Chapter 4

61 10 3
                                    

"Excuse me, Veronica," wika ni Rome, "have we met before?"

"Yup, kahapon sa campus. Please, Vica na lang for short."

"No, I mean, Vica, bago pa kita makita kahapon. Para kasing nagkita na tayo before. Nagkausap, nagkasama," hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Rome sa kanyang sinabi dahil gusto na niyang malaman kaagad kung bakit pamilyar sa kanya ang dalagang kausap niya ngayon.

"Baka sa library. Ako ang student-assistant sa Thesis section, so, baka doon mo ako nakita," pahayag ni Vica sa takang-taka pa rin na binata.

Napatango na lang si Rome sa sinabi ng dalaga pero hindi pa rin siya convinced na sa aklatan niya unang nakita si Veronica. Sayang dahil sa Filipiniana section siya nagbasa ng libro kahapon.

Upang hindi sumakit ang ulo, hindi na lang inisip pa ni Rome kung saan at kailan niya unang nakita ang babae. Hindi na rin niya inusisa ang dalaga kung bakit sa mesa pa niya ito lumapit upang maki-kape. Gusto rin naman ni Rome ang nangyayari. Bukod sa angking ganda ng kaharap ay medyo striking din ang appeal nito kaya't habang pinapaikot ni Rome ang magarbong kutsara sa mainit na wintermelon tea ay nakatitig siya ng panakaw kay Veronica.

"Anong course mo, kuya?" tanong ni Vica.

"Rome, Rome na lang ang itawag mo sa akin. Isa pa, parehas naman tayong nag-aaral kaya kahit sa pangalan mo na lang ako tawagin," nakangising wika ni Rome. Ayaw nitong tinatawag siyang kuya lalo pa at interesado siya sa isang babae.

"Sa susunod na lang, kuya. Ayoko namang maging disrespectful sa unang pagkikita natin." Pasubali ng babae.

Halos inabot din ng kulang-kulang isang oras ang pag-uusap ng dalawa tungkol sa kanilang mga sarili at sa kanilang kurso. Napag alaman ni Rome na isang Business Management student si Vica at halos kaedad lang niya. Mas matanda lang si Rome ng ilang buwan sa kanya. Lumamig na ang kalahating kape nilang hinigop ay tuloy pa rin ang dalawa sa pagku-kwentuhan.

Isang topic sa kanilang usapan ang nagkaroon ng mahabang diskurso. Pangkaraniwan sa ilan ang usapang ito pero sa kanilang dalawa ay naging tila isang seryosong bagay na dapat talagang pag-usapan.

"Kuya, can you tell me something about dreams?" wika ng babae.

"What do you mean? Panaginip?" tanong ni Rome sa tanong ng kausap.

Tumango lang naman ang babae at sinimulan ni Rome ang paliwanag. "According sa aming Professor, ang panaginip natin ay nati-trigger ng REM o Rapid Eye Movement. Ito ay ang mabilis na paggalaw ng ating mga mata unconsciously habang natutulog. Dahil doon, lahat ng nasa subconscious mind natin ay napo-project sa ating imagination."

"So scientific," wika ng dalaga.

"Eh kuya, naniniwala ka ba na kabaliktaran ang nangyayari sa totoong buhay sa nangyari sa panaginip?" muling tanong ni Veronica.

Tumugon si Rome, "Hindi. Isa lang iyan sa mga pamahiin tungkol sa panaginip."

"Sabi kasi nung isa kong kaibigan, kapag nanaginip ka raw ng may hawak kang tae sa kamay ay se-swertehin ka raw sa lotto."

Saktong umiinom noon si Rome ng kape kaya't halos lumabas sa ilong niya ang ininom niya dahil sa sinabi ni Veronica. Nagkatawanan pa ang dalawa at halos lumuha na ang lalake dahil sa pag-ubo. Iniabot naman ni Veronica ang tissue kay Rome habang patuloy na tumatawa.

"Grabe ka naman," maluha-luha pa rin ang mga mata ni Rome, "naniniwala ka sa ganoon?"

"Hindi," tugon ng dalaga sabay tawa.

"Sino ba kasi ang nagpakalat ng mga ganoong klaseng kwento?" patuloy pa rin ang pagpunas ni Rome sa kanyang mata, ilong at bibig.

Nakangiti pa rin si Veronica habang pinagmamasdan si Rome. Hindi niya inaasahan na mae-enjoy nya ang company with him. Ang assignment lang nya ay bantayan ito hanggang sa magising sa Lucidity nito pero mukhang hindi lang iyon ang maaaring mangyari sa hinaharap.

"Kuya, may tanong ako sa inyo."

"Ano 'yon? Baka mabulunan ulit ako ha," babala ni Rome.

Napatawa pa ng bahagya si Veronica at saka nagtanong, "Alam mo po ba kung paano tayo napunta rito?"

Natigilan si Rome sa itinanong ng dalaga. "What do you mean?" aniya.

"Tumingin ka sa paligid, kuya."

Gayon nga ang ginawa ni Rome. Iginala niya ang kanyang paningin dahilan upang unti-unti niyang maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Veronica. Nasa isang fabulosang hotel sila. May isang bandang tumutugtog sa stage ng mga jazz music. Ang mga taong kumakain sa buong paligid ay mga nakasuot ng pormal na kasuotan. Silang dalawa lang ni Veronica ang nakasuot ng unipormeng pang eskwelahan.

"How is this possible?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Rome.

"Nasa panaginip tayo, kuya."

"Imposible," hindi makapaniwala si Rome.

Itinuro ni Veronica ang kape ni Rome. Binanggit ng dalaga na isiping mabuti ni Rome kung ano ang pinakahuli niyang ginagawa at kung nasaan siya bago siya mapunta sa lugar na ito Nakahawak sa ulo si Rome habang pilit na inaalala ang pinakahuling pangyayari.

"Bumili ako ng tea sa Moonblend! Tea ang inorder ko at hindi kape!" bulalas ni Rome.

"Magaling, very good, kuya," nakangiting sambit ni Veronica, "welcome to lucidity," sabay pitik sa noo ni Rome.

Napabalikwas si Rome mula sa pagkakasubasob sa mesa. Nasa harapan pa rin niya ang inorder niyang tsaa at lumamig na ito. Nakaupo pa rin sa harap niya si Veronica at tahimik lang na nakangiti.

"Sino ka ba talaga?" tanong ni Rome

"Like I said, kuya, I'm Veronica."

Nakangiti pa ring tumayo si Veronica mula sa kinauupuan at dinala na rin niya ang tea na inorder niya. Naiwan si Rome na nakaupo pa rin at hindi makapaniwala sa nangyari. Bago tuluyang makalabas si Veronica sa Moonblend, nag-iwan pa ito ng ngiti kay Rome.

"Siya nga pala, kuya, huwag mo nang iinumit ulit 'yang tea mo at baka makatulog ka ulit," bilin ni niya. Pagkatapos noon ay umalis na ito.

"What?" ilang saglit din bago na-realize ni Rome na may kung anong inilagay ang barista sa kanyang tsaa upang makatulog siya.

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now