niyo haaaa. Hindi po ako manyak, pero lalake rin po ako, MARUPOK! Hahaha! Ay hala! May tama na ata ako. Walang kwenta na pinag-iisip ko eh. (¬__¬)

Lumipas ang mga oras, kwento lang siya ng kwento. Nakikinig lang naman ako. Pinagmamasdan ko lang mukha niyang ewan. HAHAHA. Medyo naparami rin inom ko pero hindi pa naman ako lasing. Ewan ko lang dito sa kasama ko, pulang-pula na eh tapos hindi na maayos kung magsalita. Hindi niya na rin mai-angat ulo niya ng maayos. Tsss! Maya-maya pa ay bigla siya nagsalita…

“Ano gagawin mo kung may mahal ka pero hindi pwede?” Eh?! Biglang seryoso? Pero seryoso mukha niya. Halatang may iniisip. Ano naman kaya ‘yon? Tss!

Those Days in VeniceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!