Chapter 15

32 3 0
                                    

"Vica?"

Isang malakas na sampal ang inabot ni Rome.

"Aray!"

"Papatayin mo ako sa pag-aalala! Ano na lang gagawin ko kapag namatay ka rito? Ayoko pang makulong!" iritadong sigaw ni Veronica.

"Sorry na," dispensa ni Rome habang hirap pa ring huminga.

"Hindi mo ginamit ang lucidity mo para makahinga ka sa ilalim ng tubig," mariing sabi ng babae.

"Pwede 'yun?" tanong ni Rome.

"Oo!" pasigaw na tugon ni Veronica, "kaya nga kita nasagip kasi nagawa kong huminga sa ilalim nung lawa."

Pareho silang basa at nararamdaman nila na unti unting lumalamig ang paligid. Nakakunot ang nuong kinuha ni Veronica ang kanyang libro. Manghang mangha naman si Rome dahil nanatiling tuyo ang mga papel at pahina noon kahit lumubog na ito sa tubig.

"Fire", sambit ni Veronica matapos punitin ang isang pahina at ihinagis iyon sa lupa. Walang anu-ano'y nagkaroon ng apoy. Hindi na nila kinailangan ng kahoy na panggatong dahil hindi nasusunog ang papel kahit nagliliyab na ito.

Lumapit ang dalaga sa apoy at nakasimangot na umupo. Hindi nagtagal ay lumapit na rin si Rome dahil ramdam niya na nilalamig na siya. Ilang minuto rin silang walang imik. Tanging ang tunog ng baga at apoy lamang ang namutawi.

"Babalik pa kaya 'yun?"

"Oo," mabilis na tugon ng dalaga.

"Bakit tayo hinabol ng halimaw na 'yun?"

"Ikaw lang ang hinahabol nun. I just saved your ass. Anytime, pwede ulit sumulpot ang nilalang na iyon at lamunin ka," nakasimangot pa rin ang dalaga dahil sa inis.

"Gumising na tayo," suhestiyon ni Rome.

"It doesn't work that way. Ang gamot na inamoy natin sa waking life ay di basta gamot. It will make us remain in our REM sleep hanggang tumunog ang alarm clock na sinet ko," paliwanag ni Veronica.

"Kung normal dreamer lang tayo, magigising tayo oras na mamatay tayo sa panaginip. Pero dahil Lucid Dreamer ka at ako, at sa epekto rin ng gamot na ating inamoy, hindi ganoon ang mangyayari kapag namatay tayo sa panaginip," pagpapatuloy ni Vernica.

"What will happen kapag namatay tayo dito ngayon?" tanong ng binata.

Noong unang itanong ni Rome ang bagay na iyon ay pabiro pa ang sagot ng babae. Ngayon, wala ng dahilan upang hindi niya sabihin ang maaaring mangyari sa kanilang dalawa.

"Hindi kana muling magigising," wika ng dalaga, "makukulong ka sa isang lugar na hindi ko alam. Habambuhay na matutulog ang katawan mo sa waking life."

Napalunok na lang si Rome sa sinabi ni Veronica. Hindi niya inaasahan na mapapasubo siya sa ganoong klaseng panganib.

"May isa pang paraan," sambit ni Veronica. Nabuhayan ng kaunti si Rome dahil roon. "Hindi ko lang alam kung gagana ito dahil sa gamot. Madalas ko itong gawin sa'yo noong hindi kapa lucid.

Tumabi si Veronica kay Rome. "Humarap ka sakin," utos niya. Pinitik ni Veronica sa noo si Rome. sa bahaging napapagintaan ng mga kilay niya.

"See? Ayaw talaga," sabay pitik pa ng ilang beses.

"Ibig sabihin, hindi pwedeng gisingin ng lucid dreamer ang isa pang lucid dreamer?" tanong ni Rome.

"Correct."

"So, maghihintay tayo rito? Ilang oras tayong mauupo rito?"

"Mga walong oras siguro," sagot ni Veronica.

"Ha?!" may panlalaki pa ang mga matang bulalas ni Rome.

"Mas mahaba ang oras sa panaginip kaysa sa waking life, Kuya."

Tahimik na lang na umayos ng pagkakaupo si Rome sa tabi ni Veronica. Tumitig sa apoy at naghintay na maubos ang walong oras gaya ng sabi ng dalaga.

Isa't kalahating oras na ang nakalipas at hindi na kaya ni Rome na tiisin pa ang inip. Gusto niyang meron man lang gawin na kahit ano.

"Bumalik na lang tayo sa city," yaya ni Rome.

"Pwede, tuyo na rin naman ang damit ko."

Gamit ang libro, nag-summon ulit si Veronica ng motorsiklo. Gaya ng una, si Veronica ulit ang nagmaneho ng high tech na motorsiklo habang si Rome naman ay nakaangkas lang sa likuran. Mabilis na pinaandar at pinatakbo ni Veronica ang motor at binagtas nilang muli ang malawak at umiilaw na kalsada pabalik sa siyudad kung saan sila nanggaling.

Nadaanan nila sa gilid ng kalsada ang isang lalaking nakasandal sa poste. May cowboy hat ito sa ulo, nakasuot ng balabal na pula. Naka leather boots din siya na kulay brown. Pagkalampas ng motor nina Veronica, dumukot ang lalaki ng sigarilyo sa kanyang bulsa, isinubo ang isa at pinaliyab ang lighter at saka bumuga ng usok. Sa pagbuga niya ng usok ay mababanaagan ng kaunti ang kanyang mukha. Halos kasing edad lang din nina Rome ang lalaki.

"Mga hangal," wika ng lalaki habang nakatingin sa papalayong sina Veronica at Rome.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now