"Talaga lang ha? Bakit Ley, susuwayin mo ang utos ng Council alang alang sa kapakanan ng babaeng yan?"

The Council i think, is an organization at tinatago yun, kasi kung hindi sya tago, eh malamang lahat ng estudyante ay binabanggit na yun ngayon. Narinig kong sinabi nilang Council, so there is a high possibility na lahat sila sa kwartong yun ay miyembro ng Council na sinasabi nila. Even Rave.

But the weirdest thing, kung miyembro nga si Rave ng Council, How on Earth na parang wala syang alam tungkol kay Euria?! Damn. My brain is throbbing.

Nagsimula na akong maglakad ng wala sa sarili. Masyado occupied ang isip ko para pansinin pa ang dinaraanan ko.

If Clynn and Shaun are part of the Council, so malamang marami pang katulad nila ang pakalat-kalat. Shaun is a special class student, Clynn is i don't know, =.= I don't know pumasok lang sya bigla sa room. So kung silang dalawa ay part ng Council, di malayong may katulad rin nila sa Lower Class or particularly, kakilala ko. Shit.

If Shaun Perez is part of Council baka pati rin si Ash Tyler Gillo ay isa rin sa kanila, tapos kapatid niya pa si Ashley Gillo so baka part sila ng Council at bestfriend naman niya si Kayle Dizon. Maybe Nikki Sanders too or si Presto Estrella.

Lahat nalang ng kakilala ko paghihinalaan kong part ng Council?! Pero hindi na rin ako sigurado kung kilala ko ba talaga sila. I mean, this past few days parang may iba iba silang ginagawa eh kaya minsan solo flight nalang ako at ang kadalasan ko ng nakakasama ay sina Nikki at Ella pero minsan lulubog-lilitaw lang sila.

Natigil ako sa paglalakad ng may bigla ulit akong naalala.

"Nga pala, tandaan mo isa ka sa TATLONG taong nakakasaksi ng pangyayari ngayon... Kaya mag-ingat ka at wag basta basta magtitiwala... Nandiyan lang ako sa paligid, nagmamatyag sa bawat kilos mo, tandaan mo yan...."

I stiffined as i realize something. Him. That mask guy. Naalala kong sinabi niya sakin na wag basta basta magtitiwala same as Euria. Ito na ba yung sinasabi nila? Hindi dapat ako basta basta magtiwala dahil sa Council? dahil nasa paligid ko lang sila? And what he mean tatlo?

So bale nung araw na huminto saglit ang oras ay hindi lang ang nakakasaksi, tatlo kami.

Isa ako. and just by thinking, yung dalawang yun is either kakampi ko o kalaban, masama o mabuti. Pero Anong kinalaman nun sakin?

O___O No malaki ang kinalaman non. Bakit ngayon ko lang ginagamit ang utak ko?! I've been ignorant for too long and i think its about time to wake up!!

Pinatigil niya ang oras para balaan ako sa mga maaaring sunod na mangyayari but being me, pinagwalang bahala ko iyon. But now, as i realize things mukhang tama nga siya.

I think after the soul link, The Council is already after me. Yung mga insidenteng kinasangkutan ko maybe pakana nila. They want me dead matagal na. Ang hindi ko lang lubos maintindihan ay bakit? Ganon ba talaga kaimportante sa kanila si Euria? to the extent na kaya nilang pumatay para sa kanya. Sa tingin ko'y OO.

Naglalakad ako patungo sa Corridor ng Lower Class. Nasa taas kasi ang mga dorm namin kaya medyo matatagalan pa ako sa dilim. HELLO?!?! Mukhang ala una na ng umaga at heto pa rin ako naglalakad para makatulog na ng maayos but still gumagana pa naman ang utak ko kahit papano.

May assessment pa naman akong haharapin mamayang umaga, since ala una na ng umaga ngayon.Tsk.tsk. tsk. Hinati kasi kami sa dalawang grupo, kanina sila Ella, Ashley, Nikki, at Kayle. Mamaya, kami nila Holey, Krema, ako at Clynn.

Kaya for now, ang pinakauna ko munang gagawin ay kunin yung palm size na orasan na binigay sakin ng mamang nakamask sa DP. Dahil kung kaya nung ibalik sa mosyon ang lahat maaari rin siguro nitong ihinto ang oras kapag nagkaganon, gagamitin ko ang pagkakataon na iyon para mahanap ang dalawa pang taong tinutukoy nung mama.

Dahil kapag nalaman ko kung sino sila madadagdagan nanaman ang mga taong nasa listahang gawa ng utak ko. :]

si Theron, Jared, Eide, Rafael, Caide, Clynn, Shaun kabilang sila sa listahang tinutukoy ko, ayoko mang sabihin pero maging si Rave man ay kabilang. Listahan kasi yan sa mga taong alanganin ako kung pagkakatiwalaan.

