Prologue: The beginning

8.8K 94 37
                                    

Prologue:

"Papa, 'wag ka mag-alala, ilalabas kita dito."


Hinawakan ni Papa ang kamay ko at ngumiti na lamang. Ilang buwan ko lang siyang hindi nabisita dito sa kulungan ngunit pakiramdam ko ay taon na ang lumipas. Nagsisimula ng magkulay puti ang kanyang buhok, medyo nagkakalinya na din ang kanyang noo at ang gilid ng kanyang mga singkit na mata na tanda na ng katandaan.


"Ano ka ba, anak.. Ayos lang ako dito. Ang mahalaga ay makatapos ka ng iyong pag-aaral at matupad na ang pangarap mo maging isang magaling na chef," Tumingin siya sakin at pinahid ang kanyang luha na nagbabadya ng pumatak. "Naaalala mo ba 'yon? Lagi ka dating nagpapabili sa'kin ng mga luto-lutuan kapag sinusundo kita sa school mo sa bayan at sasabihin mo na magiging may-ari ka ng sikat na restaurant balang araw.."


Tumango ako at ngumiti para hindi mahalata ang namamasa kong mga mata. Nakakalungkot man isipin na dito na siya tumanda sa loob ng apat na sulok na selda ay wala naman akong magawa. Bente anyos na ako ngunit nasa ika-unang taon palang din ako sa kolehiyo dahil sa apat na taon kong pagtigil para mapagaral ang kapatid kong si Charity na tapos na ngayon sa kursong AB Mass Communication major in Public Relations.


May sasabihin pa sana ako kay Papa ngunit biglang tumunog ang cellphone ko at doon ko lang napansin na mayroon na palang 20 missed calls ang kapatid ko. Kinabahan naman ako bigla dahil hindi naman siya tumatawag sa'kin pwera lang sa mga mahahalagang okasyon.


Tinawagan ko siya agad pabalik at isang umiiyak na boses ni Charity ang bumungad sa'kin.


"Charity? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" Napatingin naman sa'kin si Papa dahil sa nagaalala kong boses.


"Ate," putol niya at rinig ko ang mahina niyang paghikbi, "Kailangan ko ng tulong mo.. Baka matanggal ako sa trabaho ko ngayon kung hindi ako makakaisip ng paraan...Puntahan mo ako, please.." pagtigil niya at agad naman akong pumayag sa gusto niya.


Dali dali akong nagpaalam kay Papa at nangakong dadalawin nalang siya ulit bukas o sa susunod na linggo. Sumakay agad ako ng jeep papunta sa SM Entertainment na pinagtatrabahuan ni Charity ngayon.


Mga limang minuto lang akong umupo sa lobby at laking gulat ko ng bigla nalang akong hilahin ni Charity papasok sa opisina niya at dali daling ni lock ang pinto. Napatingin naman ako sa kanya dahil hindi ko inaakala na nasa loob ng opisina ay walang iba kung hindi ang sikat na bandang The Nightingale ang bumungad sa'kin.


"Ate, upo ka please.."

"Charity, ano bang nangyayari? Kung papaulitin mo na naman yung nangyari noong isang taon, ayoko na ulitin 'yon." Kalmado kong utas sa kanya habang nanatiling nakatayo. Tinaasan ko ng kilay ang kapatid ko habang naiisip na parang déjà vu lang ang nangyayari dahil ganitong ganito din ang ginawa niya noong nakaraang taon.


Nasa university ako noon at nag-iinquire nang biglang tumawag sa'kin ang kaibigan ni Charity at sinabing nahimatay ang kapatid ko. Kabadong kabado naman ako dahil natatakot ako na baka kung anong sakit ang mayroon siya. Dali dali kong iniwan ang pila kahit ako na ang kasunod at dumiretso agad sa opisina nila noon.


Hirap pa ang byahe ko dahil napakalayo ng opisina niya. Sa hindi kilalang public relations firm siya nagtatrabaho at para makarating doon ay kailangan ko pang sumakay ng van, jeep at cab. Ang tatlong oras na byahe ay parang tatlumpong minuto lang sa'kin sa sobrang pagmamadali ko.


Namumutla na ako sa sobrang gutom at pagod nang makarating ako doon at tila himatayin na din ako sa sobrang galit dahil pagkatapak na pagkatapak ko ng opisina nila ay isang humahalakhak na Charity ang bumungad sa'kin.

His Fake FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon