Masamang Kutob

333 16 1
                                    

Edward's POV

Kakagising ko lang and naisip ko bigla. Yayain ko kaya si Kisses sa isang restaurant para dun kami mag lunch? Text ko nga sya....*few minutes later* Wala pa ding reply? Sunduin ko na nga lang. Sure ako gising na yun.

Habang nag dadrive ako, bigla sumama ang kutob ko. Di ko alam kung bakit kaya binilisan ko na lang ang pag dadrive papunta sa bahay nila Kisses.

Nandito na ako sa harap ng bahay nila. Dali dali akong nag door bell. Agad namang may nagbukas ng gate nila.

"Hi Sir Edward"
"Nikko? Diba ikaw yung driver ni Kisses? Nasan sya?"
"Hindi po ba nya nasabi sa inyo? Umalis na po sya. Pumunta na po syang new york para ipagpatuloy yung lessons nya po doon. Kahahatid ko nga lang po sa kanya eh. Kagagaling ko lang po sa airport" sabi nya

nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Kaya naman dali dali akong pumunta ng kotse ko para pumunta ng airport pero bago yun may naalala ako.

"Thank you nga pala ha. Saan nga palang terminal?"
"Terminal 3 po."
"Sige salamat."

Dumiretso na ako sa kotse ko at kumaripas ng pagda drive. Ang nasa isip ko lang bakit hindi sya nag paalam? Bakit biglaan? Bakit? Siguro busy lang yun.

Kung kailan naman malapit na ako kung kailan nagkaroon ng heavy traffic oh!! Kainis! Wala na akong magagawa pa. Umalis na ako ng kotse ko at tumakbo na papuntang airport. Baka maabutan ko pa si Kisses. Baka may pag asa pang makita ko sya.

Pagkapunta ko ng airport agad akong pumunta sa isang flight attendant. Sabay tanong ng..

"Miss umalis na ba ang flight papuntang New York?!" Tanong ko
"Opo, ka aalis lang po."

Nalungkot ako ng sobra dun sa sinabi nya.

"Sige salamat."
"Una na po ako Sir."

Natulala ako sa mga pangyayari. Napaupo na lang ako bigla at napaiyak. Andaming tanong sa isip ko. Andami ko ring gustong sabihin sa kanya. Andami pa eh.. Sana pagbalik nya, single pa rin sya. Sana pag balik nya, naalala pa nya ako. Sana pag balik nya pwede ng maging kami.

*kring kring*

"hello?" Tipid kong tanong
"Hi bro! Tara gala tayo! Sunduin natin si Kisses!" Natahimik ako sa sinabi nyang KISSES.
"Bro? Edward?"
"SHE'S GONE." Mukhang pati sya nagulat sa sinabi ko
"What do you mean she's gone?"
"Pumunta syang New York."

"WHAT?! Bakit biglaan? Bakit di sya nagpaalam sakin?!"
"sakin nga di sya nagpaalam, sayo pa kaya." Asar ko sa kanya
"Bakit ganun?"
"Hindi ko rin alam, pero kahit anong mangyari.. I WILL WAIT FOR HER TO COME BACK."
" Me too. Bye."

*too tooot*

Nako. Mukhang parehas pa kami ng nagugustuhan ng bestfriend ko. Mukhang gusto rin ni Marco si Kisses. Yes, I claimed it. I have a secret feelings for my bestfriend.

*************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon