Pork Adobo

142 13 1
                                    

Edward's POV

Nandito kami ni Kisses ngayon sa condo. Habang sya nag luluto, ako naman nag hahanap ng website na pwede naming pag book-an ng flight para dun sa staycation namin dun sa Maldives. Kailangan na namin to panindigan.

Habang nag tumitingin ako ng mga website sa google, bigla akong may nakita.

"Hon!" Sabi ko kay Kisses.
"Oh why?" Tanong naman nya.
"Look at this! Pwede na ba to?" Sagot ko sabay pakita ng nakita ko sa laptop ko.
"Hmm..sige. Pwede na siguro yan. Mag book ka na" sabi nya.

Dali dali akong nag book ng flight namin kasi gusto na talaga namin mag bakasyon together, matagal na. Kaso wala kaming time and busy kami masyado kaya hindi kami agad nakapag bakasyon.

Nagfi fill up lang ako ng mga kailangan fill up-an and matatapos na rin ang pag book ko ng flight namin ni Kisses papuntang Maldives. Dun na rin kami mag hahoney moon kasi syempre, gagastos pa ba kami? Be practical. Hahahaha.

"Done" mahina kong sabi.

Tumayo na ako sa sofa at pumunta na sa kitchen para tignan kung ano niluluto ni Kisses, kanina ko pa kasi naamoy and amoy masarap sya.

Nandito na ako sa kitchen and lalong sumarap yung amoy ng niluluto nya. Lalo tuloy akong nagutom.

"What's that?" Tanong ko sa kanya.
"Pork adobo, hon" sagot nya.
"Hmm!! Smells good!" Sabi ko.
"Lagyan ko ba ng sili?" Tanong nya sakin.

Kilala nya nga ako. Mahilig kasi ako sa maanghang at sa sili.

"Sige, para mas sumarap pa yan" sagot ko naman at agad nyang nilagyan ng maraming sili yung pork adobo na niluluto nya.

Sobrang natatakam at nagugutom na talaga ako ngayon grabe!!

"Matagal pa ba yan hon?" Tanong ko sa kanya.
"Malapit na to matapos, umupo ka na" sabi ni Kisses.
"Yes!!" Sigaw ko. Para akong batang gutom na gutom. Hahahaha.

Umupo na ako at habang hinihintay ko si Kisses kinuha ko muna yung phone ko at nag check ng social medias. Matagal tagal na rin kasi since nung last na nag online ako.

Habang nag fefacebook ako, biglang dumating si Kisses. Hinain na nya yung niluto nya and nag pray na kami and....lantakan na!!

"Hmmm!! Saraaaaap!" Sabi ko.
"Buti naman at nagustuhan mo. First time ko pa lang magluto ng pork adobo eh" sabi ni Kisses and namangha naman ako kasi kahit first time nya ang galing na nya agad.

Nakakailang kanin na ako and medyo nabubusog na ako kaya tumigil na ako.

Haaaay. Kung araw araw ganto kasarap ang pagkain malamang hindi na ako aalis dito sa condo!! Hahaha.

******************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon