Preparing

150 9 0
                                    

Kisses' POV

Nandito kami ni Edward sa condo (lagi na lang) wala kasi kaming magawa and nakakatamad lumabas kasi sobrang init and marami ring tao, so dito na lang kami sa condo.

Sa Friday pa yung flight namin and wednesday pa lang ngayon pero nag hahanda na ako ng mga gamit namin papunta dun sa maldives. Kasi gusto ko lahat organized and prepared. Ayoko yung last minute nag eempake. Ayoko nun, naiirita ako kaya ngayon pa lang nag eempake na ako.

"Edwaaaard!!" Sigaw ko kay Edward.
"Oh bakit?" Sabi nya at lumapit sya sakin.
"Anong dadalhin mong damit dito?" Tanong ko sa kanya.
"Lahat yan." Sagot nya.

What?! Ang dami nyan. Baka mag over yung weight ng luggage namin.

"No, bawasan mo yan. Baka hindi kayanin" utos ko sa kanya and agad naman nya tinanggal yung mga ibang damit na di nya kailangan.

Habang nagtutupi ako bigla kong napansin na hindi ko nakikita si Ashlynn. Kaya tinanong ko sya kay Edward.

"Hon, nasaan si Ash?" Tanong ko.
"Kumakain dun sa kitchen" sagot naman nya.
"Oh...ok" sabi ko at nag patuloy na ako sa pagtutupi.

Nagtutupi ako ng mga damit habang may sinabi naman sakin si Edward.

"Kung pumunta kaya tayo sa park mamayang hapon. I-pasyal natin si Ashlynn." Sabi nya sakin.
"Wag na, mainit. Baka hindi kayanin ni Ash" pag tanggi ko naman.
"Hindi yan, mamayang hapon pa naman eh. Sige na hon." Pangungulit sakin ni Edward.
"Hay, sige na nga. Pero bring water later ha." Sabi ko.

Umalis na si Edward sa kwarto and pumunta na sya sa living room para manood ulit ng tv. Saktong tapos na ako mag ready ng mga gamit namin kaya lumabas na ako ng kwarto. Pagkalabas ko naman biglang may kumatok and binuksan ko naman agad yung pinto.

"Hey baby girl" sabi ni Kuya Tyler. Yes, nandito sila. Oo, sila. Kasama nya kasi sila Ate Cora and Kuya Tanner.
"Oh, hi Kuya. Pasok po kayo" sabi ko.

Pagkapasok naman nila, biglang pinatay ni Edward yung tv at tumayo sya.

"Bakit po kayo napadalaw?" Tanong ko sa kanila.
"Wala lang, gusto lang namin makita condo nyo." Sagot ni Kuya Tyler.
"Ok po, upo po kayo." Sabi ko and binulungan ko si Edward na maghanda sya ng makakain.

Habang kinakausap ko si Ate Cora biglang napansin ni Kuya Tanner si Ash.

"May puppy kayo?" Tanong ni Kuya Tanner sakin.
"Yes Kuya, gift lang po samin" sagot ko.

"Ate Cora! Kamusta na si Baby?" Tanong ko sa kanila. Pregnant nga kasi si Ate Cora diba.
"Ok lang naman sya, hindi pa nga namin pwede malaman yung gender nya eh." Sagot ni Ate Cora.

Aww. Sad, gusto ko pa naman malaman kung ano na gender nung baby nila kaso hindi pa pala pwede.

"Excuse me muna po ha" sabi ko sa kanila and pinuntahan ko si Edward sa kitchen. Pinaghanda ko kasi sya ng makakain nila Ate Cora diba.

"Hon, wag muna tayo umalis ngayon. Nandito sila Ate Cora eh. Sorry" sabi ko kay Edward.
"That was ok, I understand" sabi nya. Hay, buti na lang mabait tong asawa ko.

****************************
Hope you enjoy reading!!

Note: Sa mga curious kung sino si Ash/Ashlynn. Sya yung baby pomsky nila Kisses and Edward. And sad to tell you all na walang nanalo sa challenge ko. Sorry. But thanks for trying @KissWard_Fan💛

- Author💓

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon