♚ CHAPTER 6 ♚

4.1K 42 16
                                    

READ. VOTE. COMMENT. SHARE.

He's The Boss -  Chapter Six  |  Copyright © 2015 by MzPretentious


CHAPTER SIX

ISANG LINGGO na ang nakalilipas simula ng kupkupin ako ni James. Magaling na ako at maayos na rin ang aking pakiramdam. Actually, over-fatigue lang naman ang dahilan kaya ako nahimatay ng araw na yun. Ayun sa kaibigan ni James na siyang doctor na tumingin sa akin, dala lang daw iyon ng sobrang pagod at nangangalam na sikmura. Idagdag mo pa yung stress na dulot ng aksidente at ang pagkamatay ng aking mga magulang, at lalong-lalo na ang pagsakop ni Tito Miguel ng korporasyan ni Daddy.

Sobrang naging maalaga sa akin si James noong may sakit pa ako. Yun nga lang, medyo napa-sobrahan ata siya. Naging sobrang OA talaga siya sa pag-aalaga sa akin. Hindi na niya kasi ako hinayaang umalis ng kama hanggang hindi pa raw ako magaling. Todo alalay pa siya sa akin kapag kailangan kong pumunta ng banyo. Sinusubuan niya rin ako kapag oras na ng pagkain. 

He was treating me like I'm fragile and breakable the whole time. Which, in all truth, I was. But I was just too damn stubborn to admit it.

But in a sense, he was actually pretty sweet.

"Clara? Are you ready sweetheart?" rinig kong tanong ni James mula sa labas ng kwarto kasunod ng kaniyang pagkatok.

"I'm almost done!" sagot ko habang mabilisan na sinusuklay ang mahaba kong buhok.

Aalis kami ngayon ni James. After a few weeks, I can finally leave his apartment and face the world. Sa wakas ay natanggap niya na rin ang mga salitang "okay na ako" at hahayaan na niya akong lumabas.

Since it's Sunday, we've decided that we're going to church. I wanted to pray for the souls of my family at gusto ko na din magpasalamat sa Panginoon sa pagpapadala niya kay James sa akin sa oras na kailangang-kailangan ko ng karamay at taong magbibigay sa akin ng kaalwanan at suporta.

"I'm ready to go!" agad akong sinalubong ni James pagkabukas ko pa lang ng pinto.

"Wow. You look absolutely beautiful." pagpupuri niya.

My face immediately heated up. Sigurado akong mapulang-mapula na yung mga pisngi ko. I'm not even wearing something really nice - just an old, simple, white Sunday's best and a pair of baby pink flat shoes.   

"Thank you. You don't look bad yourself." sagot ko naman. 

'You don't look bad yourself' was probably the understatement of the year. Napaka-gwapo tingnan ni James kahit na nakasimpleng dark blue polo at jeans lang siya.

Oh my gosh! I should probably stop ogling at him before he notices.

Marahan niya akong hinalikan aking pisngi at iginaya palabas ng bahay. Nang makarating kami sa parking lot, ipinagbukas niya ako ng pinto ng kaniyang sasakyan. Siya na rin mismo ang nagkabit ng seatbelt ko. 

James has always been the perfect gentleman.

Biglang namula ang pisngi ko ng nginitian niya ako at biglang hinalikan sa pisngi bago umikot papunta sa driver's seat. I've realized that James has a habit of kissing my cheeks. It was a really sweet gesture that made my heart beat really fast.

Pagkatapos ng misa ay dumaan muna ako sa chapel para magdasal. James said that he will just wait for me outside. Okay lang din naman sa akin kasi gusto ko rin mapag-isa habang nagdadasal. Medyo naiyak ako habang nagdadasal noong nagdasal na ako para sa kaluluwawa nina Mommy, Daddy at kuya Kristopher.

Sinalubong kaagad ko ni James pagka-labas ko ng chapel.

"Hey. Are you okay? Were you crying?" tanong kaagad ni James noong nakita niyang mapula at namamasa ang aking mga mata. 

He's The Boss [EDITING]Where stories live. Discover now