Permission

276 15 0
                                    

Edward's POV

On the way na ako papunta sa bahay nila Kisses. Gusto nya kasi ako ipakilala sa parents nya as her fiancé. Hindi pa kasi to alam ng parents nya. Eto na nandito na ako..

*tok tok tok*

"Hi Edward, kanina pa sila nandito" si Kisses ang nagbukas ng gate nila para sakin
"Sorry my Princess. Sorry late ako." Paghingi ko ng tawag sa kanya
"It's ok, halika. Pumasok ka na."

Pagkapasok ko ng bahay nila agad kong nakita ang mom at dad ni Kisses na nakaupo sa may garden nila. Agad din naman kaming pumunta dun.

"Hi tita, hi tito" sabay beso sa mommy nya and shake hands sa daddy nya. Hindi ako nagpapalakas, syempre gumagalang lang ako.
"Oh iho.. Bakit ka napadaan dito?"
"Ahh kasi po.."
"Kasi mom, dad... May sasabihin po kami."

Inunahan nya agad ako, kinakabahan ata to eh.

"Ano yun anak?" Sabi ng mommy ni Kisses, habang yung dad naman nya, biglang naging seryoso yung mukha.
"Ahh.. Mom..Dad.. Edward and I. We're engaged" nagulat yung parents nya sa sinabi ni Kisses.
"Sorry po hindi po agad namin nasabi sa inyo.. Pasensya na po" Sabi ko naman habang nakayuko.
"Ano ka ba iho, ok lang. Congrats mga anak ko" nakangiting sabi ng mommy ni Kisses.

Agad ko namang nai angat yung sinabi ng mom nya. Grabe nakakatuwa talaga si tita.

"Thank you so much po tita.." Sabay yakap sa mom ni Kisses. Si Kisses naman ang laki ng ngiti sa mukha nya.
"Ano ka ba..wag ng tita. Magiging husband ka na ng anak ko oh. Mom na lang."
"Maraming salamat po talaga...Mom" nginitian na lang ako ng mama ni Kisses. Grabe lubos lubos ang tuwa ko ngayon.
"Ehem ehem" sabi ng dad ni Kisses. Nako. Mukhang tutol ang daddy nya samin....

"Welcome to the family Edward, ingatan mo unica hija namin ha. Wag mong papabayaan yan. Anyways, congratulations MY CHILDREN" naluha ako sa sinabi ng daddy nya, my children..it means, tanggap nya ako. Thank you Lord!
"Maraming maraming salamat po tito, makakaasa po kayong aalagaan ko ang anak ko. Maraming salamat po ulit." Sabi ko sa daddy ni Kisses
"Thank you so much Daddy. I love you so much" sabi ni Kisses sa daddy nya sabay yakap. Hindi na nagsalita pa ang daddy ni Kisses, ngumiti na lang sya ng parang wala ng wakas.

"Uhm..by the way Mommy..Daddy. Nandito kami para hingiin yung permission nyo."
"Ako? payag ako. Ikaw hon?" Sabi ng mom ni Kisses
"Payag din ako hon..so anak, kailan pala yung kasal?" Nakakatuwa naman. Parehas silang payag.
"Ah.. Dad, wala pang official date yung wedding namin ni Edward eh pero gusto kong maging special yung day na yun. By the way mom, dad, we have to go. Pupunta pa kasi kami ni Edward sa parents nya. Thanks ulit!" Sabay kiss sa parents nya. Sweet talaga nitong fiancé ko.
"Thank you po, mauna na po kami" sabi ko naman
Paalis na kami ng biglang may sumigaw..
"Congrats Kisses and Edward!" Oh..yung kambal palang kuya ni Kisses
"Thank you!" Sabay na sabi namin ni Kisses.

So ngayon, otw na kami sa bahay namin para hingin naman ang permission ng parents ko. Actually kahit hindi na hingin yung permission nila eh. Alam ko naman kasi na botong boto sila kay Kisses. Hahaha,sila pa ba?

We're here.

"Hi Sir, Hi Mam Kisses" bungad samin ng Butler Luis ko.
"Nandyan na ba sila Mama?" Tanong ko
"Kararating lang po." Sagot naman nya sakin
"Nasan sila?"
"Nasa living room sir."
"Ok thanks"

"Hi Mom! Hi Dad!" Sabay yakap ko sa kanilang dalawa. At nagulat ako niyakap din ni Kisses ang parents ko. Napaka sweet na babae talaga.
"Bakit nandito kayo ni Kisses anak?" Tanong ng Mom ko sakin.
"Mom, Dad. We're engaged"
"Really? Good Catch Boy!! Congrats Edward! You made the right choice, I want Kisses to be my future daughter for a really long time." Sabi naman ng Daddy ko sakin.

Napaka joker talaga ng daddy ko. HAHAHAHA

"Congrats din anak. Tama ang daddy mo, tama ang napili mong babae. Gustong gusto ko si Kisses sayo matagal na." Napangiti si Kisses sa mga sinasabi ng parents ko.
"Thank you Mom, Thanks din Dad."
"Thank you so so much po tito and tita." Hay nakakainlove talaga tong babaeng to.
"Tito and Tita? That's too old Kisses, come on! Just call us Mom and Dad, that sounds better." Si Dad talaga oh
"sige po..Dad. Hahahaha"

About an hour later..

"Halika na Kisses, it's getting late. Ihahatid na kita." Yaya ko kay Kisses.
"Sige"
"Ahh, Mom. Dad. Mauna na muna ako. Ihahatid ko lang si Kisses."
"Sige Edward, ingatan mo si Kisses ha." Paalala sakin ng Mom ko.
"Yes mom and dad, bye. Thank you and I love you"
"Bye po ti- i mean..mom and dad, mauna na po ako. Thank you po." Pamamaalam nya sa parents ko.

*****************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon