Nandito na kami sa McDo. Pagkapasok na pagkapasok….

Nakita ko si Ces, umo-order sa counter kasama si Karl.

Ang saya nila tignan. Sa unang tingin, aakalain talaga na mag-boy friend sila. Aakalain nga ba? Eh, baka nga sila na?

Leshe ka Cecilia. Kagabi lang, tinanggap ko apology mo. Kagabi lang, ang sweet sweet natin. Kagabi lang.. Psh -______-

“Evo, wait. Di ba you just told me na best friends sila? Huwag ka muna mag-isip ng kung ano, please?” –Bridge. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. Pero, damn ang sakit Makita sila na ganoon. Di ko mapigilang mag-isip ng kung ano, eh. Tapos nagsabihan pa kami ng mahal namin ang isa’t isa kagabi.

Naka-estatwa na lang kami ni Bridge dun.

Maya-maya bigla nang hinawakan ni Karl yung kamay ni Ces. Tapos na sila umorder at magbayad. Mukhang niyaya niya lang maghanap ng table si Ces tapos kailangan with matching hawak ng kamay pa???

“Evo, please wag ka muna mag-isip ng kung ano, ah?“ Ang lakas talaga ni Bridge sabihin iyan sa’kin. Shete. Alam ko namang nasasaktan din siya ngayon kasi mahal pa nga niya si Karl. Dapat ako ang magco-comfort sa kanya eh >__<.></.>

And boom! They saw us. Naka-akbay pa rin ako kay Bridge while magkahawak-kamay din naman sina Karl at Ces.

Sandaling tumahimik but I managed to break the silence.

Naglakad na kami ni Bridge papunta sa kanila.

“Oh. Ces??” Bakit parang nag-iba aura niya?

CES’ CORNER

“Oh, Evo.” And I managed to have a fake smile. Bakit ganito? Kagabi lang ang sweet sa’kin ni Evo tapos ngayon, mukhang kay Bridge naman siya sweet >__<.>

Sinabihan na nga din niya ko na mahal niya ko, tapos sinabi ko din sa kanyang mahal ko siya. I feel like crying pero no. I have to be strong. Tsaka.. akbay lang yun, Ces di ba?

 “Bridge! Katatapos lang ng klase niyo?” And may tiwala din ako kay Bridge. Siya pa nga nag-assure sa’kin na mahal ako ni Evo, eh. Kaya Ces, wag muna mag-isip ng kung ano-ano, okay?

Bigla niyang inalis yung pagkaka-akbay sa kanya ni Evo. “Yup. Ces.. Ano kaya kung magsabay-sabay na tayo? ^___^ Tara, hanap na tayo ng table!”

“Evo, ikaw na lang umorder ng akin. Alam mo naman yung favorite ko kainin dito di ba?“ Ouch. Alam daw ni Evo :

Naghanap na kami ng table ni Bridge. Tapos konting kuwentuhan. Siya lang nga halos ang nagkukuwento. Ayaw niya siguro maging awkward yung aura namin.

Sa wakas, dumating na yung dalawa. Tumabi sakin si Karl while Evo kay Bridge naman. Sht. Nagseselos ako >///<.></.>

Nagsusubuan pa ng fries yung dalawa. It was just like, Heller? Andito kami ni Karl! Kasama niyo kami!!

“Uhmm, Bridge!” Di ko na keri hindi magsalita.

“Si Karl nga pala, best friend ko.” Patuloy ko.

“Ah, yep. Nakuwento na siya sakin ni Evo and.... we already know each other naman talaga.”

“Eh?” Ay, oo nga pala. Si Bridge yung nakuwento sakin ni Karl na supposedly fiancé niya. Pero, nagkunwari na lang akong hindi ko alam sa harap nila Evo at Bridge.

“Ces, wag ka na masyado madaming tanong! Di mo na naman mapigilan yang kakulitan mo eh, no?” –Karl . Tapos, kinurot niya pa yung magkabilang pisngi ko.

“Ang sweet niyo, ah.” –Evo. If I know, nagseselos na naman baby ko!

(see reaction of Karl at this moment. xD on the right --> )

“Selos ka na naman?” Haha! Aasarin ko uli ito tapos baka mamaya sweet na naman kami sa bahay :D

“At sino nagsabi?” Ang cold ng boses niya T^T

“Hey, Evo.”

“You know, Bridge. I think we have to go. Ang sabi ko sayo icocomfort kita. Alam ko namang nasasaktan ka din diyan sa loob-loob mo.” I’m sorry, Bridge : ( I feel sorry for her na, nakikita ko nga ding nasasaktan siya sa tuwing tinitignan niya si Karl yun ang sinasabi ng mga mata niya.

“Bridge! I’ll call you later ;) “ pahabol ko bago pa sila umalis.

“Sure, Ces.”

At umalis na sila. Bakit ganoon si Evo? Oo, nasasaktan si Bridge pero di ba niya napapansing nasasaktan din naman ako?

“Hayaan mo na sila, Ces.” –Karl.

“Ikaw! Ikaw may kasalanan, eh. Mabait naman si Bridge ah. Maganda din tapos matalino pa. Bakit ba hindi na lang siya mahalin mo?” Sorry, Karl mukhang ikaw mapagbubuntungan ko ;< .

“Hindi ganun kadali iyon, Ces. Kung paaasahin ko lang din siya, masasaktan at masasaktan din siya sa huli. Kaya habang maaga pa, hindi ko na dapat siya paasahin.”

“K.” -____-

“Alam kong nasasaktan ka.”

“Alam mo naman pala, eh.”

“Ano ba. Huwag nga ako ang pagbuntungan mo. Tss.” Asar na siya.

“Sorry.”

“Mahal mo talaga ‘no?”

“Oo,eh.”

“Hm, kita namang nagseselos siya sa atin.“

Natuwa naman ako dun ^__^ Tama ako sa hinala ko.

All of a sudden, nabigla na lang kami ni Karl nang nasa harapan na pala namin si Evo.

“Oh? Evo?Bakit nandito ka? Nasaan si Bridge?“

“Nagpasundo pala siya. Nakasalubong namin yung sundo niya tas ayun umuwi na siya.”

“Eh? Tapos? Ano’ng ginagawa mo dito?”

“UUWI NA TAYO!”

Tapos bigla na lang niya ko hinatak paalis dun. Hay, naiwan ko si Karl dun. Te-text ko na lang mamaya.

 --- VOTE, FAN, COMMENT, RECOMMEND :))

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceWhere stories live. Discover now