Chapter Sixteen: JEALOUSY♛

614 39 17

CHAPTER 16

“Jealousy is another form of love”

MY PRINCESS’ Point of View:

Nauna akong magising kay My Prince at gaya ng dati, ginawa ko ang aking morning routine. Ano iyon? Hahaha! Secret na lang muna iyon. Bumangon na agad ako para sana maghanda ng breakfast in bed for My Prince. Pero nung magluluto na sana ako “Hala! Nakalimutan ko sabihan si My Prince na wala na palang stock ng pagkain. Tssk”

Bumalik ako sa kwarto para sana yayain si My Prince na mamalengke pero I saw how calm his face is nung natutulog siya. Lumapit ako to see him closer then I touched his eyebrows, traced his nose and *chup* also stole a kiss from him “Ako na nga lang mag-isa mamimili” I said habang tumatayo. Parang nakakakonsensya naman kasi na gisingin pa siya sa sarap ng pagkakatulog niya.

Lumabas na ako ng bahay and made my way papunta sa palengke. Dahil di naman kalayuan ang palengke, nakarating agad ako. One ride lang naman ito galing sa villa eh. Nag-bus na lang ako para makamura na rin ‘no. Naglilibot-libot ako sa palengke para mamili ng sariwang karne at prutas

“Umm..Teka, mukhang mahilig si My Prince sa saging ah” Naalala ko nung nakakita ako ng saging na naka-display. Naisip ko na rin na bilhin iyon. Pumunta na rin ako sa meat section para makabili na rin ng karne at isda.

Nung mabili ko na ang nasa listahan ko, chineck ko ang mga nabili ko to make sure na wala na akong nakalimutan “Isda, karne, saging, apple, bread…OKAY! Kumpleto na!” (〃^∇^)ノ

PRINCE DELA ROSA’s Point of View:

DINGDONG…DINGDONG…DINGDONG…

Parang huminto na ang puso ko sa pagtibok nung marinig ko may nag-doorbell. Sana maging invisible na lang ako!! Sana kainin na lang ako ng lupa!!! Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko para lang makalusot sa maaring mangyari.

ರ_ರ

“Umm..Prince” Jackie stretched her arms nung magising siya sa ingay ng nag-dodoorbell “Why don’t you open the door?” Sabi niya habang nanigas na ang katawan ko sa takot.

“A-Ah..E-Eh..O-Oo..” Tumayo ako ng dahan-dahan papunta sa pinto. ***t! Bakit ako kailangan magbukas?! Pwede naman si Jackie ah! ASAAAR! Think Prince! Paano ko lulusutan ito!!!

Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahan hinahawakan ang doorknob. Para hindi na ata ako humihinga! At iyan na, iniikot ko na ang doorknob at bumukas na ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa taong sumalubong sa akin.

“Food delivery sir”

〴⋋_⋌〵

WOAAAAAAAAAAAHHHH! Nakangiti pang sabi nung delivery boy! Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa nilalang na ito dahil halos patayin niya na ako sa kaba o matutuwa ba ako dahil hindi si My Princess ang dumating! Nakatitig lang ako sa lalaking hindi ko maipaliwanag ang pagmumukha.

“Oh, thanks! Here’s the payment” Narinig ko na lang si Jackie mula sa likuran ko saka pa ako nakabalik sa tamang huwisyo!! “Are you fine Sweety? Kanina ka pa tulala eh” Jackie asked as she closed the door. Ngayon ko lang naisip na para pala akong timang na nakatayo lang sa harap ng pinto. Tss! Asar lang talaga!

“A-Ah..Oo! I’m fine” Saka ako ngumiti na papilit. Kayo ba naman kabahan na mahuhuli ng girlfriend niyo na may kasamang iba! Tss! Hindi naman ako guilty eh. Ang hirapa lang ipaliwanag kapag nakita kami ni My Princess. Baka hindi siya maniwala sa paliwanag ko. Pero teka, bakit hindi pa ba siya bumabalik? Ang lapit lang naman ng palengke ah. Baka may nangyari na sa kanya!

Those Days in VeniceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!