"Seif." narinig kong sabi ni Feur. May umilaw naman sa gilid niya, lumabas ang isang malaking Card at nagulat nalang ako ng humiwalay ang Joker mula sa Card.

"Seif. Seif. Seif. HAHAHA. Nandito na si SEIF!!HAHAHA!" Paulit ulit na sabi ng Joker. Huminto naman sya at tiningnan kami. Nakakapangilabot ang tingin niya.

"Guardian." sambit ni Keisler.

"Pyon." sabi pa ni Feur. May dumating naman na isang maputing babae. Nakasalamin ito at kulay kahel ang buhok. Nakaskirt at sando lang sya na hapit sa katawan. Tulad rin ni Feur, nakakapangilabot rin itong nakangisi samin ni Keisler.

"Protector." nadinig kong sabi ni Keisler. Binalingan naman niya ako ng tingin. "Ano na? Kailan ka magdedesisyon? Sumusunod lang ako sa utos mo Asper. Kung tatakbo ka, tatakbo rin ako. Kung lalaban ka, tutulungan kita."

Napalunok naman ako ng sunod sunod.

DUB DUB DUB DUB.

Ano ng gagawin ko?

Susugal ako?

Paulit ulit kong tiningnan si Keisler at ang tatlo na nakangisi samin.

Ano na Asper? Tatakbo ka nalang ba ulit? Ano nang gagawin mo? Bilisan mo! Wala ng oras!

Shit! Think!

Kinuyom ko ang kamao ko at tiningnan ng diretso si Keisler.

"Magtitiwala ako sa'yo, gamitin mo ang lakas ko at susubukan kong tawagin si Rave." diretsong sabi ko. Napangisi naman si Keisler.

In a defensive stance, pumunta si Keisler sa harap ko.

Hinawakan ko naman ang isang singsing na nasa kwintas at ipinikit ko ang mga mata ko. Sana naman.

Huminga muna ako ng malalim at tinawag ang pangalan niya.

"Rave."

Umilaw naman ang singsing. Naghintay kami ni Keisler ng ilang sandali pero makaraan ang ilang minuto, Walang Rave na dumating.

Nakita ko namang ngumisi si Feur. "Two on three? Hmm." sabi pa niya. Naikuyom ko naman lalo ang kamay ko. Bahala na.

Tumabi ako kay Keisler na syang kinagulat niya. "Asper?"

"Kung lalaban ka, dapat lumaban din ako." i said through gritted teeth.

Nagulat nalang ako ng umulan ng baraha. Naging maagap naman si Keisler at ipinaikot ikot niya ang staff na hawak niya, napunta naman sa iba't ibang direksyon ang mga baraha.

Suddenly, nakaramdam ako ng isang malakas na atake, partikular sa tyan ko. Tumalsik ako ng ilang metro mula sa kinakatayuan ko.

"Asper!"

"Shit!" i cursed as i receive that blow. Galing sa handle ng arnis ng babae. Arnis pala ang weapon niya at ang bilis niya, hindi ko nga napansin ang paglapit niya samin.

Halos hindi ko na maitayo ang paa ko, at hindi ko na rin maigalaw ng maayos ang katawan ko dahil sa sakit. Hindi naman makalapit si Keisler dahil inaatake rin sya.

Ha. Ha.

Hinihingal na ako.

Ha. Ha.

Ang bilis kong manghina. Kinakain nga talaga ni Keisler ang lakas ko. Damn!

Nakita ko namang papalapit sakin ang babaeng kulay kahel ang buhok. Nanginginig man ang paa ko ay pinilit ko pang tumayo, luckily nagtagumpay naman ako.

Hindi ako susuko sa isang to.

*Vlad's POV*

Shit!

Lost Academy Onde histórias criam vida. Descubra agora