Chapter 9

37 6 0
                                    

Napabalikwas si Rome sa kanyang higaan dahil naramdaman niyang umuuga ang kanyang kama. Hindi na siya nakaimik dahil kitang-kita niya na bumabaha na sa buong paligid. Nang subukan niyang lumusong sa tubig ay biglang nawarak ang apat na dingding ng kanyang kwarto at sumambulat nang mabilis ang agos ng tubig dahilan para matangay nito si Rome.

"Gaaah!" Napasigaw si Rome nang magising siya. Hirap na hirap siyang huminga at pawisang hinahabol ang bawat hanging pwedeng malanghap. Dali-dali siyang bumangon, binuksan ang ilaw at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Naubos ni Rome ang dalawang baso at wala na siyang balak pang bumalik ulit sa pagtulog.

"Sinunod ko naman ang bilin nya."

Takang-taka si Rome dahil nanaginip pa rin siya kahit ininom naman niya ang gamot na bigay ni Veronica sa kanya. Tumingin si Rome sa orasan at alas kwatro pasado na ng madaling araw. Eksakto ang bilang niya sa magiging epekto ng gamot gaya ng sabi ni Veronica sa kanya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nanaginip pa rin siya. Hindi ba umepekto ang gamot sa kanya o sadya lamang na aktibo ang kanyang utak na mag REM sleep?

Nang pumasok si Rome as eskwelahan ay sinabi niya kaagad kay Veronica ang nangyari. Tanghali na noon at lunch break na. Niyaya na muna ni Veronica si Rome para kumain ng tanghalian at mag-usap.

"Hindi ko masasagot sa ngayon ang tanong mo, kuya. Matagal na akong umiinom ng gamot na 'yan at alam ko na effective 'yan kapag iniinom ko. Zero tendency of REM sleep ako palagi everytime na tini-take ko ang gamot na bigay ko sa'yo," nagtatakang saad ni Veronica kay Rome.

Balisa si Rome at lalo siyang nag-alala dahil walang naging resolve si Veronica sa kanyang problema. Hindi siya halos makakain dahil pakiramdam niya ay masusuka siya. Ganoon ang palagi niyang nararamdaman kapag nag-aalala at kinakabahan.

"Hindi kaya sleep paralysis ang nangyari sakin?" tanong ni Rome.

"I won't bet na sleep paralysis 'yan. Di ba sabi mo kanina, nanaginip ka na nalulunod? Kung sleep paralysis kasi iyan, hindi ka nananaginip. Gising ang diwa mo pero hindi mo lang maigalaw ang katawan mo," sagot ng babae.

Nagpatuloy sila sa pagkain. Pinilit ni Rome na ubusin ang kanin at ulam na nasa kanyang plato kahit pakiramdam niya ay isusuka niya ito habang kumakain.

"Paano mo nga pala natutunan ang mga itinuturo mo sa akin?" usisa ng binata.

"Malalaman mo rin ang sagot, kuya. For the meantime, kailangan mo munang matuto ng reality check."

Tahimik lang si Rome. Interesado sa mga susunod na ipapaliwanag si Veronica. Ano ang reality check? Ano ang kailangang matutunan ni Rome?

"Hindi lang ang pagkurot sa sarili ang paraan upang malaman kung nananaginip ka ba o hindi. Maaari pa rin kasi tayong makaramdam ng kirot kahit nasa kalagitnaan tayo ng panaginip," seryosong paliwanag ng babae kay Rome.

"Anong kailangan kong gawin?" tanong ng binata. Sumagot si Veronica, "kailangan mong matutong gumamit ng Dream Talisman."

The Dream Hunter (SELF-PUBLISHED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt