Let Her Go

290 13 2
                                    

Marco's POV

Masakit man sakin pero mas pinili kong palayain si Kisses. Mahal na mahal na mahal ko sya pero binitawan ko na sya at hinayaang si Edward na ang sumalo sa kanya. Ayokong nakikitang laging umiiyak si Kisses dahil sakin. Ayoko yun. Gusto ko lagi syang masaya. Kahit hindi ako yung dahilan, basta masaya sya,masaya na rin ako.

*toot toot*
------------------------------------------------------------------------------------------
To: Marco
THANK YOU FOR LETTING HER GO BRO.
From: Edward
------------------------------------------------------------------------------------------
Napangiti ako sa text ni Edward, mukhang napasaya ko talaga sila ni Kisses.
------------------------------------------------------------------------------------------
To: Edward
                 MY PLEASURE BRO.
From: Marco
------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi man si Kisses yung itinakda para sakin..alam kong may dadating din. Yung destiny talaga para sakin. Ayoko ng mag hanap, gusto ko ako naman yung hanapin nya. Kasi baka sa paraang yun, malaman ko na talaga na sya na yun.

*toot toot*
------------------------------------------------------------------------------------------
To: Marco
                 Hi Marco, Si Fenech to..Pwede ba tayong magkita?
From: 098752*****
-------------------------------------------------------------------------------------------
Bakit kaya nya gusto makipagkita? Hmm. Matawagan na nga lang.

"Hello Fenech?"
"Uhh. Uh.. M-Marco?" Bakit parang natatakot naman to?
"Kinakabahan ka ba?"
"Hi-hindi a-ahh" hmm

"By the way, bakit gusto mong magkita tayo?" Tanong ko sa kanya
"May aaminin ako..i mean may sasabihin ako" nakakacurious naman...
"Ah sige. Magkita na lang tayo sa Mall malapit dyan sa inyo."
"Sige Marco, See you, bye"

*end call*

On the way na ako sa Mall malapit kila Fenech. I'm sure nandun na sya kasi nga malapit lang sa kanila. Ano ba yan. Hindi ako mapakali. Ano kayang sasabihin nya sakin? Hmm...

Nandito na ako sa Mall, 'Di ko makita si Fenech.

"Marco!!" Napalingon agad ako sa tumawag sakin and agad nya akong niyakap, kaya nagulat ako.
"Uh..wait lang Fenech ha." Tinanggal ko ang pagkayakap nya sakin.
"Namiss kita Marco" huh?
"Ano? Eh kakakita lang natin ah."
"Basta namiss kita." Ang gulo naman nito.
"Btw, ano nga pala sasabihin mo?"

Bigla syang natahimik sa sinabi ko.

"Ahh kasi Marco...ang totoo nyan..matagal na kitang gusto." Nagulat ako sa sinabi nya. Paano nya ako nagustuhan?
"Sorry Fenech pero kasi ano eh..Mahal ko si Kisses."
"Pero hindi ka naman nya mahal!" Hays..
"Alam ko pero walang makakapigil sakin para mahalin sya. Nilet go ko na sya kay Edward pero kahit papano, hindi pa rin mawawala yung feelings ko sa kanya."

Bigla syang umiyak. Naiyak ata sya sa nasabi ko.

"Grabe ka naman Marco.."
"Sorry Fenech, pero hanggang mag kaibigan lang talaga tayo. I have to go. Sorry."

Tama naman siguro yung choice ko. Tama naman siguro na sinabi ko kay Fenech na hanggang magkaibigan na lang talaga kami. Ayaw ko syang saktan pero ayaw ko rin naman syang paasahin. Tama yung desisyon ko..

******************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon