Paano na?

161 11 4
                                    

Edward's POV

Kakalabas lang namin ng hospital ngayon, kakadischarge lang kasi ni Kisses sa hospital dahil sa flu nya. Hay, nag aalala talaga ako sa kondisyon nya, hindi ko talaga maiwasan eh.

"Hon? Bakit ganyan mukha mo? Mukhang namatayan ka dyan ah.." Sabi ni Kisses, hay nako. Nahahalata nya na pala na nag aalala ako.
"Ah..Hon...Kain tayo? Balita ko may restaurant daw dito. Mukhang masarap! Tara kain tayo dun" pag iiba ko ng topic namin. Hindi ko na alam sinabi ko, bahala na kung saang restau kami makakarating.

Nag lakad lakad kami ni Kisses, nilalakbay yung maldives. Habang sya tumitingin sa mga puno, ako naman hindi mapakali kung saang restaurant ko sya dadalhin. Wala akong alam sa lugar na to. Hay, bakit ko ba kasi sinabi yun?

"Hon, ano na? Nasaan na tayo? Nasaan na yung restaurant? Hon nagugutom na ako" patay! Nagugutom na sya..paano na to?
"Wait lang hon ha?" Sabi ko at tsaka ako nag tanong kung saan may malapit na restaurant dito.

"Excuse me, sir? Where is the restaurants near here?" Tanong ko
"Ohh..Restaurants? Just turn left" sagot sakin.
"Thanks man"

Tumakbo na agad ako kay Kisses at pinuntahan na namin yung sinabing mga restaurant daw dito.

Habang nag lalakad kami papunta dun sa sinabing restau, biglang may nakakuha ng pansin ni Kisses. Isang batang umiiyak.

"Hon..tignan mo sya oh..halika tulungan natin" sabi nya sakin sabay hatak papunta dun sa bata.

"hey kid, what happened? Where is your mom?" Tanong nya.
"........" Walang sagot yung bata.
"Hey listen, we're here to help you" mukhang desidido talaga si Kisses na tulungan yung bata. Hindi talaga ako nagka mali ng pinakasalan.
"Im...hungry" sabi ng bata.

Bigla namang napatingin sakin si Kisses

"Oh..right. Come with me" sabi ni Kisses. Tsaka nya hinawakan yung kamay ng bata.
"Dont be scared. Im here" sabi nya. Hay, napakabait talaga ng asawa ko.

"Ah hon..saan nga pala yung restaurant na sinasabi mo?" Patay..naalala nya pa yun?
"Hon, turn left daw" sagot ko habang kinakabahan ng sobra.

Naglalakad lakad kami hanggang sa may nakita akong mga restaurant. Baka dun na yun!

"Hon! Dun oh!" Sabi ko kay Kisses at tsaka ko tinuro yung direksyon kung nasaan yung mga restaurants.

Pumunta na kami dun at sobra akong namangha sa dami ng restaurant dito. Sobrang dami talaga! Nagugutom pa kaya yung mga tao dito? Hahahaha.

"Hon, dun na lang tayo oh" sabi ko.

Pumasok na kami dun sa restau.

"Good Morning Maam, Sir. Table for?" Tanong samin nung waitress
"2" "3" sabay na bigkas namin ni Kisses.
"Uhm..sorry? Maam?"
"Table for three, ms." Sabi ni Kisses.

"Ano ka ba hon, nakalimutan mo naman yung bata" oo nga pala, may kasama pa pala kami.

"Alright Maam, this is your table"
"Thank you"

Umupo na kami at umorder. Hay, sana naman masasarap pagkain dito. Kung hindi lagot ako! Ayan kasi Edward, imbento pa. Paktay talaga ako nyan kay Kisses!

******************************
Hope you enjoy reading!!

Note: Hi Pans! Kamusta na? Matagal tagal na rin since nung last kong update ha. May readers pa ba ako? Kung meron pa, just comment "KissWard💛" Yun lang for today, see you sa next kong update!

- Author💓

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon