Ikaw?!

230 12 1
                                    

Kisses' POV

On the way na kami papunta dun sa abandoned house na sinasabi ng mga pulis. Kasama ko sila Kuya Tanner,Kuya Tyler,Ate Cora and Of course, yung mama ni Edward. Habang papalapit kami ng papalapit dun sa abandoned house lalo akong kinakabahan. Di ako mapakali kaya kinausap ako ni Kuya Tyler.

"Kisses, kalma ka lang ok? Walang masamang nangyari kay Edward." Sabi nya sakin
"Sana nga kuya, sana." Malungkot kong sagot.

Nandito na kami sa harap ng abandoned house. Hindi man lang kami makapasok dahil ayaw naming makitang nahihirapan si Edward. Pero ako na yung unang pumasok dahil gustong gusto ko na sya makita, sana nga nandito sya.

Napaka tahimik ng lugar na to hanggang sa may narinig kaming sigaw. Sigaw na alam namin na mula kay Edward. Kumaripas ako ng takbo pero hindi ko na alam kung saan na nanggaling yung sigaw na yun.

Maya maya may narinig ulit kaming sigaw. Kaya sinundan namin yung sigaw na yun, hanggang sa may nakita kaming lalaking puro sugat,pasa at dugo sa katawan. Sira sira na din yung damit nya hanggang sa may naalala ako. Yung damit na suot ng lalaki yung damit na suot ni Edward nung araw na nawala sya.

Dahan dahan akong lumapit dun sa lalaking yun para malaman kung sya nga si Edward.

Tama ako. Si Edward nga to. Bumuhos yung luha ko na parang wala ng hanggan. Agad ko syang sinandal sa pader tsaka niyakap ng sobrang higpit. Hindi ko namalayan na gising na pala sya.

"Ki-ki-sses?" Ugh.. Namiss ko yung boses nya. Huhuhuhu
"Oo Edward, nandito na ako. Nandito na yung prinsesa mo"

Hindi pa makalapit yung mama ni Edward dahil shock na shock sya sa mga nangyari kay Edward. Habang ako naman halos hindi na mahiwalay kay Edward.

"Edward...sorry"

Hinawakan nya yung mukha ko sabay sabi..

"Wala kang kasalanan, my princess" naluha ako sa sinabi nya.

Inalalayan ko sya sa pagtayo at pinipilit nya rin namang tumayo kahit na alam kong sobrang sakit ng buong katawan nya ngayon.

Habang nasa leeg ko ang braso ni Edward dahil inaalalayan ko nga syang tumayo bigla akong may narinig na pumapalakpak. Lahat kami napalingon kung sino yun.

"Wow naman!! Ang galing nyo mag hanap! Nice! Pero wag muna kayo magdiwang ngayon" nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang familiar nung boses na yun

"Marco?!"

"Ako nga to! Baby!"
"Walang hiya ka!! Akala ko ba ok na?!" Sigaw ko sa kanya
"Sa tingin mo ganun kadali mag move on!? Ha kisses!!?"
"Marco sorry! Wag mo tong gawin kay Edward!!" Sigaw ko kay Marco
"Sorry din Kisses, pero kailangan nyo ng mag sama ng mga lolo mo sa langit!"

Sabay tutok ng baril sakin ni Marco

"Marco, don't do this. Pls" pakiusap ko kay Marco

Nginitian lang nya ako sabay sabing "Bye" at saka nya pinaputok yung baril. Pero niyakap ako ni Edward kaya sya nabaril imbis na ako.

"Edwaaaaaaaard!!" Sigaw ko

Habang si Edward naman bumagsak na sahig.

Yung mama naman ni Edward sinampal ng malakas si Marco sabay sabing "walang hiya ka!!"

"Edward, edward. Pls, wag kang matutulog ok? Lalaban tayo ok? Edward pls! You can do this ok? Kuya tumawag ka ng ambulansya! Edward pls wag kang matutulog. Ikakasal pa tayo diba? Edward lumaban ka! Matapang ka Edward!!" Sabi ko

Nandito na yung ambulansya, sinakay na din si Edward dun. Habang si Edward naman, nag aagaw buhay.

"Edward pls lumaban ka. Doc pls gawin nyo yung lahat makasurvive lang sya. Driver pakibilisan naman po yung pagdadrive parang awa nyo na po." Pakiusap ko

Si Edward, hinimatay na. Kaya tumulo na naman yung mga luha ko.

"Edward, edward! Pls gumising ka! Doc pls gisingin nyo po si Edward! Edward!!! Gumising ka!"

Nandito na kami sa hospital, agad namang dinala si Edward sa surgery room.

"Ms, sorry hanggang dito na lang po kayo" sabi sakin nung nurse
"Pls. Gawin nyo po lahat. Buhayin nyo po si Edward."

Hindi ko na alam gagawin ko kaya naupo na lang ako dun sa may upuan sabay yakap dun sa mga kuya ko.

Pagkatanggal ko ng yakap kay kuya nakita ko naman si Marco. Kaya agad ko syang nilapitan at sinampal ng sobrang lakas. Hindi sya makaimik sa sampal ko.

"Sorry Kisses"

Hindi ko na sya pinansin at umupo na lang ako ulit para maghintay dun sa surgery ni Edward. Habang nag hihintay ako, hindi ko maiwasang tumingin kay Marco. Umiiyak sya, mukhang pinagsisisihan nya yung ginawa nya.

*******************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon