Chapter 5 - Turning tables

1.1K 41 20
                                    

Chapter 5


"Kai..."

Nagaalangang tawag ko sa kanya. Hindi ko alam ngunit ayaw tumigil ng mga paa ko sa paglakad palapit sa kanya.


"You came back.." Ngiti niya sa'kin. Pakiramdam ko ay may kung ano akong mainit na naramdaman sa puso ko sa pag ngiti niya. Para siyang isang batang binalikan ng kalaro.


Binalot kami ng katahimikan. Gusto kong sabihin sa kanya na payag na ako sa gusto niya ngunit hindi ko alam kung paano. Ilang malalim na hininga pa ang ginawa ko bago magkaroon ng sapat na lakas ng loob para sabihin sa kanya.


"P-Papayag na ako sa gusto mo--" Bago pa man ako matapos sa sasabihin ko ay tumayo na agad si Kai at pinagpag ang pantalon niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya inulit ko itong muli.


"Don't force yourself. I'll just send you home. Let's go."


Saad niya bago tuluyang lumabas ng silid. Napakagat ako sa ibabang labi ko at dali daling tumakbo papunta sa kanya. Ilang beses ko siyang tinatawag ngunit hindi niya ako nililingon. Habol habol ko siya hanggang sa makarating kami sa parking.


"Kai naman! Akala ko ba gusto mo--"


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil itinulak niya na ako agad papasok ng sasakyan niya at sinuotan ng seat belt. Tinawag ko siya muli dahilan para matigil siya sa ginagawa niya at tingnan na lamang ako. Ang kaliwang kamay niya ay nakatuon sa headrest ng shotgun seat habang nasa may seatbelt buckle naman ang kabila.


Napatungo ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya. Sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa, pakiramdam ko ay makikita ko ang repleksyon ng sarili ko sa mga mata niya. Huminga naman siya ng malalim bago muling nagsalita.


"Just drop it, okay?" Iyon lang ang huli niyang sinabi at sinara na ang pintuan ng sasakyan niya.


Sa sobrang tahimik ng byahe namin ay rinig na rinig ko ang mga tunog ng makina ng ibang sasakyan sa labas. Pinagmasdan ko nalang muli ang paunahang pagpatak ng mga ulan sa bintana. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay kinakain ako ng konsensiya ko.


Hindi ko alam ngunit hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Naiinis ako na nalulungkot-- Hindi ko alam. Pakiramdam ko ay dahil sa sobrang pagod at sa dami ng nangyari ngayong araw kaya naiyak na lamang ako.


"Hey.." Malumanay na tawag sa'kin ni Kai. Pinunasan ko muna ang mga mata ko bago tumingin sa kanya.

"I'm sorry for causing you trouble. A-Anyway, we're here."

"Thank you."

Iyon nalang ang nasabi ko sa kanya at pagkababang pagkababa ko ng sasakyan niya ay pinatakbo niya na ito ng matulin palayo. Huminga nalang ako ng malalim at pumasok na sa loob ng bahay.



Ilang araw na ang nakakalipas ngunit naiisip ko parin si Kai. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin pero dahil sa kakaisip ko sa kanya ay hindi ako makatulog ng maayos. Pakiramdam ko sa sobrang kakaisip ko sa kanya ay unti unti akong nagiging interesado sa pagkakilala sa kanya.

His Fake FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon