Baby boy?!

169 11 3
                                    

Kisses' POV

Ilang weeks na lang, kasal na namin ni Edward. And I can't wait for that day anymore!! Sobrang naeexcite na ako! Sino ba namang hindi excited na ikasal sa taong mahal nila diba?

Ngayon, nandito lang kaming dalawa ni Edward sa condo. Nanonood ng Insidious 3. We like horror movies kasi. BUT! Sa aming dalawa, ako yung pinaka natatakot. Kahit gustong gusto ko ng mga horror movies, matatakutin talaga ako. Ang weird no? Hahaha.

"WAAAAAHH!!" Sigaw ko sabay takip ng mata.
"My Princess, don't be scared"
"Paano ba naman ako hindi matatakot ha Edward?!"
"Kasama mo ako, chill ka lang" sabay akbay nya sakin.

Eto talaga! Kahit saan or kahit anong mangyari basta may gawin lang syang nakakakilig talagang mawawala yung takot or lungkot ko. The best talaga sya!!

(After ng movie)

" *sighs* " deep breath ko.
"Bakit parang ang lalim naman ata nun?" Sabi ni Edward
"Nawala na kasi yung 100% na takot ko. Tapos na yung movie eh." Sagot ko naman.
"Ganun? Haha"

Habang nag liligpit ako ng bahay, bigla namang nag yaya si Edward mag mall.

"Kisses?"
"Bakit?"
"Mag mall kaya tayo. Since wala naman tayong ginagawa dito"
"Sure,wait lang palit lang akong damit."

Habang nag papalit ako ng damit bigla akong napaisip.

Bakit kaya nag yaya si Edward sa mall? Eh tuwing ganto laging ako yung nagya yaya. Hmm.... Baka may kailangan lang syang bilhin or anything.

"I'm done" sabi ko kay Edward
"Wow, you're so beautiful. Let's go!"

Tsaka nya inalok yung kamay nya sakin para makipag holding hands.

Habang nag lalakad kami sa labas ng condo namin. I mean sa hallway, bigla naming nasalubong yung janitor nung floor na yun.

"Good Afternoon po Mam and Sir" bati nya samin
"Good Afternoon din po Mang Jo." Sabi ko naman.

"Ang bait ni Mang Jo no?" Sabi ni Edward
"Oo nga eh. Sobra. Alam mo nga tuwing nakikita ako nyan. Kahit 100 times kami magkita sa isang araw 100 times nya rin ako babatiin." Sabi ko.
"Yeah. Me too." Sagot nya.

Nandito na kami sa parking lot ng building.

Nahanap na namin yung kotse ni Edward at agad naman nya akong pinagbuksan ng pinto. How gentleman...

Habang nag dadrive si Edward, hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Kaya naman hinawakan nya yung kamay ko.

"Babe?" Tawag ko sa kanya.
"Oh?"
"Uhm....."
"Bakit may problema ba?" Sabi ni Edward.
"Pwedeng bumili tayo ng ice cream.?"
"Sure"

Dumaan kami dun sa 7/11 para lang bilhan nya ako ng ice cream. Grabe! Nag cecrave kasi ako. Kaya ayun, nag pabili na ako. Hehe.

...............................

Nandito na kami sa mall ngayon. Nag lalakad lakad lang at habang nag lalakad kami, may kumuha ng pansin naming dalawa.

Isang shop na ang tinitinda ay puro pang mga baby.

Tinitigan namin yung shop na yun.

"Soon" sabi ko sa isip ko.

Habang tinitignan namin yung shop na yun biglang may sinabi si Edward.

"Tara, merienda tayo"
"Sige"

Nag lalakad kami papunta dun sa pag memeriendahan namin. At akala ko sa food court nya ako dadalhin pero no. Dinala ba naman nya ako sa isang fancy restaurant. Akala ko ba merienda lang? Hay bahala na nga. Maka order na lang.

Kumakain na kami ngayon ni Edward at habang kumakain kami bigla syang may sinabi na hindi ko masyado narinig kaya pinaulit ko.

"Huh? Ano yun Edward?"
"I said I want a baby boy."

Nabulunan ako sa sinabi nya kaya pinainom nya ako ng tubig.

"Are you sure?" Tanong ko.
"Yes I'am. What's wrong with that?" Sagot naman nya.
"Gusto ko kasi baby girl. Pero ok na din yun, basta baby." Sabi ko.
"Haha, ikaw talaga" asar nya sakin sabay pisil nya sa cheeks ko.

Grabe naman tong si Edward! Agad agad? Hahaha. Pero I understand naman din. Tsaka naiintindihan ko din kung bakit baby boy yung gusto nyang maging panganay. Kasi, gusto nya na ipaprotect dun sa panganay yung baby girl. Kaya I understand him. Gusto nya lang na protektahan tong family namin. That's it.

******************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon