Chapter Eight: STARS ♛

744 50 29

 CHAPTER 8

“A night sky with shining stars is the best view before saying good night”

Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa bahay. Mainit na rin kasi. Nasa loob ako ng kwarto habang nakahiga at nagpapahinga. Pero iniisip ko pa rin ‘yung mga pinagsasabi niya kanina. Parang may mali kasi. Parang may problema siya. Alam kong may iniisip siya eh. Ayaw ko rin naman magtanong kasi baka isipin pa lang niya concern ako sa kanya! Asa siya >.<

“My Prince, alam ko na!”  Napatayo naman ako sa gulat ko. Di ata uso sa kanya ang kumatok!

“Hoy! Kumatok ka nga muna! Tsaka, anong alam mo na?” Nakaupo na ako sa kama. Lumapit siya sa akin at tumabi pa.

“Let’s go to the farm!” < (^^,) >

“Ano?” Nabigla naman ako sa suggestion nito. “Oo. Magtanim at mamitas tayo ng prutas. Rural life!” < (^^,) >

“Ayaw” Bumalik ako sa paghiga sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko. Ang ingay eh. Mas gusto ko pang magpahinga “Eehh. Sige na” Kinakalabit niya ulit sleeve ng t-shirt ko oh! Talaga naman ‘tong babaeng ‘to! Tumalikod ako at humarap sa may bintana habang nasa likod ko siya.

"Ayaw. Mainit” Tapos binalik ko sa pagkakatakip ang unan sa mukha ko.

Ang ingay niya kasi. Psh!

“Maganda dun. Magpahinga ka lang. ako mag-ddrive” Tama ba rinig ko? Marunong siya mag-drive? Hmmm. “Marunong ka?” Sabay ko tinanggal ang unan sa mukha ko at humarap sa kanya.

“Syempre!” (✿◠‿◠)

“Fine” Pumayag na rin ako kasi siya naman magda-drive eh. Tsaka gusto ko rin malaman kung marunong talaga siya magmaneho. Hmmm. Masubukan nga.

***

On our way to farm, she’s right. Maganda ang lugar. Maraming magandang views. Tsaka di na rin masyado mainit. Nagstop-over kami sa isang resto para kumain.

*CLICK*

*CLICK*

*CLICK*

Good shots!

Pagkatapos naming kumain. Balik ulit kami sa biyahe. Hindi na ako nakatulog kasi ang ingay niya! As usual. Kumakanta pa! Buti naman di kami nabangga. Well, marunong naman talaga siya mag-drive. Nakakatakot nga lang. Ewan rin kung bakit. HAHAHA. Di lang ata ako sanay.

“Andito na tayo” Sabi niya nung nakarating kami sa isang farm na mukhang resort rin ata. “Buti naman. Pagod na ako” Tapos bumaba na ako at iniwan siya. Hahaha!

“Napagod ka diyan eh ako na nga ang nag-drive eh” Sigaw niya habang hinahabol ako. Iniwan ko siya para bitbitin lahat ng gamit namin. Hahaha! Buti nga sa kanya. SIya kaya nag-suggest na pumunta kami dito. Paano niya naman kaya nalaman ang lugar na ‘to. Psh!

Tiningnan ko siya ng masama “Eh sa hindi po ako nakatulog dahil sa ingay mo!”

“Hahaha. Sorry naman” At nag-peace sign pa. Pa-cute. Tinalikuran ko na lang siya habang hirap na hirap siya kargahin gamit namin. Nung nakarating ako sa lobby, I asked for two rooms pero isa na lang daw ang natira. Tss! Para lang eksena sa movie na kailangan magsama ang babae at lalaki sa iisang kwarto! Psh! Asa pa siyang pagnasaan ko siya. Isang malaking EWWW!

Those Days in VeniceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!