Pati sina Ashley, Ash, Kayle, Nikki, Presto, Ella rin ay alanganin narin ako, ewan ko ba pero napaparanoid nako at mukhang nagkakaroon nako ng trust issue. Mga tinuring na kaibigan ko pa man din sila. T.T Mukhang lahat naman ng kakilala ko parang pinaghihinalaan ko na. Sino nalang ang pwede? Syempre, sarili ko lang.

Hahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdanan patungo sa taas ng may maramdaman akong kakaiba sa paligid.

And as if on cue, Humarap ako sa likod. Naging alerto naman ako sa kung ano man ang nagtatago sa dilim. "Sino yan?" kinakabahang tanong ko. Nagulat nalang ako ng may nagliparan na cards patungo sa direksyon ko. Nakaiwas ako pero nadaplisan ako sa may braso.

O___O Ang talas ng cards. Mabuti nalang at medyo mataas ang pain tolerance ko kaya di ako tulad ng iba na daplis lang nagsisigaw na agad. May tumulo namang dugo mula sa sugat na gawa nung cards na hindi pagkaraniwan. Lumubog nga ang ilan sa hagdan. Shit.

"Sino yan?!" tanong ko. Medyo malayo pa ako sa dorm at walang ibang tao sa paligid. Mahihirapan akong humingi ng tulong.

"HAHAHAHAHA." Nagulat ako ng may biglang tumawa at mula sa dilim ay may bahagya akong naaninag na pigura. "Alam mo nababagot nako kakapanood sa'yo sa malayo."

Habang tiningnan ko sya ay dahan dahan akong umaatras patungo sa ilaw. Yung parang ilaw sa lampshade na nakakabit sa bawat sulok ng corridor? Dumikit ako sa dingding at nasa may taas lang ng ulo ko ang ilaw. Naglakad naman palapit sakin ang pigura, mga isang metro nalang ata ang layo namin nung nakita ko siya nakangisi na.

Bloodshot eyes and weird hairstyle. Sino sya?

"Hihihi. Pano mo nga pala naiwasan ang atake nung isang estudyante sa field? hihihi." Hamagikgik naman sya ng tawa. Nakakakilabot parang si Rave lang nung napossess!

Nanigas naman ako sa sinabi niya. What field? O__O! Ang araw na. Wait. Yung araw na aatakihin na sana ako ng isang estudyante dahil nawalan sya ng restraint? pero hindi natuloy kasi pinahinto ang oras?!

"T-teka anong ibig mong sabihin? May kinalaman ka don?!" matapang na sabi ko kahit na alam kong natatakot na ako.

"Hahahaha. Matalino ka naman pala eh." tawa niya pa pero huminto naman ang tawa niya at tiningnan ako ng matalim. "Kaya nga lang nakakabagot na." sabi niya at tinapunan naman niya ako ng mga baraha, mabilis naman akong nagtatatakbo palayo pero mung lumingon ako sa likuran ay nandon siya di parin siya humihinto sa pagtatapon ng cards na lumulubog lang sa pader. Kailan kaya yan mauubos?!?!

Lumiko ako sa isang junction patungo itong West Wing at hingal akong huminto.

"SINO KA BA HA?!" sigaw ko. Narinig ko naman ang yapak niya. Medyo faint kaya alam kong malayo layo pa sya.

"Hahahaha." Narinig ko naman ang nakakapangilabot niyang tawa. Sunod sunod akong napalunok, hinanda ko naman ang sarili ko sa pagtakbo.

"Sige pagbibigyan kita, sasagutin ko ang tanong mo.. Hahaha." Sabi niya pa.

Wait. If i can make it to the forbidden zone. Maaari akong makahingi ng tulong. Hindi kasi kami makakapag-usap ni Euria. Tulog siya at alam kong pagod na pagod na sya. Ayoko ng dagdagan pa ang pagod niya. Maybe I could find a way.

Kailang kong mag-isip. Kung tatakbo ako sa North Wing malaking posibilidad na tatamaan niya ako ng mga cards na tinatapon niya. Damn. Nasa South Wing sya, kaharap nito ang North Wing. Ako sa West Wing, kung tatakbo ako ng diretso dito sa West Wing DeadEnd na, Sa dulo kasi ang cafeteria at sirado yun sigurado ako. And that leaves me East Wing, kaso nandon ang DP. Tsk. Wala na akong choice!

Narinig ko ang yapak niya papalapit na.

Huminga ako ng malalim. 1...2-

"I'm the Card Master, Feur Amahori... Pleasure to meet you." O___O Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumitaw sa harap ko hawak hawak ang isang card sa kamy niya at handa na itong itapon sakin. And as if on impulse, i did what my instinct is telling me. Run.

************

Oops! Cliffhanger muna. Sorry kung di sya ganon kahaba at masyadong bitin, may purpose naman eh. Sa susunod na update, may intense na ang mangyayari kaya kailangan kong pag-isipan ng mabuti. ^^ Salamat.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon