Proposal

333 12 3
                                    

Edward's POV

Wala na akong sasaying oras pa. Since mahal din naman ako ng taong mahal ko. Mag popropose na ako sa kanya. Wala akong pake kung sila na ni Marco. Arranged lang naman yun eh. Yun lang yun. Tsaka hindi naman mahal ni Kisses si Marco. Wala syang gusto kay Marco. Kaya ngayon naghahanda na ako sa pag popropose kay Kisses.

"Sir saan ko to lalagay?" Oh. Si Butler Luis pala.
"Dyan na lang."

Puspusan na ang pag hahanda ko sa pinakamasayang araw ko. Malapit na matapos tong pag hahanda namin ng butler ko. Sakto. Malapit na rin dumating si Kisses mula sa Mall. Nagtataka kayo kung paano ko nalaman? Syempre kakuntsaba ko yung driver nya. Hahaha.

15 minutes later.. Tapos na kami! And ilang minuto na lang din daw nandito na sila

Reading ready na ang lahat. Kita ko na ang kotse nila Kisses kaya pinatugtog ko na ang Perfect by Ed Sheeran. Favorite kasi namin yun ni Kisses. Nandito na ako sa likod and bumaba na ng kotse si Kisses. Gulat na gulat sya sa ginawa ko. Kitang kita ko ang mga ngiti nya mula sa pwesto ko dito sa likuran. Malapit na sya kaya lalabas na ako.

"Hi my Queen,my Princess,my Life,my Everything. Gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal. Gusto ko na malaman mo kung gaano ka kaimportante sakin. Alam mo bang simula pumunta kang New York araw araw akong nag hihintay ng mga tawag,text mo. Kaso yun nga lang, ni isa wala akong natanggap. Wala rin akong update sayo nun. Alam mo nga akala ko may boyfriend ka na. Syempre maraming gwapo dun. Pero hindi pa rin namatay ang fighting spirit ko. Hindi pa rin nawala ang pag asa sa puso ko. Mahal na mahal kita Kirsten Danielle Tan Delavin. Ikaw lang yung babaenh minahal ko ng ganto. Kilala mo naman ako diba? Iba ako mag mahal pero simula nung minahal kita.. Lalo akong nag iba. Naging mas responsable na ako ngayon. Kung dati happy go lucky lang ako? Ngayon hindi na ako ganun. At dahil yun sayo. Tsaka nung nalaman kong kayo na ni Marco? Halos gumuho na ang mundo ko. Ang pumasok sa isip ko nun..paano ko na makukuha ang taong mahal ko kung nasa iba na sya? Buti na lang at sinabi mo agad sakin na hindi mo gusto si Marco. Buti na lang sinabi mo sakin na ako ang mahal mo at hindi sya. Maraming marami salamat Kisses. Dahil sayo naging mas mabuti akong tao. Dahil sayo kaya ako naging ganto. Mahal na mahal na mahal kita Kisses. Kaya hindi na ako magpapaligpy ligoy pa. WILL YOU MARRY ME?"

Natulala sya sa mga sinabi ko. Halatang halata ko sa mukha nya na mahal nya din ako at natutuwa sya sa ginawa ko.

"Uhm.. Pwedeng ako naman? Edward. Childhood bestfriend ko. Ang lalaking matagal ko ng crush. Maraming salamat dahil sa loob ng 3 taon nagawa mo akong hintayin. Thank you so much kasi hindi ka sumuko at hinintay mo pa rin ako. Thank you din kasi ikaw laging nagpapasaya sakin sa mga times na malungkot or down ako. Maraming salamat dahil sa maraming beses na pagpapatawa mo sakin. Thank you kasi ikaw ang laging nagiging dahilan ng mga ngiti ko at ng mga tears of joy ko. Thank you so much Edward. Mahal na mahal na mahal din kita. SO YES. I WILL MARRY YOU. I LOVE YOU SO MUCH EDWARD"

Pagkatapos nya sabihin yun naiyak na lang ako sa tuwa at niyakap sya ng sobrang higpit. Sinuot ko na rin yung singsing sa kanya. Sabay sigaw

"THANK YOU LORD!!" Sabay kiss sa kanya sa forehead,cheeks,nose and lips.
Nagulat na lang ako at may biglang pumapalakpak. Sila Tanner,Tyler at Ate Cora ko pala at yung mga katulong nila Kisses.

"Congratulations!!" Sigaw na narinig ko sa kanila.

Oo hindi pa naging kami ni Kisses ever pero nag propose ako agad sa kanya. Bakit? Kasi ayokong mag sayang ng oras. Nasa tamang edad na rin naman kami. Kaya alam kong pwede na sya. Alam kong magagalit dito si Marco sa ginawa ko pero alam ko rin na maiintindihan nya kami. Biglang may pumapalakpak ulit kaya napalingon ako sa likod ko. Si Marco..

"Congrats Bro." Napangiti ako sa sinabi nya.
"Congrats Kisses. Kahit hindi man ako yung magiging asawa mo, atleast masaya ka. Atleast karelationship mo yung taong mahal mo hindi yung taong pinilit lang sayo. Congrats sa inyong dalawa." Sabay yakap kay Kisses ng mahigpit.
"Invited ako sa kasal nyo ha?" Biro ni Marco
"Oo naman bro, ikaw pa. Best man ka ha?" Aya ko sa kanya
"sure bro, thanks man." Sabay yakap ko sa kanya.

*********************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon