Bigyan mo ko ng pamagat

648 20 6
                                    


Kamusta na mahal ko? kilala mo pa ako? Oo alam ko ako ang iyong mundo. 

Tama yun nga ang alam ko, 

pero bakit sa iba kaibigan mo lang ako?

 Oo alam ko, 

maraming hadlang na tila Romeo and
Juliet.

Pero kahit ganun, 

bakit kailangan paulit ulit? 

Paulit ulit na tinanggi. 

Paulit ulit na ako lang ang may alam. 

Ako lang ba ang nagdamdam? 

Sabi mo hindi, pero hindi ko ramdam. 

Wala ang init,  na kahit sa salita ay hindi ko madama. 

Sabihin mo sakin, 

sapat na ba ang nararamdaman ko para kilalanin kung ano ang meron tayo? 

Maaring sapat pero di maiiwasang isipin na nagkulang. 

Patawad. 

Sana naman katulad ng isang akda, wag mo 'kong gawing bata. 

Hindi ako bata, na hindi alam kung ano ang tama.

Bigyan mo ko ng pamagat ng sagayon may panghahawakan ako.

 Bigyan mo ko ng pamagat na kikilala sa nararamdaman ko. 

Sa kung anong meron ang tayo at ako.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now