Chapter 34

9 1 0
                                    

Makikita si Prof Jay na nakasakay sa kanyang kulay itim na sedan. Banayad ngunit maingat ang kanyang pagkakahawak sa mga manibela at matamang nakatitig sa sasakyang nasa unahan habang patuloy niyang hinihintay na umusad iyon. Ilang oras na rin siyang datha nang umaabante dahil sa traffic. Mababanaagan sa kanyang mukha ang seryosong pagkabahala sa mga nangyayari.

Anim sa mga Dream Guardian ang nasawi. May mga pagsasanay ang mga iyon kahit basic lamang sa pakikipaglaban sa mga Mardrum subalit tila ba hindi pa rin sapat ang mga iyon upang pigilan ito. Ang ipinagtataka ni Jay ay lima silang halos sabay-sabay nag-flatline sa monitor. Alam ng propesor na papatay at papatay talaga ng mga Lucid Dreamer ang mga Mardrum pero ang pumatay ng limang Guardian ng sabay-sabay ang naiisip niyang red flag sa nangyari. Kung tama ang suspetsya niya, hindi Mardrum ang pumatay sa anim at isa ring bihasa sa paggamit ng Radiance.

Ilang oras din ang lumipas bago makarating si Prof Jay sa National Library. Pagkatapos igarahe ang sasakyan ay nagtungo siya sa entrance. Ipinakita niya ang isang ID sa guard at kaagad naman siya nitong pinapasok. Lumakad ang propesor sa loob habang abala ang mga estudyante, guro at iba pang mga indibidwal sa pagbabasa ng mga libro.

Sa ikaanim na palapag ng aklatan, may isang pinto roon kung saan mababasa ang pangalang "Robert Anderson – Librarian". Kumatok doon si Jay at sa ilang saglit lang ay bahagyang narinig niya ang tinig ng librarian hudyat na pinapapasok siya nito.

"Professor Jay? What brings you all the way here?" tanong ni Robert, "tumawag ka na lang sana or perhaps, video call?"

"I'm sorry, Mr. Chairman, pero there has been an incident." Tugon ng propesor.

Nasa pagitan ng edad 40 hanggang 50 si Robert. Kapansin-pansin sa kanyang mga buhok ang mga puting uban. Nakasuot na rin ito ng salamin sa mata. Suot niya ang pink na long-sleeves at itim na pantalon. Ang kanyang pangangatawan ay halos katulad ng mga tipikal na tatay sa Pilipinas. Medyo may kaunti nang katabaan dahil na rin siguro sa labis na pag-inom ng alak. Kalahating Pilipino at kalahating Amerikano ang lahi ni Robert kaya't makikita rin sa kulay ng balat ang kaibahan nito sa balat ng kausap niya ngayon. Tuwid siyang magsalita ng Tagalog gayon din ang Ingles.

Pinaupo si Jay ng librarian. Kumuha ito ng dalawang tasa at maliit na kutsarita. "Coffee, Professor?"

"Sorry, Sir, pero hindi na ako umiinom ng kape ngayon."

"Oh, that's too bad." Tugon ng librarian habang patuloy pa rin na inihanda ang kape sa electric coffee maker.

"So, what happened, Professor?" tanong ni Robert.

"I think we need to suspend this year's Dream Hunter exams, Sir." Sagot ng Propesor.

"What seems to be the problem?"

"Anim sa mga Dream Guardians natin ang nasawi, Sir. Isang buwan lang ang nakalilipas nang malagasan tayo ng tatlo." Paliwanag ni Jay.

"So, you're saying that something, oh let me rephrase, someone is killing our people in Aurora?" tanong ni Robert.

"Our investigation team is on it, Sir. But yes, that's what we suspect."

Umupo si Robert sa kanyang malambot na office chair kung saan naroon ang malaking mesa na kahoy. "Nasaang phase na kayo ng exam?" tanong ni Robert.

"Final Phase, Mr. Chairman."

Ilang minuto rin nag-isip ang librarian dahil sa sinabi ni Jay. "Come, Professor."

Nagtaka si Jay kung saan sila pupunta ng Chairman. Sa loob ng opisina niya ay merong isang malaking book shelf kung saan nakalagay ang iba't ibang uri ng libro. May inabot ang librarian sa gawing sulok noon at nang maabot niya ito ay bumukas ang bookshelf. Isa itong pinto patungo sa isa pang kwarto. Doon ay nakita ng Propesor ang dalawang capsule na kagaya ng sleeping capsule na ginagamit nila sa LDA.

"The other one's my wife's. Back when she was still a proud and strong Dream Hunter." Wika ni Robert.

"I'm sorry, Sir."

"Don't worry about it, Professor. It was a long time ago." Pinindot niya ang controls ng dalawang capsule at umilaw iyon. Pati ang mga monitor ng mga ito. "What is the last location of our 6 Guardians?"

Binanggit ni Jay ang location kung saan pinaslang ang anim na Dream Guardian. Isinet ito ng Chairman sa monitor na parang coordinate kung saan sila pupunta sa Aurora.

"Now, in, you get." Utos ni Robert. "I set the alarm after 1 minute. That would give us at least 30 minutes in Aurora before we wake up."

"Yes, Sir." Tugon ni Jay pagkatapos mahiga sa sleeping capsule na katabi ng kay Robert.

Pagmulat ni Jay naroon na sila sa isang kwarto kung saan pinatay ang anim na dream guardian. Suot pa rin ni Robert ang kanyang salamin. Wala na ang mga katawan doon ngunit kitang-kita pa rin ang mga dugo sa paligid na natuyo na.

"So, this is where it happened," sambit ni Robert. Pagkatapos ay nagtungo ito sa bintana kung saan tanaw ang siyudad at mga abalang normal dreamers.

"You're saying that this was a work of a Lucid Dreamer?" tanong niya kay Jay.

"Yes, Sir. An experienced one at bihasa sa paggamit ng Radiance." Sagot ng Propesor.

Inobserbahan pa ni Robert ang buong kwarto. Umasang makakahanap ng kaunting palatandaan kung paano pinatay ng isang lucid dreamer ang mahuhusay na Dream Guardian. iginala niya ang kanyang paningin sa buong paligid at pagkatapos ay muling tumayo sa may bintana.

"Continue the final phase of the exam, Professor." Nagulat pa si Jay sa tinuran ng chairman.

"I will be the one to administer it."

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now