Chapter 9 - Cinderella

1K 31 14
                                    

Chapter 9


"Cerise? Were you even listening?" 


Napabalik ako sa ulirat nang tanungin ako ni Luhan. Tumingin nalang ako sa kanya at tumango kahit wala talaga akong narinig at naintindihan sa mga sinabi niya kanina. Umiling nalang siya at ngumiti sa'kin. Mga kalahating oras na ata siyang dada ng dada sa'kin ngunit wala talagang pumapasok sa isip ko. 


Naka dalawang siopao na din ako at kasalukuyan kong kinakain ko ang pangatlo. Ngayon lang din pumasok sa isip ko na hindi pa ako nakakakain ng hapunan. Nakangiti naman sa'kin si Luhan habang pinapanood ako kumain. 


Napatigil ako sa pag-nguya nang biglang dumampi ang kamay ni Luhan sa gilid ng labi ko at pinahid ang sauce ng siopao ngunit mas ikinagulat ko nang dinilaan niya ang hinlalaki niya na siyang ipinahid sa labi ko bago kumindat sa'kin. 


Napatingin naman ako sa kanya ng may kakaibang ekspresyon sa mukha at bigla nalang siyang humagalpak ng tawa. Tawa lang siya ng tawa habang umirap lang ako tinuloy ang pagkain ko. Ilang minuto na ang lumilipas ngunit tawa parin siya ng tawa.


"Ayos ka lang ba?" 

"Damn, Cerise! I wish you've seen that look on your face!" Sagot niya sa'kin at humalgpak muli ng tawa. Napailing nalang ako kahit unti unting natatawa dahil sa pagtawa ni Luhan. 


"But seriously," Pagtigil niya at pagayos niya sa sarili niya "I was saying, if you don't want to work with Iverson, I can help you out--" 


Hindi natapos ang sasabihin niya dahil napansin kong may babaeng nakatingin sa'min mula sa salamin kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nang magkatinginan namin kami sa mata ay bigla siyang tumakbo. Hindi ko alam ngunit tila nagkusa ang mga paa ko palabas upang habulin siya kahit masakit ang kanang paa ko. 


Dinig ko ang pag tawag sa'kin ni Luhan ngunit hindi iyon nagpatigil sa'kin sa paghabol sa babae. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko kahit pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko mula sa katawan ko sa sobrang lakas at bilis ng pag tibok nito. Ramdam ko din ang pag sakit lalo ng aking paa ngunit ilang mabilis at malalaking hakbang pa ay malapit na ako sa babae. 


Hindi ko masiyadong napansin ang itsura ngunit may mahaba siyang buhok at katamtamang katawan. Mahahaba din ang kanyang mga binti at mala-perlas sa puti ang kanyang kutis kahit kamay niya lang ang nakikitaan ng balat mula sa likod dahil balot na balot ito ng makapal na kasuotan. 


Nang aabutin ko na siya gamit ang aking kamay ay nagulat na lamang ako nang biglang may humarang sa harapan ko, dahilan para mauntog ang mukha ko sa dibdib niya. Ipinikit ko ng marahan ang mga mata ko nang maamoy ang pabango niya. 


"K-Kai.." Iyon lamang ang nabanggit ko bago pa man ako tuluyang matunaw sa kanyang mga bisig. Nakayakap lamang siya sa'kin ngunit pakiramdam ko ay libo libong boltahe ang dumaloy sa katawan ko. Marahil sa pagod ay dahan dahan na din akong napayakap sa kanya. 

"Are you okay? What happened? Hmm?"


Bulong niya sa akin at marahang hinaplos ang buhok ko. Hindi ako sumagot. Nanatiling ganoon ang posisyon namin hanggang sa kumalma na ako. Tumingala naman ako sa kanya at ngumiti naman siya sa'kin. 

His Fake FangirlWhere stories live. Discover now